CHAPTER 2

1336 Words
“Hijo! Finally, you’re here! Akala ko’y hindi totoo iyong sinabi mong pupunta ka rito ngayon!” masiglang bulalas ni Señora Anita, ang ina ni Anthoine. Sinalubong siya nito sa pintuan pa lang ng malaking bahay. Malinis ang pagkakapusod ng ginang sa buhok nito. May iilang puting hibla na ang humahalo sa itim, pero napakabata pa rin nitong tingnan. A lot of people told him that his mother looked young for her age. Sinikil niya ang pag-alpas ng mahabang ungol mula sa kanyang labi. Yumuko siya at humalik sa pisngi ng ina. “Ma, hindi ako sinungaling. Sinabi kong pupunta ako kaya naririto ako ngayon.” “Hindi mo ba alam ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa propesyon mo? Ang mga abogado raw ay sinanay na pagmukhaing totoo ang isang kasinungalingan, at ang kasinungalingan ay magtunog totoo.” Napailing na lang si Anthoine. Hinawakan siya ng kanyang ina sa mga kamay at hinayon ng tingin mula ulo pababa. “What are you doing, Ma?” kunot-noo niyang tanong. “Tingnan ko nga kung presentable ang hitsura mo ngayon,” anito. He knew he looked presentable. He wore a dark suit jacket over a crisp white shirt. A neatly knotted tie rested at his collar. His trousers were crease-free, too. Ang suot niyang sapatos ay pormal na pormal. And a pair of eyeglasses sat neatly on the bridge of his nose. “Ano ang hatol, Ma? Pasado naman ba ang hitsura ko?” “Maayos naman. Iniisip kong baka nangingitim na ang ilalim ng mga mata mo dahil subsob ka palagi sa trabaho.” “Sinabi ko naman na sa inyo, Ma, na hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. I eat healthy and I go to the gym regularly.” “Maalaga sa katawan at kalusugan, may maayos na trabaho, at disiplinado. Aba’y isa na lang talaga ang kulang—mabait at maalagang asawa,” hirit ng ginang. Napaungol siya. “Ma, naisingit mo pa talaga iyan?” “Huwag kang tumutol agad diyan. Halika sa komedor at handa na ang hapunan,” yakag nito sa kanya. Nagpahatak lang din siya sa kanyang ina. Nasa kabisera ng mesa na ang kanyang ama, si Señor Alonso. Sa kanan nito naupo ang esposa. Si Anthoine ay sa kaliwa ng ama. Nasa mesa na ang nag-uusok pang kanin, pritong isda, liempo, ginataang kalabasa, adobong manok, at sinigang na hipon. “Ang dami naman ng pinaluto mo, Ma,” komento niya. Tumingin siya sa ina. “Alam kong kasama ka naming kakain ngayon, eh,” anito. “How? I never said I would come here until the last minute.” “Ramdam ng isang ina ang magiging desisyon ng anak, hindi pa man iyon naisasatinig.” “Hah.” Napailing na lang siya. Sinadya talaga ng kanyang ina na idaing ang paninikip ‘kuno’ ng dibdib nito upang mapuwersa siyang puntahan ang mga ito. It’s fine though. Mabuti nga iyong nandoon siya para makasama naman niya ang mga magulang. Mayamaya’y naramdaman niya ang paglapit ng kung sino sa tabi niya, pero hindi siya nag-angat ng mukha. Ang taong iyon ay bitbit ang babasaging pitsel. Sinalinan nito ng orange juice ang baso niya. Napasulyap siya sa mga kamay nito—makinis at malasutla, na parang telang gawa sa seda. He could see the faint lines of veins beneath the skin on the back of the woman’s hands. Hindi naka-umbok, pero maaaninag lang. Hindi niya mapilas ang pagkakatitig niya sa mga iyon. Biglang nasagi ng babae ang baso niya kaya natumba iyon at natapon sa kandungan niya ang malamig na orange juice. Napatindig siya nang maramdaman ang panunuot ng lamig sa tela ng pantalon niya at pagtagos niyon sa kanyang balat. “Hala, s-sorry ho! Pasensiya na po!” hindi magkandaugaga sa paghingi ng dispensa ang babae. Hindi pa rin siya tumingin sa mukha nito. “It’s fine. I’m okay, I—” Nabitin ang litanya niya nang makitang ginamit ng babae