"I told you to mind your own business. Love." iritableng sabi ni Wish sa babaeng napabuntong hininga sa harap niya. Nasa loob sila ng sasakyan niya sa parking lot ng Spiral Cafe ng mga oras na iyon. Isang oras na lang, at off na ni Gab kaya minabuti na lang niyang hintayin ang babae at sabay na silang umuwi. Sandali siyang natigilan sa bagay na pumasok sa kanyang isipan. "Sabay, umuwi?" Anong ibig sabihin niya sa bagay na iyon? At kailan pa niya napag desisyunan na sasabay siyang uuwi dito? "Trying to fight something inside Wish?" untag ng babaeng katabi niya. She has this silly smile on her lips. Ilang araw na siyang ginugulo nito at pinaglalaban na naman nito ang ideyang pumasok sa utak nito. Ipinaglalaban na naman nito ang walang kwentang pag-ibig nito. "Would you stop pestering me L

