CHAPTER 1
“Ma, por favor, don’t do this to me. Hindi na ako bata para manipulahin n’yo nang ganito. And we now live in a time when arranged marriages are no longer common. So, please, Ma, huwag n’yo na akong pilitin,” ani Anthoine, hawak niya sa isang kamay ang cellphone at kausap ang ina niya. Nasa loob siya ng kanyang law office at kaharap ang patung-patong na mga legal na dokumento sa ibabaw ng kanyang mesa.
He’s half Filipino, half Spanish.
Thirty years old.
Single.
Attorney Anthoine La Guarcho had already earned a reputation as one of the most formidable corporate lawyers in the country specializing in real estate acquisitions.
Wala pa ngayon sa plano niya ang mag-asawa at lumagay sa tahimik. Treinta anyos palang naman siya. He’s healthy, and he’s fit. He’s over six feet tall. Matangkad siya. Matikas. Kulay tsokolate ang buhok, at ang mga mata niya ay tila tanso kapag natatamaan ng liwanag. Matangos ang kanyang ilong, tila nililok ang perperktong hugis ng kanyang panga, at maganda ang kabuuang hulma ng kanyang mukha.
Maraming babae ang naghahabol sa kanya, pero wala siyang oras sa pakikipagrelasyon. Mas mahalaga sa kanya ang karera, ang kanyang propesyon. His eyes had always been focused on law books, even back in college. Kahit kaliwa’t kanan ang nagpapaabot sa kanya ng love letter ay hindi siya minsan man naging interesado sa mga babae.
It wasn’t that he would never be interested in women—he was simply not interested at the moment.
Maybe in five years he could settle down—but not now. Absolutely not.
He didn’t need a wife now.
Kahit lagyan pa siya ng busal at renda ng kaniyang mga magulang ay hinding-hindi siya sasang-ayon sa ideya ng kasal.
Wala pa siyang oras doon. Nakatutok ang buong atensiyon niya ngayon sa trabaho. A wife would be just a legal attachment. Isang obligasyon na ayaw niya munang pagtuunan ng pansin. Isa pa, kung mag-aasawa man siya pagdating ng tamang panahon, titiyakin niyang siya ang pumili sa babaeng pakakasalan niya at hindi lang kung sinu-sinong ipinagkasundo sa kanya.
“Anthoine! Treinta anyos ka na! Kung hindi ngayon ay kailan mo pa balak mag-asawa? Kapag uugud-ugod na kami ng papa mo? Noon ay hindi ka namin pinapakialaman sa mga desisyon mo sa buhay, pero umabot ka na ng tatlong dekada sa mundo, wala ka pa ring maipakilala sa aming babaeng gusto mong pakasalan! Kaya sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mong kilalanin ang babaeng napipisil namin ng papa mo para sa ’yo. Don’t worry, she’s a good girl. You will like her.”
“Even if she’s a saint, I will never like her. Marriage isn’t a joke. Seryosong paksa ang pagpili ng makakasama sa buhay at ang pagbuo ng pamilya. Just give me a few more years, and when I finally settle down, I’ll make sure you have a grandchild in the first year of my marriage,” pangako niya sa ina. “At ako ang pipili ng babaeng pakakasalan ko, Ma.”
“Few more years? Kailan pa iyan? We want you to get married—now.”
“Ma, bakit ba minamadali n’yo ako sa bagay na ito? Singkuwenta y singko ka pa lang naman. At sisenta anyos pa lang si papa. Malusog naman kayong da—” Naputol ang litanya niya nang biglang dumaing ang ina niya na tila may iniindang sakit. Awtomatikong nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ma? What’s wrong? Ma?”
“Cristo Santo, ang puso ko! Nagsisikip ang puso ko!” paungol nitong wika.
Napatuwid ng tayo si Anthoine at nabitiwan niya ang hawak na dokumento sa kabilang kamay. Kahit palagi siyang kinukulit ng ina niya na mag-asawa na ay mahal niya ito. Mahalaga sa kanya ang kanyang mga magulang, at ayaw niyang may mangyaring masama sa mga ito, lalo na kung dahil iyon sa sama ng loob ng mga ito sa walang katapusan niyang pagtanggi sa pamimilit ng mga itong magpatali na sa kasal.