ang mga palad nito upang punasan ang likidong natapon sa pantalon niya—sa parteng pribado pa talaga! Her hands kept pressing and wiping the spill off his crotch. Hindi ba nito alam kung saan na ito humahawak? Hindi rin ba nito alam na kahit ilang oras nitong punasan ang pantalon niya ay hindi matutuyo iyon gamit lang ang mga kamay nito? Iritado niyang pinalis ang mga kamay ng babae. “Huwag mo akong hawakan diyan,” matigas niyang saway dito. “P-po?” “Do you even know where your hands are touching?” Sa puntong iyon lang siya tumitig sa mukha ng babae at hindi niya inaasahan ang tumambad sa paningin niya. Ang babaeng nasa harapan niya ay may inosenteng mukha. Ang mga mata nitong likas na mapungay at bilogan ay pinangingiliran ng luha. Maganda ang hugis ng ilong nito, pero maliit lang iyon. Ang mga labi nito ay natural ang pagkapula. “Who are you?” Nagsalubong ang mga kilay niya. Tumikhim si Anita. “Hijo, huwag kang magalit kay Urduja.” Dali-dali itong lumapit sa kanila ng dalaga. Ang tissue na hawak ng ginang ay inabot nito sa babae. “Dry your hands, hija,” sabi pa nito. “Who is she, Ma?” tanong niya sa ina. Palipat-lipat ang tingin niya sa ina at sa tinawag nitong Urduja. “P-pasensiya na po talaga kung nabasa ka ng orange juice.” “Shh, hija, hindi mo naman sinadya iyon. Hindi na nga dapat ikaw ang nagdala ng pitsel at naglagay ng juice sa baso ng anak ko. May mga kasambahay naman tayo rito na puwedeng gumawa niyon.” “Gusto ko lang ho sanang tumulong, pero imbes na makatulong ay nakaperhuwisyo pa po yata ako.” Gumaralgal ang malamyos nitong tinig. Nakagat pa nito ang ibabang labi. Wala sa loob na napatingin si Anthoine sa ibabang labi ng dalaga na kagat-kagat nito. And it took a huge effort to tear his gaze away from the woman’s lips. “That’s okay. Don’t worry,” pang-aalo ng ginang dito. Tapos ay lumipat sa kanya ang tingin ng ina. “Anthoine, this is Urduja. Ang sinasabi ko sa iyo. Siya ang dalagang gusto namin ng Papa mo na kilalanin mo.” “Ah, no.” Awtomatiko ang ginawa niyang pag-iling. The woman was beautiful, sure, but if she was the one his parents wanted him to marry, then no—he wasn’t interested. Gayunman ay hindi niya maitatangging nahihirapan siyang lubayan ito ng tingin. But in court, beauty alone carried no weight. Kaya walang kabuluhan at timbang para sa kanya ang taglay nitong ganda, lalo na’t wala pa sa utak niya ang pag-aasawa. “Huwag kang umayaw agad diyan, Anthoine!” Pinandilatan siya ng mga mata ng ina. “Mabait na bata itong si Urduja.” Hindi niya napigilan ang pagtunog ng dila. “Ma, itong si Urduja ang gusto n’yong pakasalan ko? May gatas pa nga iyan sa labi. Look at her, batang-bata pa iyan.” “E-eighteen na po ako, Señorito,” mabilis na sabi ng dalaga. “And I’m thirty. So, it’s a hard no for me.” A twelve-year age gap felt like a gray area—almost a generational gap. Almost. So, no. Ayaw niya. Kung pipili siya ng mapapangasawa, gusto niya iyong maliit lang ang agwat ng edad nila ng babae para madali nilang maintindihan ang takbo ng utak ng isa’t isa. Wala naman siyang sinasabing ang mga mag-asawang malaki ang agwat ng edad ay hindi nagkakaintindihan. Sure, huge age gap worked for some—but not for him. Hindi iyon para sa kanya. Nang mapansin niyang halos tumulo na ang mga luha ng dalaga ay napahugot siya ng malalim na paghinga. “Look at me, hindi tayo bagay. Find someone close to your age. Gusto mo bang magkaroon ng asawa na mahigit isang dekada ang agwat ng edad sa iyo?” He was expecting a ‘no’ from her. Pero nagulat siya sa isinagot nito. “O-okay lang naman ho sa akin. Okay lang ho na ikaw ang mapangasawa ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD