CHAPTER 8

1422 Words
“Mr. Ferrer, pinag-aralan kong mabuti ang propiedad,” ani Anthoine sa kliyenteng nasa kabilang linya ng telepono. “I have identified certain irregularities that raise serious legal concerns. Given these findings, I must withdraw from this matter and decline to continue representing you in this acquisition.” Pormal ang tono ng baritono niyang boses. Hindi siya pumiyok, at puno pa nga ng katatagan at katiyakan ang bawat pagbigkas niya sa mga kataga. Nasa loob ng opisina niya ang abogado. Siya ang may-ari ng buong gusali. The firm occupied the upper floors of the building. His private office was located on the fifteenth floor, at the building’s top executive level. Sa una hanggang ikalawang palapag ay matatagpuan ang lobby at commercial spaces. Ang ikatlo hanggang ikaanim na palapag naman ay nakalaan para sa mga kliyente at sa legal team. Samantala, ang ikalabing-isa hanggang sa pinakamataas na bahagi ng gusali ay ang executive floors, kung saan nandodoon din ang kaniyang opisina “Hindi puwedeng bitiwan mo ito, Atty. La Guarcho!” Magaspang at mabagsik na kaagad ang tono ng taong kausap niya. Nanatiling kalmado ang binata. Hindi niya ibinuka ang nakapinid na mga labi. Tahimik lang siyang nakikinig sa kausap na halos sumabog ang boses dala ng matinding emosyon. Mayamaya’y tumikhim ito, nagpipilit magpakahinahon nang matanto nitong hindi siya naiintimida rito. “Makinig ka, ikaw ang gusto naming humawak sa acquisition na ito. Kapag tumanggi ka, baka hindi mo magustuhan ang maaari naming gawin sa iyo.” Umigkas pataas ang isang sulok ng mga labi ni Anthoine. “You do not threaten a lawyer, Mr. Ferrer. Alam mo naman siguro ang konsekuwensiya ng ginagawa mo ngayon. Besides, I am not afraid. Hindi ako natatakot sa iyo… sa inyo.” Pagkasabi niyon ay pinutol na niya ang pakikipag-usap dito at ibinaba na ang aparato. Alam niya kung bakit ayaw ng mga itong bumitiw siya—iyon ay dahil batid ng mga ito na may alam na siya. Napag-aralan na niya ang mga dokumento. Natatakot ang mga itong umalingasaw ang kabulukan ng mga ito. Napailing na lang siya. Nasapo niya ang ulo sapagkat ramdam niya ang pagpintig ng ugat niya sa sentido. Totoong hindi siya natatakot, pero marunong din naman siyang makaramdam ng pagod. Tao lang siya. Ilang gabi na niyang inaaral ang mga dokumentong nasa mga kamay niya bago niya tinawagan ang kliyente. Nag-imbestiga siyang mabuti bago siya bumuo ng solidong kapasyahan. Hanggang doon lang sana siya, subalit kung hindi siya lulubayan ng mga ito ay baka may gawin talaga siyang puwedeng pagsisihan ng mga ito. Hindi siya madaling maintimida at kapag kumilos siya, ang kalabang partido ang palaging talo. Kaya huwag na huwag siyang kakantihin ng mga ito. Mga katok ang nagpalingap sa kaniya sa dakong pinto ng silid. Bumukas iyon. Sumungaw ang ulo ng kaniyang office assistant. “Sir Anthoine,” sambit nito sa pangalan niya. “Yes, Nequita?” “Nasa labas ho ang mga magulang mo at may kasama silang babae,” imporma nito sa kaniya. Napaungol siya. Kahit hindi pa siya sumilip sa labas, alam na kaagad niyang si Urduja ang kasama ng mga ito. “Let them in,” aniya. Unang pumasok sa loob ng opisina niya ang kaniya ina at ama. Naniningkit na kaagad ang mga mata ng ginang. “What