Gabrielle's mind was roaming around, masyadong okupado ang utak niya sa ibang bagay habang pilit na naghahanap ng mga salita upang itipa sa kanyang laptop, ngunit wala pa rin siyang salitang nabubuo at hindi niya mahagilap ang tamang inspirasyon upang gumawa ng bagong storya. Kung pwede lang na isulat niya ang nangyayari sa buhay niya ng mga oras na iyon, but her life was in a vague picture at the moment. Napakabilis ng mga pangyayari sa buhay niya and worst is that she had a strange being na mukhang walang planong umalis sa buhay niya.
"Haayyyyssss!" buntong hininga niya, saka nagdesisyon na isara na ang laptop niya. She headed towards her bed at binagsak ang katawan niya sa hindi gaanong malambot niyang kama., It's been three days, ever since she decided to write a new manuscript, ngunit bigo pa rin siyang mahanap ang tamang inspirasyon upang makapagsulat ulit.
"Give me my freedom and I'll set you free," bulong niya. "I'll set you free." muling umalingawngaw ang mga salitang iyon ni Wish ng huli silang magkita. Kaagad niyang pinagmasdan ang singsing sa kanyang daliri, she had to find a way upang maalis niya iyon, kailangan niyang maghanap ng paraan upang maibalik ang kalayaan niya. She doesn't like the idea of not having her freedom sa sarili niyang katawan.
"Pero paano? Anong gagawin ko?," buntong hininga ag muli niyang pinakawalan. "Paano ko siya matutulungan sa kalayaang nais niya, kung magiging rasun ako ng pagkawala niya sa mundo?" tila nasisiraan niyang tanong sa sarili saka umiling iling, masisiraan talaga siya ng ulo dahil sa lalaki. Mauuna pa ata siyang mawalan ng buhay kapag tumagal pa itong nasa tabi niya. He was not a human, at masyado itong mahiwaga upang hindi niya ipagkalat sa iba. Pwede siyang sumikat kapag nagkataon.
Nasa ganoon siyang paghihinuha ng biglang tumunog ang kanyang phone na nakapatong sa bedside table niya. Kaagad niyang inabot iyon sa pag-aakalang si Wish ang tumawag at may ipapagawa na ito sa kanya, ilang araw na itong hindi nagparamdaman sa kanya simula pa noong nangyari sa hellipad ng isang mataas na gusali.
"Gab."
"Miss krista?" gulat siya ng mapagsino ang boses sa kabilang linya. Day off niya sa araw na iyon at hindi niya inaasahan ang tawag nitong iyon sa kanya. Krista was never the caller, hindi na nito ginawang tawagan siya ni minsan sa loob ng isa't kalahating taon niyang pagtatrabaho sa Spiral, tanging pag message lang ang ginagawa nito kapag may gusto itong ipagawa sa kanya. Medyo kinabahan siya ng mga oras na iyon, pilit niyang hinagilap sa utak niya ang maaaring dahilan kung bakit ito napatawag sa kanya, kung bakit kailangan itong tumawag sa kanya.
"I know, day off mo ngayon pero pwede bang pumunta ka sa cafe as soon as possible? I have something to tell you!" bungad nito. Seryoso ang boses nito na kaagad namang ikinabangon niya mula sa pagkakahiga niya sa kama.
Her boss never asked her for anything na hindi niya kayang gawin eversince nagtrabaho siya sa Cafe. Most of the time ay ito pa ang nag-aajust kapag may mga kailangan siya dito.
Nagpasalamat siyang hindi siya nito sinisante dahil sa nangyari noong nakaraang tatlong araw sa Cafe. Noong araw nagkalat siya, noong araw na napagtanto niyang nakalimutan nga pala talaga siya ng matalik niyang kaibigang si Blaize.
"Sige po Maam. Pupunta po ako!" sagot niya. Kaagad din nitong tinapos ang tawag ng marinig nito ang sagot niya. While she was left on the other line, na ang tanging narinig ay ang sunod, sunod na pag beep. Wondering and searching for a reason why her boss called her and wanted her to come to the Cafe even if it's her day off. Sinakop ng kakaibang kaba ang dibdib niya. And she doesn't like being nervous, napa praning siya.
Matapos ang mahigit treinta minutos ay narating na niya ang Spiral Cafe.
Wala namang masyadong tao ng makarating siya doon, Dahil na rin masyado pang maaga. Usually hapon ang pinakabusy na oras sa Cafe. People would usually go there, upang magmeryenda at karamihan sa ito ang mga estudyante.
Maganda kasi ang signal ng wifi sa cafe, kaya mas magandang gumawa ng mga school projects at office papers doon sa mga estudyanteng walang internet sa mga bahay nila.
