Matapos landakan mag-isa ni Gab ang isang box ng pizza na inorder niya sa isang kilalang pizza parlor, Ay kaagad niyang niligpit ang kalat niya sa center table. She grabbed the remote control of the sixty two inches television at plano pa sanang maghanap ng mapapanood, ngunit natigilan siya. At nilibot ang mga mata sa paligid niya.
Halos sakupin na kasi ng telebisyon ang mukha niya, nakalimutan na niyang nasa ibang bahay siya ng mga oras na iyon. Nakataas pa ang mga paa niya sa kulay abong sofa at komportableng komportable. She was living her dream ng mga oras na iyon. Biglang nagbago ang buhay niya at magiging ganap na sana ang pagbabagong iyon kung hindi lang sa katotohanan na hindi naman sa kanya ang bahay at mas lalong hindi siya nanunuod dahil iyon ang gusto niya. Wala siyang choice, ayaw niyang makatulog may takot siyang baka hindi na siya magising nang kompleto pa ang katawan kinabukasan. O, kung magising man siya ay baka nasa ibang mundo na siya.
"Hindi naman siya mamatay tao di'ba?" tanong niya sa sarili. Umakyat na ata ang hangin sa utak niya at hindi na siya makapag-isip ng maayos.
"Inaantok kana Gab" bulong pa niya sa sarili saka nag buntong hininga. Pang isang daang hikab na niya, at gusto na talagang pumikit ng kanyang mga mata ngunit pilit na nagigising ang diwa niya. And that's the reason why she was forcing herself to watch, hindi maganda ang takbo ng utak niya and she can't help herself to think of something else, habang nasa loob siya ng bahay ni Wish.
"Hey! Human!" isang pamilyar na boses ang nagsalita sa kanyang likuran sa gitna ng pakikipaglaban niya sa antok at takot. Muntik nang lumuwa ang puso niya sa gulat. Kaagad naman niyang ibinaba ang nakapatong niyang mga paa sa sofa saka nilingon si Wish na kunot ang noo habang nakatingin sa kanya. May nakaguhit na pagka disgusto sa mukha nito, while looking at her at ang mga kalat niya sa center table. Mukhang hindi nito alam na umorder siya ng pizza. She was so hungry at wala siyang mahagilap na makakain sa bahay nito. May Refrigerator nga ito, ngunit puro tubig lang naman ang laman. Decoration lang sa bahay nito ang mga gamit nito. He doesn't even have a kitchen, para sana ay paglutuan niya ng makakain. Kaya wala siyang choice kundi ang umorder ng pagkain.
"Bakit ka nanggugulat!" sita niya sa lalaki na inakupa ang espasyo sa sofa na malapit sa kinauupuan niya. Kaagad naman siyang umusog ng bahagya upang lumayo dito.
"Bakit ba kasi gising kapa?" tanong sana niya dito. Ngunit hindi niya din maitanong dito. Wala naman siyang karapatan na pilitin itong matulog kung ayaw pa naman nitong matulog, pagmamay-ari nito ang bahay at may karapatan itong matulog kung anong oras nito gusto.
Pero paano naman siya? Kanina pa hinahatak na ng kama ang diwa niya at buong katawan niya, ngunit hindi niya magawa na maipikit ang kanyang mga mata. O mas tamang sabihing takot siyang may gawin ito sa kanya, dahil na rin sa katotohanan na kahit na hindi ito tao, ay lalaki pa rin ito.
"Would you stop watching movie already? You are obviously sleepy," basag nito sa maraming bagay na tumatakbo sa utak niya ng mga oras na iyon. "Matulog kana, wag ka ng magpanggap na parang hindi ka inaantok. Pikit na pikit na 'yang mata mo!" dagdag nito sa kanya. Minsan gusto na lang talaga niyang lagyan ng masking tape ang bunganga ng lalaki, masyado itong 'honest'. Pero, baka kahit masking tape ay hindi tatabla dito, dapat ay duck tape ang gamitin niya para sigurado.
"Ha? Anong antok? Nanunuod pa ako, sige lang matulog kana kung inaantok kana." sagot niya sa lalaki. Well, it was an obvious lie ngunit kailangan niyang panindigan ang pagsisinungaling niya. Muli niyang binaling ang atensyon sa telebisyon at kunwari ay pumili pa ng pwede niyang mapanood doon.
