Nakatunghay si Gabrielle sa mga nakahilerang mga damit sa kanyang harapan. Paulit ulit ang ginawa niyang pag buntong hininga. Hindi niya magawa na makapag decide, kung anong damit ang pipiliin niyang bilhin sa mga naka display sa harapan niya. "Ma'am. Ano pong damit ang gusto niyong bilhin?. Baka matulungan ko po kayo sa pagpili." lumapit sa kanya ang fashion consultant upang tulungan na siya sa pagpili. Ilang minuto na rin siyang naglilibot sa naturang store at kailangan na talaga niya ng tulong sa pagpili. Ngumiti siya bilang pagtugon sa babae. "Dito po tayo Ma'am. Sigurado po akong bagay po itong Dress na ito sa inyo." anito sa kanya, saka nito inilabas nito ang isang kulay langit na floral dress. A dress with a tie around the waist. Uso ang mga ganoong style ng dress, alam niya iy