did I do this time?” maang niyang tanong. Tumayo siya at sinalubong ang mga ito. Humalik siya sa pisngi ng ina niya. “Itong si Urduja, huwag mong tinatratong parang tagabantay ng condo mo,” anito. “Ma, I never treated her like that.” Binalingan niya ang dalaga. “Ganiyan ba kitang itrato? Na parang sinusuwelduhan kang magbantay sa condo ko?” nakaismid niyang tanong. Maigting ang ginawa nitong pag-iling. “Hindi po, Señora. Maganda po ang pakikitungo sa akin ni Señorito Anthoine.” Umingos si Anita La Guarcho. “Kung gano’n ay hayaan mong samahan ka rito ni Urduja,” sabi nito sa kaniya. “What? No. Ano ang gagawin niya rito? This is my work place. Wala siyang gagawin dito,” matigas niyang pagkontra. “Masarap magtimpla ng kape si Urduja. Puwede mo rin naman siyang pakiusapang gawin ang ibang trabaho rito na magaan lang.” “Ma, you’re already affecting my work.” “Nakikita ko kasing hindi pa rin magaan ang loob mo kay Urduja.” “And it won’t change. There are things that we cannot force. Katulad na lang ng gusto n’yong mangyari na magkatuluyan kami niyang si Urduja. Hinding-hindi ko siya pakakasalan. Masyado pang bata iyan, Ma. I can find a suitable wife for myself, so please drop this arranged marriage idea.” Napabuga ng hangin ang ginang. “Wala akong narinig sa mga sinabi mo.” Tumingin ito sa esposo. “Ikaw, Alonso, may narinig ka bang salitang lumabas sa bibig niyang anak mo?” Umiling ang may edad na lalaki. “I wasn’t paying attention,” iling nito. Napabuntong-hininga na lang si Anthoine. Nagbibingi-bingihan ang mga magulang dahil ayaw makinig ng mga ito sa kaniya. “Aalis na kami, pero iiwan namin dito si Urduja.” “What is she going to do here?” “Ewan ko sa iyo. Chao, hijo.” Hindi nagpapigil ang mag-asawang La Guarcho. Lumabas na ang mga ito. Naiwan silang dalawa ni Urduja sa loob ng kaniyang malapad na opisina. Ang sama ng tinging isinisibat niya sa dalaga na bahagyang nakayuko at paminsan-minsan ay nag-aangat ng tingin upang sumulyap sa dako niya. Bumalik si Anthoine sa swivel chair niya—sumalampak ng upo. Inihilig niya ang likod ng ulo sa sandalan ng mataas na upuan. Naghahalu-halo ang pagod niya sa trabaho at ang nararamdamang eksasperasyon dahil sa walang tigil na pangungulit ng mga magulang. “Ahm, Señorito, gusto mo pong hilutin ko ang ulo mo?” He shot her a deadly glare. Halos pumunit dito ang matalim niyang tingin. “K-kung gusto mo lang naman ho. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Pero masarap ho akong magmasahe. May certificate po ako sa basic massage training.” Imbes na sumagot ay binuksan niya ang drawer. Dinampot niya ang bote ng pain reliever at napaungol nang makitang wala nang laman iyon. Muli niyang pinukol ng matalim na tingin ang mukha ng babae. “Alright, come here.” Nagliwanag ang mukha nito. “Payag ka po?” “Huwag na huwag gagawa ng kalokohan iyang mga kamay mo bukod sa maayos na paghilot sa ulo ko, maliwanag ba?” “Opo!” “Bilisan mo na. Lumapit ka rito.” Pumuwesto sa likod ng swivel chair si Urduja. Paglapat pa lang ng mga daliri nito sa magkabilang sentido niya ay ramdam na agad ng binata ang lambot ng mga daliri nito. And he couldn’t tell whether it was her hands, her fingers, or simply everything about her that gave off a clean, pure scent. