Isang kulay itim na gate ang kaagad na sumalubong kay Gab ng maabot na nila ang pinakadulong bahagi ng isang kilalang subdivision. Hindi ganun kalayo ang bahay na iyon mula sa Spiral cafe.
Tumingin siya sa lalaking nagmamaneho ng sasakyan kung saan siya lulan ng mga oras na iyon. Buong akala niya ay bababa ito upang buksan ang malaki at mataas na gate, ngunit kusang nagbukas iyon at kaagad namang pinasok ng lalaki ang sasakyan. He seems to be enjoying a luxurious life himself. He was the Wish ano pa ba ang dapat niyang ikagulat sa lalaki?
Her eyes grew wide the moment his car entered the spacious garden, sandaling umawang ang mga labi niya kakaiba ang disenyo ng bahay nito sa loob. Sa unang tingin sa labas ay tila walang kaganda ganda sa bahay nito. Dahil na rin sa matataas halos sakupin na ng mga halaman na pader, but the moment they've entered the Gate ay iba na ang pakiramdam at tanawin sa loob, and she bet the guy like the idea of not having much attention, and not having attention means everything even his own personal space. Kaya hinayaan nitong maging hindi ganoon ka makatawag pansin ang labas ng bahay nito.
Iginala niya ang mga mata sa paligid, napapalibutan ng ibat't ibang mga tanim at mga bulaklak ang halos buong paligid, may iilang dahon lang na nakakalat sa madamong bahagi, dahil narin sa ilang puno ng mangga, nakatirik doon.
The house itself was standing in the middle of the of the garden, may mga footwalk sa paligid na kumukonekta sa lahat ng pwedeng puntahan ng mga paa. The garage, the gate, the main house maging sa swimming pool na nakalagak sa kaliwang bahagi ng bahay the two storey house was painted in black and white, it's wooden exterior design invites visitor to come and relax, it's very inviting at maganda sa mata. May limang baitang ng hagdan na gawa naman sa cemento ang kailangan na akyatin upang maabot mo ang mismong main door ng naturng bahay, mula sa malawak na hardin, napapalibutan din ng mga tanim ang gilid ng hagdan na iyon and it reaches up even until the porch.
Tumingala siya at kaagad niyang natanaw ang rooftop ng naturang bahay, ngunit bago iyon ay natatanaw mo muna ang grand staircase ng dahil sa glass wall nito na nasa mismong gitna, katamtaman lang ang laki ng glass wall and the rest of the wall was made of the hardest wood.
"Wow!" manghang sambit niya. Iyon lang ang tanging salita na lumabas mula sa labi niya ng tuluyan na nilang maabot ang main door, ni hindi na niya namalayang nasa mismong tabi na pala niya ang lalaki ng mga oras na iyon. Nagmamadali kasi siyang bumaba ng sasakyan kanina, the moment the car stop, dahil gusto niyang makita ang ganda ng paligid.
"Papasukin ng langaw iyang bibig mo," basag ng lalaki sa namamangha pa rin niyang isipan, nilingon niya ito nakatayo lang ito sa tabi niya at umiling iling.
"Ngayon ka lang ba nakakita ng namangha sa bahay mo?" kaagad na saggot niya sa lalaki at muling nilibot ang mga mata niya sa paligid hindi pa rin siya makapaniwala na nakatira ang lalaki sa ganun kaganda na bahay.
"Magnanakaw ka no?" tanong pa niya dito, hindi siya na inform na malaki pala ang sahod ng pagiging si Wish. Walang naging tugon ang lalaki sa tanong niya dito, ngunit sa halip ay binuksan na nito ang maindoor ng bahay at kaagad na sumalubong sa kanya ang kakaibang halimuyak na mula sa loob ng mismong bahay, marahil ay ganun talaga ang amoy ng bahay kapag lalaking malinis at gwapo ang nakatira.
"Teka, naisip ko bang gwapo at malinis? Amoy malinis oo, pero gwapo?" tila baliw siyang nakikipag-usap sa sarili niya. May plano pa atang magtalo ang isipan niya ng mga oras na iyon.
But unlike sa exterior design ng bahay, hindi ganun kaganda ang interior design nito or should she say wala itong gaanon kagandang exterior design dahil wala namang masyadong laman ang loob ng bahay nito, black and white pa rin ang kulay ng pintura sa loob at iyon lang ang tanging nakita niya matapos niyang paulit ulit na ilibot ang mga mata sa paligid. May nakalagay na isang malaki at abuhing sofa sa gitna ng sala may maliit na center table at ilang hakbang mula doon ay nakasabit ang isang sixty three inches na smart television, may ilang nakasabit na painting sa dingding, ngunit hindi niya maintindihan ang mga nakaukit doon. At maliban sa mga gamit nitong iyon ay wala na siyang nakita pa sa paligid, tila pwede na siyang magtawag ng ibang tao sa bahay upang mag disco, walang masyadong laman ang bahay ng lalaki. Marahil ay hindi nito gusto ang masyadong gamit.