“Ma, if this is a joke, please stop it already. Nag-aalala ako,” nababahala niyang sabi.
“If you’re worried, then come home,” giit nito.
“Ma, no puedo,” tanggi niya. Hindi siya puwede, dahil marami pa siyang kailangang asikasuhing trabaho. “Alam mo namang may trabaho ako rito at…”
“Ang puso ko!” Mas lalong lumakas ang pagdaing ng ginang.
Napabuntong-hininga si Anthoine. He knew his mother might only be pretending, but it could also be real—and he couldn’t risk doing nothing. Paano kung totoo?
Sa Urdaneta Village nakatira ang mga magulang niya, samantalang siya naman ay sa Bonifacio Global City. He lived in a spacious bachelor’s pad in one of the most prestigious condo buildings in BGC. Iniiwasan niya lang dumalaw sa bahay ng mga magulang niya dahil palaging bukambibig ng mga ito ang babaeng gusto ng mga itong mapangasawa niya.
Galing daw itong Siquijor—isang lalawigan sa Gitnang Kabisayaan. Doon din nakatira ang lola niya sa panig ng kanyang ina. Magkakilala ang dalawa. Katunayan niyan, ang lola niya ang nagpapunta sa dalaga sa poder ng mga magulang niya. Subalit hindi niya alam kung saan galing ang ideyang ipagkasundo ito sa kanya.
Ayon sa pagkakakuwento sa kanya ng ina ay inosente at halos walang muwang sa mundo ang dalaga. Disiotso anyos lang ito. Hanggang ikalawang taon lang sa kolehiyo at hindi na nito natapos iyon dahil sa hirap ng buhay. Iyon lang ang alam niya. Ni hindi pa niya nakikita ang litrato nito, kaya wala siyang ideya kung ano ang hitsura ng babaeng gusto ng mga magulang niya para sa kanya.
“Ma, call our family doctor now. Baka kung ano na iyan. Palagi na lang sumasakit ang puso—”
“Dahil ito sa iyo! Wala akong iindahing ganito kung sinusunod mo lang ang gusto ko!” Maririnig ang hinampo sa tono ng boses ng ginang.
Napabuntong-hininga si Anthoine. Umalpas ang eksasperadong ungol mula sa labi niya. “Ano ba ang gusto mong gawin ko, Ma?” tanong niya.
“Pumunta ka rito sa bahay namin ng papa mo. Ngayon din. Iwan mo muna ang mga trabaho mo riyan. Wala namang paa iyang mga dokumento, hindi tatakbo ang mga iyan. Pagbalik mo ay nakalapag pa rin ang mga legal na kontrata sa ibabaw ng mesa.”
Napabuntong-hininga si Anthoine. Ibinagsak niya ang sarili paupo sa swivel chair at isinandal ang likod sa mataas na backrest, habang pisil ng mga daliri ang tulay ng matangos niyang ilong. “Ma…”
“Ngayon mo patunayang may natitira ka pang respeto at pagmamahal sa amin ng papa mo.”
Hindi yata talaga siya mananalo sa isang argumento kung ang kalaban ay ang kanyang ina, lalo na kapag nagsimula na itong dumaing ng pagsakit ng puso. “Okay, Ma, pupunta ako riyan. So, please, calm down.”
“Ngayon na. Enseguida!” Pinagmamadali na siya nito.
“Yes, Ma.” He ended the call after a few more minutes. Mas nakakapagod pang harapin ang pamimilit ng mga magulang niya na mag-asawa na siya kumpara sa pag-aasikaso ng mga komplikadong kaso.
Umigting ang linya ng panga ni Anthoine, nagdilim ang anyo ng kanyang mukha. Sige, pupuntahan niya ang mga magulang para makita niya rin ang babaeng ipinagtutulakan ng mga ito sa kanya. Titiyakin niyang maiintimida at matatakot ito sa kanya, para ito na mismo ang mawalan ng interes sa ideya ng kasal.