Nakatunghay si Wish sa malawak at walang katapusang kalangitan. Walang ekspresyon ang mukha niya habang hawak nakatitig sa kawalan. "Ilang araw na?" Nilingon niya ang pamilyar na boses na nagsalita sa likuran niya. Kaagad na sumalubong ang nakangiting mukha ni Love sa kanya. "Should I ask you the same question?" Sagot niya sa babaeng inakupa ang espasyo sa tabi niya. "Ilang linggo ka ring hindi tumambay dito. Something's bothering you" Panimula nito. Kaagad siyang natawa sa sinabi nito. Natawa siya dahil totoo ang sinabi nito. "You know. Just thinking" Simpleng tugon niya. Alam naman na niyang alam nito ang ibig niyang sabihin. "Alam mo. Hindi ka mahihirapan kung magiging totoo ka lang." Tumingin ito sa kanya. Totoo?. Napakalawak ng sakop ng pagiging totoo, hindi niya kayang sisirin