Nadinig niya ang pag buntong hininga ng lalaki. Ngunit hindi niya iyon pinansin. Nais niya lang na mawala na ito sa tabi niya at matulog na sa kwarto nito.
"Sa tingin mo ba natutulog ako? And you agreed to be live here in my house, pero wala ka namang tiwala sa akin." May bahid ng inis sa tono nito. And she never liked the idea of him knowing what she was feeling. Nagkakaroon kaagad ito ng ideya kung anong tumatakbo sa isipan niya.
"Trust? Hindi naman talaga mabilis at madaling ibigay iyon." seryosong tugon niya sa lalaki. Hindi rin naman siya sigurado kung mapagkakatiwalaan niya ito. But, there was a part in her na kailangan niyang buksan para sa lalaki in order for her na mapabilis ang gawain niya para dito. She needed to give him her trust kahit na alanganin ang mga bagay na sinabi nito at pinapagawa nito sa kanya.
"Don't bother forcing yourself doing things you don't like, pero dahil nandito ka sa bahay ko. You need to remember na wala akong ibang intensyon sa'yo and I'm honoring all my contracts. At sa pangalawang pagkakataon hindi ako natutulog kaya puputi lang yang mga mata mo sa paghihintay na mangyari iyon." sagot nito.
"Wait, hindi ka talaga natutulog ng literal?" hindi siya makapaniwala na tugon dito. She thought na hindi ito seryoso sa sinabi nito.
"Hindi ko naman kailangan ang tulog. Oo, minsan nagpapahinga ako kapag gusto ko pero hindi ko kailangan ang tulog. My body is not designed for that thing " paliwanag nito. Kaagad namang umawang ang mga labi niya. Halos buong gabi niyang ginawa na pinigilan ang sarili niyang pumikit o kahit na humikab dahil buong akala niya ay natutulog ito, ngunit para pala siyang tangang naghihintay sa wala dahil hindi naman pala natutulog ang baliw na lalaki!.
"Sana sinabi mo kanina pa diba!" inis na sabi niya sa lalaki. Ngunit kaagad din naman siyang natigilan ng mapagtanto niyang siya lang naman ang nag-isip ng kung ano, ano tungkol sa lalaki. At siya lang din ang naglagay sa sarili niya sa ganoong posisyon. Wala namang nagsabi sa kanya na pigilan niya ang sarili niyang hindi matulog. At isa pa Wish thought na dahil sumama siya dito ay nagtitiwala na siya sa lalaki kahit papaano. Ngunit sa naging aksyon niya ng mga oras na iyon ay klaro niyang ipinakita sa lalaki na hindi niya ito pinagkakatiwalaan. And being her hero for many times, masyado siyang naging ungrateful sa mga ginawa ng lalaki sa kanya.
"Pasensya. Pero, Sige okay na ako dito. Maaga pa naman ako aalis bukas may duty ako sa Cafe. Dito na lang ako matutulog. Sige na umakyat ka na sa kwarto mo," halos pa bulong niyang tugon sa lalaki, nahiya siya sa naging kilos niya. She being cautious, ngunit tila nasobrahan niya ang bagay na iyon.
"Sige na. Matutulog na ako." dagdag pa niya saka pinilit na ngumiti, pinagpag niya ang sofa bahagi ng sofa kung saan malapit na nakaupo ang lalaki, pinaparating niya lang dito na handa na siyang matulog at pinapalayas na niya ito sa tabi niya.
"Good. Ayokong lumaki ang bayarin ko sa kuryente dahil sa panunuod mo. Sige matulog kana!" sagot naman nito. Saka mabilis na nawala sa harapan niya. Muli siyang napa buntong hininga. So, klaro na ang lahat sa kanya, dahil lang pala sa bayarin sa kuryente kung bakit ito concern na hindi siya makatulog. At buong akala naman niya ay nasaktan na niya ang damdamin nito, dahil wala siyang tiwala sa lalaki. She was wrong again.
"Walang puso talaga ang taong iyon. Wait, hindi pala siya tao. Ano pabang ini expect ko? Pipilitin niya akong tumira sa bahay niya? Tapus ano? Hahayaan akong lamukin at sumakit ang katawan sa paghiga sofa, wala man lang unan o kumot? Sana sinabi niya diba? Nagdala na lang sana ako. Wala talaga siyang puso!" reklamo pa niya. Nanggigil talaga siya sa lalaki ng mga oras na iyon. Ngunit, wala naman siyang karapatan magreklamo dito. She doesn't have a choice either, alam niyang pipilitin lang din siya nito kapag tumanggi siya dito. Nagdesisyon na siyang humiga sa abuhing sofa, bumaluktot siya upang medyo maibsan ang lamig na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. At mula doon ay hinila niya ang sarili sa pagtulog.