"Miss Krista!" tawag niya sa pangalan ng babaeng manager ng mamataan niya ito sa Counter ng Spiral, kaagad siyang sinalubong ng malapad na ngiti ng babae ng lingunin siya nito. And her kind of smile scared her. Sigurado siyang may ibang ibig sabihin ang kakaibang ngiti nitong iyon.
"Gab, merong gustong kumausap sayo." panimula nito, saka itinuro ang pinakadulong bahagi ng cafe. Nakaupo doon ang pamilyar na lalaki na may malapad ang pagkakangiti sa kanya, kaagad na lumipad ang isang kilay niya.
"Anong kailangan ng lalaking to?" kaagad na bulong niya.
"Gusto lang daw niyang humingi ng dispensa sayo, dahil doon sa nangyari noong nakaraang araw. Kaya sige na, kausapin mona." si krista na rin ang sumagot ng katanungan niya, at halos ipagtulakan siya nito patungo sa lalaki. Kung sana ay katulad pa noon ang relasyon nilang dalawa ng lalaki ay baka tumakbo na siya patungo dito, at siguradong hindi na kailangan ni Krista na ipagtulakan siya patungo sa lalaki dahil siya pa mismo ang unang lalapit dito. Ngunit ibang storya na ang nakasulat sa libro para sa kanilang dalawa and those words that he said has been written and was permanently in that book naka imprenta na ang mga pahinang iyon, at wala ng kahit anong paraan upang mabago ang mga nangyari at wala na ring makakabura sa sakit na iniwan ng lahat nang iyon sa puso at isipan niya.
"I'm glad you came." untag ng lalaki ng lumapit siya. Malapad ang pagkakangiti nito. His pale brown eyes was shining while looking at her gamit ang nakakatunaw nitong ngiti na naging dahilan ng pagkabagsak niya. Malaki nga ang pinagbago nito, madalas ay t-shirt lang ang suot nito, at tatlong maong na pantalon nitong kupas na kupas na sa kakagamit nito o di naman kaya'y magsho short lang ito at t-shirt din pagnagkikita sila sa Cafe na iyon noon. But, he was different ng mga oras na iyon, naka suot ito ng suit at with matching necktie, his hair was fix with gel, sinakop din ang ilong niya ng mabangong amoy ng suot nitong panglalaki at mamahalin nitong pabango. At Hindi na rin siya magtataka, at magugulat kung nahihiga narin ito sa pera kapag may oras ito.
"Anong kailangan mo?" iritable niyang tanong sa lalaki. Wala siyang ganang patagalin ang pakikipag-usap dito. Ayaw niya itong makita ng mga oras na iyon o kahit bukas o sa susunod pang araw, hindi niya magagawang makapagmove on hangga't lagi niya itong nakikita. At lagi niyang naaalala kung anong ginawa ng lalaki sa kanya.
Inakala niyang hindi na niya ito makikita dahil sa mga nangyari noong muli silang nagkita, matapos ang araw na hindi nito tanggapin ang pag-ibig niya dito. He erased her from his memories, his life and her very existence was nothing but just a wish payment for him. Nagbago ang buong storya ng buhay nito the moment he make the contract with Wish, iba na ang pagkakakilala dito ng mga tao he was not that Blaize that they used to know, the Blaize that she used to know. Ngunit wala na siyang pakialam sa bagay na iyon. Ang masakit lang para sa kanya ay kung bakit hindi nabura ang alaala niya dito? bakit siya lang mananatiling nakakaalam sa buong storya? At bakit siya lang ang kailangan na masaktan?
"Well, I just wanted to say sorry, tungkol doon sa nangyari noong nakaraang araw," sabi ng lalaki, matapos ang halos ilang segundong katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Ngumiti ito sa kanya saka dinala ang tasa ng kape sa bibig nito at uminom ng konti doon, bahagya siyang natigilan. He may have lost his memories, but his taste in coffee was not listed among those things that were erased in his memories.
"I was a bit rude back then, and I felt so guilty kaya gusto kong humingi ng tawad." dagdag pa nito. Humigpit ang naging paghawak niya sa suot na squarepants.
Her eyes almost burst out in tears he doesn't remember anything about her, and yet she really wanted him to remember her upang magawa niyang masampal ito at ipaalam dito kung gaano kasakit ang ginawa nito sa kanya na hindi iyon maaalis mula sa simpleng 'sorry' nito sa kanya.
Gusto niyang ipaalam dito na hindi lang ang nangyari noong nakaraan ang dapat nitong ipaghingi ng tawad sa kanya. He ruined everything in her life, at sa mga oras na iyon ay pinagbabayaran niya ang kahilingan nitong hindi naman siya nakinabang, and the worst is she was tied in a contract with a Wish na hindi niya rin sigurado kong ibabalik ba ang kalayaan niya o hindi.