"Saan ako matutulog?" tanong niya sa lalaki. Wala din siyang nakitang kusina sa malawak na salas nito, wala ring siyang nakitang bookshelves o kahit ano man lang na pwede niyang pagka abalahan, marahil ay mananatili nailan siya sa labas ng bahay nito, dahil marahil doon ay may magawa pa siya. Napakaboring ng buhay sa loob ng bahay nito.
"Sa taas." sagot ng lalaki sa kanya at kaagad naman niyang tinungo ang ikalawang palapag ng naturang bahay, may dalawang kwartong nandoon she tried to open first door sa unang kwarto, ngunit bigo siyang magawa iyon dahil, nakakandado ang naturang pinto ng kwarto. Tinungo na lang niya ang isa pang kwarto at kaagad siyang napangiti siya ng mabuksan niya iyon. Ngunit kaagad din namang napawi ang ngiting iyon ng maging pamilyar sa kanya ang naturang kwarto.
"Bakit parang dejavu ang nakikita ko?" aniya sa lalaking nakatayo sa likuran niya ng mga oras na iyon.
"Syempre, Ito kasi ang kwarto kung saan kita dinala noon." paalala nito sa kanya ng nangyari noong araw na binigay nito sa kanya ang singsing na nasa daliri niya ng mga oras na iyon. Iyon pala ang rasun kung bakit pamilyar sa kanya ang mga bagay sa bahay na iyon kanina pagpasok pagpasok palang niya sa mismong Main door.
"So, ito ba ang kwarto ko?" tanong niya sa lalaki kahit na may ideya naman na siya kung ano ang isasagot nito sa katanungan niyang iyon. The moment she opened the door ay sigurado siyang kwarto iyon ng lalaki. Mula sa kulay ng mga gamit na nasa loob at maging sa king size bed.
"Oo," kaagad siyang napatingin dito. "This is your room."
"Ha?" gulat at takang tanong niya sa lalaki. Sinabi ba nitong sa kaniya na ang kwartong iyon? At lilipat na ito sa kabilang kwarto?
"So, akin na ang kwartong ito?" muling tanong niya sa lalaki.
"It's our room. Dalawa tayo dito." sagot naman nito na hindi niya inasahan. Napa-ubo pa siya ng bahagya nang marinig ang sinabi nitong iyon. Kaagad na umawang ang mga labi niya saka napatingin muli dito.
"I'm not kidding. We can use this room together, wag kang tumingin sa akin na parang may gagawin ako sayong masama. You're overreacting again at saka wala naman ako lagi sa kwarto na ito, at mas lalong wala naman ako lagi sa bahay na ito so you can use this room and I can use it whenever I'm here." paliwanag nito sa kanya.
"Sino nagsabi sa'yong nag-isip ako ng kakaiba? Wala namang naisip a" depensa niya. Saka muling lumabas ng kwarto upang itago ang sigurado siya'y namumula niyang pisngi ng mga oras na iyon. Bakit ba kasi nag-isip siya ng kung ano, ano?
"You're so predictable." ani pa nito. Ngunit hindi na niya ito sinagot at sa halip ay iniba na lang niya ang topiko nilang dalawa.
"Siya nga pala, bakit wala akong nakitang kusina? Saan ako magluluto?" tanong niya sa lalaki, naalala niya ang nawawalang parte na iyon ng bahay. She can't possibly live there without a kitchen.
"You can order your food online, or you can buy it before going home from your work. I don't have a kitchen 'cause obviously, I don't cook dahil hindi ko rin naman kailangan ang pagkain." napaawang ang mga labi niya. Wala nga talaga itong kusina sa bahay na iyon, buong akala niya ay baka nasa likuran lang ng bahay nito ang dirty kitchen nito, but he really doesn't have a kitchen. And the guy is serious about it.
"Wala kang kusina? Order online? Gusto mo bang mamatay ako ng mas maaga, bago ko magawa iyong pinapagawa mo sa'kin? Uuwi na lang ako I can't live in a house without a kitchen! And I'm definitely not a fan of Ordering food online or somewhere else!" giit niya. Isang pag buntong hininga ang pinakawalan ng lalaki, habang seryosong nakatingin sa kanya. Is she getting into his nerve already?
"Okay then. Gagawan kita. Doon ka na rin matulog sa kusina mo!" sarkastiko at madiin na sagot nito. Palibhasa kasi hindi naman talaga nito kailangan ang kumain kaya hindi nito kailangan ang kusina. But, If he wanted her to love with him, kailangan din niya ng kusina. Hindi naman siya katulad nito na depende lang dito kung kailan nito trip, na lagyan ng kung ano ang bibig nito, hindi ito nagugutom o nauuhaw. Unlike human beings. Food is not a basic need for him.
