Nakailang buntong hininga na si Gabrielle habang nakatayo sa gitna ng mga kakaibang nilalang. Iyon lang ang tanging mailalarawan niya sa mga ito dahil naman mga tao ang mga ito na katulad niya. May gapos ang mga kamay niya at hindi pa rin nagigising si Wish na nasa harapan niya. Hindi na niya alam kung kailan at kung bakit sila napunta sa sitwasyong iyon. "Sisimulan na natin ang pagliligtis" Muling nagsalita ang lalaking kasing edad niya lang. Narinig niyang tinawag ito kanina ng isa sa mga kasama nito sa pangalang 'LORRE' at mukhang mas mataas ang posisyon nito ikumpara sa iba pang kasama nito kaya ito ang nagsasalita at ang nagde desisyon sa mga ito. "Gabrielle Rose. Nais naming malaman kung anong storya sa likod ng singsing na suot mo" Panimula nito. Kaagad niyang pinagmasdan ang si