"Okay lang po." pinilit niyang lunukin ang likidong bumara sa lalamunan niya, habang pilit na pinipigilan ang sariling maiyak, she fixed herself at tinalikuran na ito
"Sige, mauna na ako." paalam niya, ngunit hindi paman siya tuluyang nakakatayo ay kaagad nitong hinawakan ang kaliwang kamay niya dahilan upang muli siyang mapatingin sa lalaki.
"Wait! May gusto pa sana akong itanong. Can you spare me a little time pa?" Napaawang ang mga labi niya ng mga oras na iyon. Alam niyang seryoso ito ng sinabi nito iyon kilalang kilala niya ang lalaki. Ngunit ayaw na niyang makausap ito, ayaw na niyang makita ang pagmumukha nito.
"May kailangan pa kasi akong puntahan. Siguro next time nalang. Tinanggap ko na ang apology mo kaya pwede bang bitawan mo na ako?" aniya sa mahinahon at kalmado pa ring boses sa kabila ng nag-aalburuto na niyang puso at isipan, she was scared na baka sumabog na siya at mapasigaw siya at ayaw niya iyong mangyari. Pilit niyang inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito, ngunit masyado itong malakas at ayaw din niyang makatawag ng atensyon sa ilang mga customer na nasa Cafe. Ayaw niyang mangyari ang katulad ng nangyari three days ago sa naturang Cafe pa rin.
"kahit sandali lang Miss Gab" pakiusap pa niti. He was persistent, lagi naman itong ganoon kahit noon pa gustong gusto nitong nakukuha nito ang gusto nito. But things were different that time. Everything was an obscure picture for her and him. At wala siyang balak na manipulahin pang muli nito ang buhay niya, at ang isipan niya.
"How long are you gonna hold her hand?" isang baritono at pamilyar na boses sa kanya ang narinig niyang nagsalita mula sa kanyang likuran.
A familiar face and smell was standing beside her, at bahagya pa siyang nagulat dahil sa presensya nito, dahil sa pagkakaalala niya ay wala naman ito doon limang segundo palang ang nakalipas.
"Wish!" gulat na untag niya. Kaagad na gumuhit ang malapad na ngiti mula sa labii nito, ngunit walang emosyon na nakapinta sa mga mata nito ni hindi man lang ito marunong magpanggap na totoong may pakialam ito sa kanya. He was acting like a robot in manual mode, he needed her. That's why he had to help or save her, and that reality was a bad idea for her life. Masyado nitong ginugulo ang buhay niya.
"Sino ka?" kaagad na tanong ni Blaize, nakaguhit ang pagkadisgusto sa mga mukha ng dalawang lalaki at nanlaki pa ang mga mata niya ng higpitan pa ni Blaize ang hawak sa kamay niya, seriously pinapainit talaga nito ang ulo niya. Hindi nakakatulong ang dalawang lalaki sa kanya.
"Nagtampo kana ba kaagad dahil hindi kita dinala sa bahay ko? Alam mo namang busy ako diba? Minsan hindi talaga kita maintindihan asawa ko." nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi niya sa sinabing iyon ni Wish. He was looking at her at tila ba may gustong iparating sa kanya, ngunit wala siyang maintindihan sa ibig sabihin ng sensyas ng mga mata nito. At masyadong nagulat ang utak niya sa laman ng mga sinabi nito. Anong bahay? Anong asawa? Anong nagtampo? Hindi niya makita ang sarili niya sa kahit ni isa sa mga sinabi nito.
"Asawa ko?!" gulat na pag-ulit niya sa huling salitang binitawan nito.
"Ito na dapat ang oras para bitawan mo ang kamay niya di'ba?" seryosong sabi nito kay Blaize habang ang mga mata nito ay nakatingin lang sa kanya, hanggang sa maramdaman niyang binitawan na ni Blaize ang kamay niya. Walang salitang kumuwala sa mga labi nito. He didn't even hesitate to let her hand go.
"Let's go home." anunsyo ni Wish, matapos anh ilang segundo. Hinila siya ng lalaki palabas ng Cafe, ngunit bago paman iyon mangyari ay muli pa itong nagsalita "Don't even try to move that head of yours or else," iritableng sabi ni Wish. May pagbabanta mula sa tono ng boses nito, marahil ay naramdaman nitong lilingunin pa niya si Blaize na sigurado siyang hindi pa rin nakahuma sa nangyari, ngunit hindi na niya nagawang lingunin ang lalaki, hindi dahil sa sinabi ni Wish, kundi dahil wala na rin siyang ganang gawin ang sinasabi ng puso niya ng mga oras na iyon.
Matapos nilang maabot ang parking space kung saan nandoon ang sasakyan ni Wish ay marahas niyang hinablot ang kamay niya mula sa mahigpit nitong pagkakahawak.
"Okay na. Okay na ako kaya ko naman na umuwi! Kaya, Salamat!" aniya dito. Hindi kumbinsido ang ekspresyong gumuhit sa mukha nito.
"Sabay na tayo." anito. Akma na sana siyang hahakbang, palayo dito.
"Kaya kong umuwi." sabi niya sa pangalawang beses, ano na naman ba ang pinaglalaban nito? Nadinig niyang napa buntong hininga ito, at sigurado siyang dahil iyon sa kanya. Ano bang gusto nitong gawin niya? She personally grateful for him for a lot of things, ngunit hindi sapat iyon upang okupahin na rin nito ang personal space niya. The guy is seriously doing whatever he wants to do.
"Sumakay ka na, or I'll really force you to do that!" utos nito. Seryoso na naman ang mukha nito, minsan talaga naiisip niyang si 'Bitter' ito hindi Wish hindi man lang ito maging sincere sa mga ngiti nito at mas lalong hindi malang ito marunong tumawa. And for goodness sake, can't he stop acting like her father or something?
"Ano bang problema mo? Kaya ko na nga umuwi mag-isa! At sa pagkakaalam ko meron pa naman akong dalawang paa at dalawang kamay hindi ako disabled para ihatid mo pauwi! Ayaw kitang makasama sa sasakyan na iyan at baka tuluyan na talaga akong mabaliw!" singhal niya sa lalaki, kanina pa sinusubukan ng pasensya niya. And sadly she don't have the kind of patient para hayaan itong gawin kung anong gusto nito. Isa din ito kapag may gusto, dapat masusunod at makukuha kaagad.
"You leave me no choice then!" sagot nito, at sa isang iglap ay napunta ito sa mismong harapan niya, gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. She smells his familiar perfume all around her and his eyes was looking at her as if looking every inch of her soul. Nanlaki ang mga mata niya ng mga oras na iyon. Nagtayuan ang lahat ng balahibo niya sa katawan at sa mga oras na iyon ay ka agad siyang napaatras, ngunit hindi niya inaasahang mawawalan siya ng balanse sa pag-atras na iyon, mabuti na lang at mabilis ang kamay ng lalaking kaharap niya, at nasalo siya nito bago pa siya muling humalik sa lupa. Hinagip pa nito ang beywang niya habang seryosong nakatingin lang sa kanya, using his serious face and eyes.
"You almost hit your head human." anito habang hawak, hawak pa rin siya. Gahibla ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Kaagad siyang tumayo nang mapagtanto niyang nasa awkward silang posisyon na dalawa.
"Bitawan monako!" balak niyang umatras upang lumayo dito, ngunit mas hinila pa siya nito papalapit dito dahilan upang masubsob siya sa dibdib nito.
"Wish!" Gulat na sambit niya.
"You're not going anywhere human." anito, saka siya nito walang kahirap hirap na inangat mula sa kinatatayuan niya.
"Ahhhh! Bitawan mo ko! Baliw ka!" sigaw niya,ngunit wala din siyang nagawa ng tuluyan na siya nitong ipasok sa sasakyan nito.
"Palabasin mo ko!" muling sigaw niya sa lalaki habang pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak nito, ngunit tila wala itong narinig mula sa kanya at patuloy sa pagkabit ng seat belt sa katawan niya
"Tulong!" palahaw niya. Nagbakasakali siyang may makarinig sa kanya at matulungan siyang makatakas mula sa lalaki.
"k********g ito! makukulong ka!" pagbabanta niya dito, ngunit kagaya ng inaasahan niya, wala itong pakialam.
Ngumiti pa ito ng nakakaloko "Do you think they can hold me in prison? Think again Human" sigurado at walang bahid ng pagdadalawang isip sa tono ng boses nito.
Matapos nitong ayusin ang seatbelt niya ay bigla itong nawala sa harap niya at sa isang iglap ay katabi na niya ito sa loob mismo ng sasakyan.
Bumuntong hininga siya, bakit pa ba siya nakikipagtalo dito? She was nothing compared to his ability, wala din naman siyang nagawa kundi ang hayaan nalang ito.
"Ihatid mo nalang ako sa may kanto sa amin, kaya ko na ang maglakad mula doon pauwi sa bahay ko."
"Sino nagsabi sa'yong uuwi ka sa inyo?" tanong nito kaagad siyang napatingin siya sa lalaki.
"Ha?,saan mo naman ako dadalhin?" gulat na tanong niya, halos maiyak na siya ng mga oras na iyon.
"My house. Or should I say our house. Nakalimutan mo naba ang sinabi ko? From now on, we will live together sa ayaw mo o sa gusto." sabi nito, umawang ang mga labi niya. Hindi niya inaasahang seryoso ito tungkol sa bagay na iyon. How can she possibly live under the same roof with WISH himself? She was in a big trouble ng mga oras na iyon.