"Para saan naman ang kwartong iyan?" tanong niya. Sa pangalawang beses ay binago na naman niya ang topiko nila nang mapansin niya ang kwartong nasa gilid nilang dalawa. Iyon ang kwartong sarado na sinubukan niyang buksan kanina nina lang.
"Oh! well, maybe it's time for you to meet your siblings." nakangiting sagot nito. Saka siya hinila papasok ng naturang kwarto.
"Siblings?" takang tanong niya. May mga kapatid siya sa loob ng kwartong iyon?
Dalawang dambulahang closet cabinets ang kaagad na nakita niya the moment she entered the room. But, unlike normal Closets, gawa sa babasagin ang buong katawan ng naturang lalagyan, at okupado ng mga kakaibang bagay ang naturang aparador na iyon, at bawat isa sa mga ito ay mayroong kulay puting laso na nakatali sa gitna. Those white things reminded her of the ring she was wearing.
"These are all. Wishes payments" untag ng lalaki. Kaagad naman siyang napatingin sa lalaki.
"Payments?" pag-uulit niya sa narinig mula dito. Kaya pala pamilyar sa kanya ang puting nakatali sa bawat bagay na nandoon. Because, it's the same thing in her ring. Tila kumikinang ang puting bagay na iyon.
"So, gaano na katagal ang mga ito?" dagdag na tanong niya sa lalaki. May mga napansin siyang mga bagay na nandoon na sobrang luma na at ang iba naman ay hindi ganoon kaganda, kagaya na lang ng isang sira, sirang relo, isang maduming panyo, at maging isang ipit sa buhok na sira narin. Some of those things are vintage kagaya ng nakita niyang pinakaunang model ng phone na meron pang antenna, an old peso bill at ilang magagandang kwintas those are all kept and preserved.
"Some of them are more than a hundred years old, just like that bow and arrow." sagot ni Wish sa kanya saka Itinuro sa kanya ang isang luma at sirang pana. "Don't underestimate them, they have all played a special meaning and importance in someone else's life. Nandito ang lahat ng mga iyan because, they all hold precious memories na itinapon lang dahil sa karangyaan or kung anumang kahilingan."
"So, lahat ng nandito ay kabayaran sa magandang buhay? Or lahat ng nandito ang kapalit ay pera at kayamanan ganoon?" tanong pa niya sa lalaki.
"Yes. I can't grant you humans more life, hindi ko pwedeng manipulahin ang buhay that's not mine to give or take. But, I can't extend someone's life. I can't grant someone's wish to be love by someone, kaya kong manipulahin ang utak ngunit hindi ang puso, and I can't grant a wish na saktan ang isang tao. Like killing a particular person." mahabang sabi nito saka ito tumingin sa kanya. Tinungo nito ang pinaka sulok ng naturang kwarto kung saan may nakalagak na isang upuang gawa sa kahoy. Umupo ito doon at muling pinagmasdan ang mga koleksyon nito. At muling nagsalita.
"I don't like you Humans. Because most of you are selfish. Based on my experience and based on what I know and what I believe. Lahat ng mga bagay dito ay may kaakibat na alaala na dapat nilang alagaan o inaalagaan, but they chose to throw it all away 'cause they want money, popularity, society acceptance and a name to be proud of." mahabang sabi nito. Napatingin siya sa lalaki, hindi niya alam kung bakit at saan ngunit may naramdaman siyang lungkot sa mga mata ng lalaki ng sabihin nito ang mga bagay na sinabi nito. Basi sa mga sinabi nito ay tila ba ayaw nito sa mga tao. Ngunit may lungkot sa mga mata nito. And if he hated humans like her, ay hindi na siya nito pinagkakaabalahan ng oras nito o hindi na rin nito ginawang, iligtas siya ng ilang beses. Sigurado siyang may kailangan ito sa kanya but, she knew na hindi sapat na rasun iyon upang gawin nito ang mga bagay na iyon sa kanya and why would he still gave humans there wishes? If he hates them? Alam niyang hindi galit at pagkainis ang meron ito sa mga tao. Regrets and pain was written in his face ng mga oras na iyon.
