"So? Ang sinasabi mo ay ikaw ang tumulak sa suspect kaya siya nawalan ng malay?" hindi pa rin makapaniwalang paulit ulit ng Pulis kay Gabrielle habang nakaupo siya sa harapan ng Front desk ng pinakamalapit na presinto mula sa Cafe. Kasama niya ang iilan pang mga costumers sa Cafe ng mga oras na pumasok ang magnanakaw. "Opo" mahinang tugon niya. Umiling iling ang lalaking Pulis na nasa harapan niya. Hindi pa rin ito makapaniwalang nagawa niyang itulak ang lalaking magnanakaw dahilan upang mabangga ito sa Pader sa Kusina nf Cafe at mawalan ng malay. Napalunok siya ng laway. Kailangan niyang mapapaniwala ang mga ito na siya ang gumawa nun, ayaw niyang magkaroon ng ideya ang mga ito tungkol kay Wish. Ngunit kahit saang anggulo niya tignan ay mukhang mahihirapan siyang kumbinsihin ang mga ito

