"Why does love always have to be complicated?" kaagad na natigilan si Gabrielle matapos niyang itipa sa kanyang laptop ang mga salitang iyon. Mahaba ang sumunod na pag buntong hininga niya. Kasama nang paglipad ng kanyang paningin sa labas ng kanyang bintana. Matapos ang araw na hindi siya sinipot ni Wish sa dapat ay Date nila ay hindi na nagparamdam ang lalaki sa kanya. It's been almost a week and he was nowhere to be found. Hinanap na niya ito sa mga lugar na pwede nitong puntahan na alam din niya, ngunit wala siyang nakitang kahit ni anino manlang nito sa mga lugar na iyon, maging sa bahay nito ay wala ang lalaki. Gusto niyang magreklamo, Gusto niyang mag protesta, ngunit hindi niya alam kung saan at kanino niya gagawin iyon. Ni hindi niya magawang maireport na missing person ito sa