"Gab. Bakit parang pagod na pagod ka?" tanong sa kanya ni krista. Kasalukuyan siyang nagpupunas ng counter ng Cafe at pilit na kinakalimutan ang masakit niyang katawan. At inaantok pa rin niyang diwa.
"Po?" Patay malisya niyang tanong sa babae. Nagpatuloy lang siya sa ginagawa niya. Hindi niya pwedeng sabihin dito ang mga nangyari sa buhay niya ng mga nakaraang linggo, and she obviously can't tell the woman about Wish.
"Sabi ko, mukhang pagod na pagod ka na agad. Dalawang oras ka palang naman sa duty may nangyari ba kagabi at parang kulang ka sa tulog?" tanong pa nito. Minsan talaga naiisip niyang psychic ang amo niya. Magaling talaga itong bumasa ng tao.
"May nangyari Kagabi?, wala naman po." sagot niya. Kung alam lang nito kung gaano niya tiniis ang lamig sa malawak na sala ni Wish. Kung alam lang nito kung gaano siya natakot dahil sa dilim na nakapaligid sa kanya. Hindi pahinga ang nangyari sa kanya kagabi kundi penitensya.
"Miss krista. May tanong po ako sa inyo," Kaagad niyang iniba ang topiko. Hindi din naman niya pwedeng sabihin dito ang tungkol kay Wish. Lalong lalo na ang katotohanang natulog siya sa bahay ng isang lalaki. Hindi man tao si Wish ay lalaki pa rin ito at hindi din niya maipapaliwanag ang lahat sa babae kaya mas mabuti ng wala itong alam. Mas ligtas siya na wala itong alam.
"Ano iyon?" sagot nito sa kanya. Tila interesado din ito sa katanungan niya para dito.
"Paano niyo po mabilis na mapapatay este mapapaalis ang isang tao sa buhay niyo?" tanong niya sa babae. Kaagad namang kumunot ang noo nito. Hindi siya sigurado kung bakit niya tinatanong iyon, ngunit mas mabuti ng iyon ang pag-usapan nila, kesa naman ang dahilan kung bakit siya kulang sa tulog ng mga oras na iyon.
"Make that person fall in love with you." simpleng sagot nito na kaagad namang nagpaawang sa mga labi niya. May saltik din ba sa utak ang babae?
"Po?" sambit niya, hindi masyadong klaro sa kanya ang sagot nito. At mukhang hindi niya gusto ang ideyang sinabi nito. Kung tama ang pagkakarinig niya.
"Make that person fall in love with you. That's the easiest way para mawala siya sa buhay mo. Hayaan mo siyang ma inlove sayo ng todo and when that happened. Iwan mo siya. Tignan natin kung gugustuhin pa niyang mabuhay kapag ginawa mo iyon. That person will eventually die. Mamatay siya o mababaliw siya." paliwanag pa ng babae sa kanya. Pakiwari pa niya ay may lumabas na sungay mula sa tuktok ng ulo nito nang sabihin nito ang mga bagay na iyon. At Confimed. May saltik din sa utak ang amo niya o baka sawi din ito sa pag-ibig kaya bitter ito sa konsepto ng pagmamahal.
"Bakit siya bitter? Tama naman iyon ah, Muntik ka rin namang mamatay noong iwan ka ni Blaize diba?" sabad ng maliit na tinig sa loob ng utak niya. Hindi niya alam kung konsensya ba iyon o masamang ispirito na naninirahan sa loob niya.
"Tumahimik ka nga!" sagot naman ng isang bahagi ng utak niya. Nang mga oras na iyon ay confirmed na rin niyang unti-unti narin siyang nababaliw. Ilang push na lang ay tuluyan nang bibitaw ang isipan niya.
Umiling iling siya. Hindi talaga maganda ang ihip ng hangin para sa kanya mula pa kahapon. At mula pa noong mga nakaraang araw.
