“Okay lang sa iyong ako ang mapangasawa mo?” hindi makapaniwalang ulit ni Anthoine sa sinabi ni Urduja. Ang tinging ipinukol niya sa dalaga ay puno ng disgusto. Hindi niya itinago iyon. The woman needed to see that he was not pleased with the filth she was spouting. Okay lang dito ang lahat? Okay lang ditong matali sa isang ipinagkasundong kasal? Wala ba itong sariling utak? Nais ba nitong magmukhang bulag na tagasunod na lang sa ididikta rito ng ibang tao?
Hah!
Napu-frustrate siya sa sitwasyon, sa dalaga, at sa pamimilit ng mga magulang niya na mag-asawa na siya.
“W-wala naman ho akong nakikitang problema kung… kung ikaw ho ang ipagkaloob ng tadhana na maging asawa ko,” anito, bahagya pa itong nagyuko ng ulo bago muling nag-angat ng mukha at painosenteng ikinurap ang mga mata.
Pumalatak si Anthoine. “Okay sa iyo? Wala kang nakikitang problema? But it’s not okay with me. I do not want to get married yet, and if I do—when the time is finally right—you definitely won’t be the woman I’d choose to be my wife,” prangka niyang wika. Sa tingin niya kasi, kapag nagpatumpik-tumpik siya at hindi pa niya diniretso ang dalaga ay baka mas mahulog ito sa delusyon na puwede silang magkatuluyang dalawa.
Napakabata pa nito at marupok pa ito sa hatak ng maling paniniwala… maling pantasya. He wanted her to understand right now that the two of them—becoming husband and wife—would never happen. Never.
Napaigtad pa siya nang tampalin ng ina ang kamay niya. Napabaling tuloy siya sa ginang. “Ma, what did you do that for?” tanong niya.
“Iyang bibig mo kasi! Matuto kang prumeno. Hindi lahat ng nasa utak ay dapat sinasabi na lang agad,” saway sa kanya ng magulang. “Matuto ka ring isipin kung ano ang mararamdaman ng taong kausap mo.”
“Ma, I’m a lawyer—I want straight facts. I speak sternly, and I don’t sugarcoat. Alam mo iyan.”
“Hindi walang puso ang unico hijong isinilang ko sa mundong ito!” Pinandilatan siya ng mga mata ni Anita. Lumingap ito sa esposo. “Alonso, Kausapin mo iyang anak mo. Hindi ganiyan ang ugali ng ‘Anthoine’ na hinele ko sa pagtulog noong sanggol pa lamang at inalagaan ko hanggang sa paglaki.” May himig hinampo ang tono ng tinig ng ina ng binata.
Napaungol na lang si Anthoine, nasapo niya ang noo. Ramdam na ramdam niya ang pagpulso ng mga ugat sa kanyang sentido.
“Anthoine,” bigkas ng ama sa kanyang pangalan. Malago na agad ang boses ng patriyarko ng pamilya La Guarcho. Ang linya sa mestizo nitong mukha ay mas lumalim dala ng matalim na ekspresyon.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib na pinagsisikip ng nararamdamang eksasperasyon. “Ma, Pa, magiging tapat ako sa inyo—wala akong balak na pakasalan si Urduja. Una sa lahat, at ang palagi kong idiniriin, ay wala pa sa plano ko ang paglagay sa tahimik. Pangalawa, napakabata pa ng babaeng gusto n’yo para sa akin.” Nang lingunin niya ang dalaga ay saka niya lang nakita na namumula na pala ang magkabila nitong pisngi. Nangingislap ang luha sa mga mata nito. Magkasalikop din ang mga kamay nito, at paulit-ulit ang ginagawa nitong tensiyonadong pagpisil sa mga daliri. “I will not marry her. Not her. My wife will never be her,” pagdiriin niya. Kulang na lang ay salungguhitan niya ang bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig.
Napasinghap ang babae. Gumuhit ang kirot sa inosente at magandang anyo ng mukha nito. Kung nasaktan ito sa mga narinig, wala siyang magagawa. Nagsasabi lang naman siya ng totoo.
“Babalik na lang ako sa ibang araw. Uuwi na po muna ako ngayon.” Bumuntong-hininga siya. “Ma, Pa, I’m not trying to disrespect you. If it sounded that way, I’m sorry. I just want to be honest,” totoo sa loob niyang wika. Patalikod na siya nang muling nagsalita ang ina.
“Papayag kaming hindi mo pakasalan agad si Urduja,” sabi nito.
Napabaling siya sa kanyang ina. “But?” He knew there would be a ‘but.’
“Buksan mo ang tahanan mo para sa kanya. Hayaan mong manatili siya sa poder mo. Kilalanin mo muna siya nang mabuti.”
He groaned. “Ma—”
“Patapusin mo muna ako, Anthoine,” matalas na putol ng ina sa litanya niya.
Natahimik siya, tumango.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Anita. “Kung pagkatapos mong kilalanin at makasama sa ilalim ng iisang bubong si Urduja ay ayaw mo pa rin sa kanya, hindi ka na namin pipilitin ng Papa mo.” Matunog ang kumbiksiyon sa pananalita ng ginang.
“Does she even want to stay with me?” tanong niya.
“O-opo. Payag ho ako,” tugon agad ng dalaga.
Muntik nang umalpas ang iritadong ungol mula sa lalamunan ng binata. May gusto ba sa kanya ang babae? Malinaw na gusto nitong isiksik ang sarili nito sa kanya. She wasn’t against the idea of marrying him, and she even wanted to live in his house! Wala ni katiting na bakas ng pagtutol galing dito. Sang-ayon ito sa ideyang maging asawa niya.
Tumiim-bagang siya. Nagdilim ang anyo ng kanyang mukha. Sige, papayag siyang manatili ito sa poder niya, at doon ay itatanim niya sa utak nito kung saan lang ang dapat at tamang lugar nito. Para magawa niyang i-ukit sa utak ng dalaga na wala itong mapapala sa kanya.
Tumango siya. “Fine, you can stay with me,” aniya.
Nagliwanag ang mukha ng kanyang ina. “Totoo ba iyan, hijo? Payag ka?”
“Puwede ba akong tumanggi?”
Matigas na umiling ang ginang. “No.” Pumihit ito paharap sa dalaga. Hinawakan at pinisil nito ang mga kamay ni Urduja. “Hija, ayusin mo na ang mga gamit mo. May maleta ka naman na, ’di ba?”
Napatuwid ang likod ni Anthoine nang marinig ang salitang ‘maleta.’ “Wait, she’s coming home with me tonight?” Nagulat siya. Nabigla. Oo, pumayag na siyang sumama sa poder niya ang babae, pero hindi niya inaasahang enseguida pala.
“Yes, hijo. Ahora mismo.” Na nangangahulugang ‘ngayon din.’
Hindi na lang siya kumontra pa. Wala namang magagawa ang pagsalungat niya.
“Urduja, kapag nasa poder ka na nitong anak ko, huwag kang matatakot magsumbong sa amin kapag inapi ka ro’n. Tawagan mo agad kami.”
Kiming tumango ang babae. “Sige po.”
Lihim na napailing si Anthoine. Hindi niya naisakatuparan ang layuning paiyakin ito ngayon. Hindi ito natakot sa kanya. Naintimida siguro, subalit hindi sapat para tanggihan siya. Ngunit kapag nasa bahay na niya ito ay gagawin niya ang lahat para ito na mismo ang umayaw sa kanya.