"Hindi ako kokontra sa mga sinabi mo," sagot niya sa lalaki. "Yes, We humans gusto naming maging maganda ang buhay namin dito sa mundo we worked hard na maabot ang mga pangarap namin. But for some reasons some people choose to grab the easier way to have what they wanted in life, but most of us make sacrifices in order to gain something in life. We have to make difficult decisions and stupid mistakes upang malaman kung ano ba talaga ang dapat namin gawin. Hindi mo maiintindihan ang mga tao kung iisipin mo lang ang mali at ang hindi mo gusto sa amin. Ginagawa namin ang lahat upang mag survive, so don't judge us too much dahil lang doon sa mga tao na nakilala mo na hindi naging maganda ang alaalang iniwan sa iyon. At saka, hindi mo alam ang dahilan kung bakit nila piniling ibigay sa iyo ang isang bagay na importante sa kanila. Hindi mo alam ang dahilan kung bakit ginagawa namin na mga taong maging makasarili minsan. For me, If you have no other choice but to be selfish in order for you to be happy then go for it, hindi kasalanan ang maging makasarili minsan, but not learning a lesson after doing it was just a waste of time." nakangiting paliwanag niya. Hindi niya alam kung siya natutuwa ng ipaliwanag niya ang mga bagay na iyon sa lalaki. Wala siyang naman siyang planong ipaglaban ang mga tao. Hindi siya ipinanganak sa mundo upang maging abogado ng mga tao na katulad niya. Laban sa nilalang na hindi sila gusto, but she just wanted to let him know that not all humans are selfish. Sometimes, we just don't have any other choice but to be one.
"Well, maybe accepting you as a payment was not a bad idea after all." nakangiti ding sabi nito.Habang nakatingin pa rin sa kanya, At iyon ang pinakaunang beses na nakita niyang ngumiti ito ng ganoon.
"This was a sincere one." sambit ng utak niya, habang nakatingin pa rin sa lalaki. May narinig siyang tila nagbanda sa puso niya. At hindi niya gusto ang bagay na naramdaman niya ng mga oras na iyon.
"Gwapo ba talaga ako?" tanong nito. Kaagad din naman nitong binasag ang kabaliwang pumasok sa isipan niya.
"Gwapo mo mukha mo, akala ko talaga magiging seryoso kana." ano pa ba ang inaasahan niya? Minabuti na lang niyang muling ibaling ang tingin niya sa mga koleksyon nito.
"Nakatingin ka kasi sa akin. Wag kana kasing mahiya. Sabihin mo na lang na gwapo ako. That's only natural" nanlaki ang mga mata niya. Sasapukin niya talaga ang lalaki ng wala sa oras.
"Wag ka ngang feeling, hindi mo bagay!" singhal niya sa lalaki. Tumawa lang ito saka nagkibit balikat.
"Pero para saan ang puting bagay na nakatali sa lahat ng mga ito? Di ba iyon din ang puting singsing na nasa daliri ko?" tanong niyang muli sa lalaki. Saka niya ikinumpara ang singsing niya sa puting nakatali sa pana na nasa harapan niya.
"Tama. That ring means your soul connected to me kapag nangyari na ang kontrata kinukuha ko lahat ng mga alaala sa mga taong humiling and that memories was inside that white thing na nakatali sa bawat bagay na nagiging kabayaran ang tawag diyan ay 'soul connector' nasa loob ng mga taling iyan ang ilang parte ng kaluluwa ko so I can connect and remember everything na nasa bagay na iyan, but yours is a different story. Dahil tao ka, and you are the first human that na tinanggap ko bilang kabayaran sa isang kontrata. I owned your soul, ngunit hindi lang ako ang may hawak sa buhay mo you also had a piece of my soul in that ring. Ibig sabihin you also owned a part of me our soul was connected to each other that is why nararamdaman kita, ngunit ako lang ang may kakayahan sa ating dalawang gawin iyon." medyo naguluhan siya sa mga sinabi nito. So ang singsing na nasa daliri niya ay ang ibang bahagi ng kaluluwa nito?
"Teka? So ang singsing na ito ay ang kaluluwa mo?" tanong niya sa lalaki.
"It's our souls united to be exact. Kaya hindi mo maaalis ang singsing na iyan hangga't hindi ko pinahihintulutan" sagot naman nito.
"So, Ibig sabihin pag namatay ako, pwede kang mamatay din o pag namatay ka pwede din akong mamatay ganoon? Kasi konektado na ang kaluluwa nating dalawa" umiling iling ito bilang pagkontra sa sinabi niya.
"No. Hindi ako mamatay kung mamatay ka or you won't die if I die, You will just go back to being normal human pero makakalimutan mo lahat ng mga alaala mo sa akin." napatingin siya sa lalaki.
"Kaya kailangan tulungan mo ako para mawala lang akong parang bula sa buhay mo" hindi niya alam kung ano ibig sabihin ng lungkot na gumuhit sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Nanggaling ata iyon sa bagay na komukonekta sa kanilang dalawa. She can't possibly be sad dahil sa sinabi nito.
Muli siyang tumingin sa mga bagay na nasa loob ng glass Closet Cabinet. All of it will be gone with him kapag nawala na ito. Together with all those memories na maaalala niya mula sa lalaki.