"Excuse me Miss." Isang babae ang lumapit sa counter at naging dahilan ng pagbalik ng isipan niya sa kasalukuyan, ngunit hindi paman siya nakakahuma at kaagad din siyang natigilan ng mapag sino ang babaeng nasa harapan ng counter.
"Tita Luz!" halos naibulalas niya. She was Blaize Mother. Hindi niya ito nakilala ng pumasok ito ng Cafe, marahil ay dahil sa elegante nitong pananamit. Nasanay siyang simple lang ang mga kasuotan nang babae.
She totally changed at that moment at hindi niya magawa na maging malungkot doon. The woman suffered a lot upang maitaguyod ang buhay nito. Walang araw itong nagpahinga in order for her family to have a comfortable life. At masaya siyang makita itong na sa ganoong kalagayan. She won't be selfish kahit sa oras na iyon lang. She won't be selfish na isipin na siya ang kabayaran sa karangyaan na meron ito ng mga oras na iyon.
"Ano pong order niyo Maam?" tanong niya sa babae. She no longer associated with the woman at kailangan niyang panindigan ang magpapanggap din na hindi niya ito kilala. Nakatingala ito at pumipili sa menu na nasa likuran niya.
"Miss. Wait lang ha. Tawagan ko lang ang anak ko." anito. Saka inabot ang cellphone nito.
"Next in the line Please!" kaagad niyang ibinaling ang atensyon sa sumunod na babae sa linya.
"Miss. I have my order na." nakangiti ang babae ng muling bumalik sa linya.
"Twelve Ice americano. Meron kasing company meeting ang anak ko so kailangan ko iyang dalhin sa kompanta As fast as I could. Pwede mo ba akong matulungan doon Miss?" tanong nito sa kanya. Pilit ang naging pag ngiti niya. Wala naman siyang magagawa kundi ang sundin ito. "At kukunin ko na din ang isang whole chocolate cake at cheesecake ninyo. Salamat" dagdag pa nito.
"Ako na mag to-total. Ihanda mo na lang lahat ng order niya." sabad ni krista sa gild niya. Marahil ay napansin nitong aligaga siya. Freak! Ayaw na niyang magkalat kagaya noong nakaraang araw.
"Salamat. Ma'am." ngumiti lang ang amo niya bilang pagtugon sa kanya.
Matapos niyang maihanda lahat ng order ng Mama ni Blaize ay nagpasama pa ito sa sasakyan nito. Kung saan naghihintay ang driver nito. Inayos niya ang mga order sa front seat saka nagpaalam na sa babae.
"Maraming salamat po." aniya dito. Ngunit nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya.
"I'm sorry hija. Pero meron pa akong request sayo. Don't worry, nagpaalam na ako sa manager mo. I can't carry all of this paakyat sa office ni Blaize. Can you help me?" Pakiusap nito. At hindi niya alam kung bakit hindi kaagad siya tumanggi dito. Sandali siyang napaisip. Nag-isip pa talaga siya?. Napa Buntong hininga na lang siya saka nagpasyang tulungan ang babae.
"Sige po."
"Oh! Thank you so much!" nagagalak nitong sagot Saka sila tuluyang sumakay ng sasakyan nito.
"Actually I've heard about you from my son" binasag nito ang katahimikan na namayani sa kanila sa loob ng sasakyan. At Wala naman talaga siyang planong magsalita.
"Ay opo." Hindi niya alam ang tamang sagot sa babae. Hindi din niya nagustuhan ang sinabi nito. Why would Blaize talked about her? Nababaliw na ito. Matapos siya nitong ibayad sa kahilingan nito ay ikukwento siya nito sa ina nito? Marahil ay naikwento na rin nito ang nangyari noong nakaraan sa Cafe. That day nang gumawa siya ng eksena at muntik na siyang mawala sa tamang pag-iisip dahil sa anak nito.
"I too. Want to know more about you. Hija. Parang nakilala na kita, pero hindi ko lang maalala. Magaan ang loob ko sayo actually. And my son he was curious about you. I'm sorry to say this, pero Ina ako that's why I wanted to know you." nakatingi pang dagdag nito. Hindi na talaga niya nagugustuhan ang mga nangyayari at mga bagay na sinasabi nito ng mga oras na iyon.
Marahil nga ay nawala siya sa memorya ng mga ito. Ngunit hindi madadaya ang puso. Tinuring na rin siyang parang anak ng babae at wala itong kasalanan sa mga nangyari. Tanging si Blaize lang ang may pananagutan. But she doesn't want to mingle in their lives anymore. She wanted to go far away from them, ngunit kusang lumalapit pa rin ang mga ito sa kanya, and worse mas gusto pa siyang makilala ng babaeng katabi. Natanggap na niya kahit masakit. Natanggap na niyang wala na ang mga ito sa buhay niya, ngunit nasa sitwasyon na naman siya na alam niyang hindi niya maiiwasan. Nasa posisyon na naman siya na pilit na niyang tinatakasan.
"We're here!" Anunsyo ng babae ng makarating na sila sa isang malaking gusali.
'SALVADOR ENTERPRISES' nakaukit sa mismong harapan ng gusali ang pangalang iyon. Bahagya siyang natawa. Blaize finally owned a company na matagal na nitong inaasam. Ngunit sa kabila ng saya niya ay may kaakibat na lungkot dahil sa panibagong bahagi ng buhay nito ay hindi na siya kasama, at ang masaklap pa ay siya ang naging kabayaran ng mga bagay na tinatamasa ng lalaki ng mga oras na iyon. But, she doesn't want to be selfish anymore. He was happy at masaya na siya doon.
"Ma!" kaagad na salubong ni Blaize ng mamataan nito silang dalawa ng ina nitong pumasok ng conference room ng naturang gusali. Yumakap ito sa ina nito, ngunit nakatingin ito sa direksyon niya. Pilit niyang inignora ang presensya ng lalaki at sa halip at ibinaling ang atensyon sa meryendang binili ng ina nito para sa mga ito.
"Miss Gab, hindi ko alam na sasamahan mo si Mom. Salamat para doon"
"Walang anuman po Ser. Ginawa ko lang po ang trabaho ko. Pero hindi na rin po ako magtatagal, madami pa po kasing gawain sa opisina." paalam niya sa mga ito. She was about to leave nang hawakan ng lalaki ang kamay niya. Kaagad na nanlaki ang mga mata niya. Aalisin na sana niya iyon ng mahagip ng mga mata niya ang mga katrabaho nitong nakatingin sa direksyon nila. Natigilan siya at ginamit naman iyong oportunidad ng lalaki upang hilahin siya at ilapit sa mismong mukha nito.
"Don't move please. Suportahan mo ako dito, kahit ngayon lang." bulong nito sa kanya. Dahilan upang manigas siya mula sa kinatatayuan. She wanted to run, ngunit ayaw din naman niyang mapahiya ang lalaki. And her feet won't move.
"Goodness Gab!. Bakit patuloy mo itong ginagawa sa sarili mo?" tanong niya sa sarili. Bakit hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin niya magawang tanggihan ang lalaki. She was unbelievable.
"You are really something human!" natigilan siya ng isang pamilyar na boses ang kanyang narinig, mula sa magulo niyang utak ng mga oras na iyon. Isang kamay ang humila sa kanya mula sa pagkakahawak ni Blaize. She was about to say a word nang mapagtanto niyang hindi gumagalaw ang buong paligid niya. Then she found herself walking from that room kasunod na ng lalaking may hawak pa rin sa kanya.
"Bakit ka nandito?" tanong niya sa lalaki the moment they exit the conference room. Gumagalaw na ang mga bagay at tao sa paligid niya. Kaya marahil ay nagulat na rin si Blaize na wala na siya sa mismong harapan nito.
"Wala ka na dun." walang emosyon na tugon ng lalaki. He was obviously annoyed about something. Ngunit ayaw niyang isiping dahil iyon sa kanya. Alam naman niyang hindi iyon dahil sa kanya and it will never be. Ngunit, may bahagi sa kanya na gusto niya na magpaliwanag at ipagtanggol ang sarili niya dito.
"Wish. Sandali! Magpa paliwanag ako!" Pilit niyang hinabol ang lalaki. Sobrang bilis nitong maglakad. At hindi rin siya sigurado kung bakit niya ginawa iyon ng mga oras na iyon.
"Magpaliwanag? Bakit? Para saan?" tanong ng isang bahagi ng utak niya. Wala siyang dapat ipaliwanag sa lalaki. She was doing her job, at wala siyang ideya na gagawin ni Blaize ang bagay na iyon. At mas lalong wala siyang dapat na ipaliwanag sa lalaki. Hindi niya ito Ama, kapatid, nobyo o asawa. Wala dapat siyang ipaliwanag pero bakit ayaw niyang mag-isip ito ng kakaiba tungkol sa kanilang dalawa ni Blaize. What the heck is she doing?
"You don't have to human. Wala akong pakialam sa gustong mong gawin sa buhay mo. Wala akong pakialam kung gusto mong ipagsiksikan iyang sarili mo sa lalaking tumapon sayo na parang basura. Just don't call me! Don't call me! Kung hindi naman ito tungkol sa kasunduan nating dalawa! You're wasting my time! Ano sa tingin mo? Wala akong ginagawa! Lagi mo nalang akong tinatawag sa tuwing nasa ganoong sitwasyon ka! Anong tingin mo sa akin superhero mo! Give me a break human! Hindi ako interesado na maging tagapagligtas mo! At mas lalong hindi ako interesadong iligtas ang taong wala namang planong tulungan ang sarili niya!" singhal sa kanya ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit pero tila may karayom na tumusok sa dibdib niya ng mga oras na iyon. His words were all true at hindi niya magawang ipagkaila na sobrang naging dependent na siya sa lalaki. Ni hindi na niya napapansin na tinatawag niya na pala ang lalaki sa tuwing nasa sitwasyon siya na kailangan niyang lumabas, ngunit hindi niya magawa.
"I'm sorry." tanging salitang namutawi sa kanyang mga labi. Wala na siyang lakas makipagtalo. Pagod na siyang ipagtanggol ang sarili niya.
"You're always like that. You're always running away from those things that are bothering you, from all things na kailangan mong harapin," narinig niya napa buntong hininga ito. " Just call me. Kung anong gagawin mo sa kasunduan natin. I don't want to see you kung hindi naman na tungkol doon." anito at nasaktan siya dahil doon. He doesn't want to see her? His not being reasonable at that moment. Wala siyang ginawa upang humantong sa ayaw na siya nitong makita. Or was it her who was being unreasonable? Hindi dapat siya magkaroon ng kahit na anong rason upang magreklamo, ngunit hindi iyon ang sinasabi ng utak niya.
Inabot niya ang kamay ng lalaki. She was about to say a word ng may tumawag sa pangalan niya.
"Miss Gabrielle!" Tawag ni Blaize sa kanya.
"Look! Your superhero is calling you. Let me go!" may bahid ng pangungutya sa tono ni Wish ng mga oras na iyon. He was pissed. Puno ng pait ang ngiting nakaguhit sa mukha nito o mas tamang sabihin na puno ng pagkadisgusto ang ekspresyon nito ng mga oras na iyon.
"Sandali lang. Makinig ka! Alam ko na ang gagawin ko upang makawala ako sa'yo!" singhal niya sa lalaki, at kaagad niyang natawag ang pansin nito. He stopped and looked at her again.
"Paano?," pinutol niya ang sasabihin pa sana nito Hinawakan niya ang batok nito at tumingkayad upang maabot ang mga labi nito. She then kissed him. Nagulat ang lalaki sa ginawa niya. Maging siya ay nagulat din sa ginawa niya ngunit hindi niya ito hahayaang umalis ng ganun lang. Hinila siya nito sa buhay nito at ano pagkatapos ay iiwan lang din siya ng ganun, ganun na lang? Hindi siya papayag, she won't let him go sa gusto lang nito. Sisiguraduhin niyang sabay nilang pagdadaanan ang lahat ng sakit. There souls are connected to each other kaya hawak din niya ang buhay nito
"Para saan iyon. Human?" tanong nito, matapos niya itong bitawan. Nakaguhit sa mukha nito ang hindi makapaniwala na ekspresyon.
"You ask me. Kung ano ang gagawin ko para mawala kana sa mundo? I'm just a human, at wala akong kakayahan na saktan ka o patayin ka. But, I have something to give you at iyon lang ang magagawa ko," panimula niya. She can almost hear her heart. Sobrang lakas at bilis ng pagtibok niyon ng mga oras na iyon. "Wish. Mamahalin kita. Mamahalin kita hanggat dumating ang araw na hindi mo na kakayanin na mabuhay ng wala ako. I will love you. In order to kill you." sa wakas ay nasabi na niya. Nanlaki ang mga mata ng lalaking kaharap. Ngunit wala siyang pakialam.
That day she decided to gave up her life, in order to kill him.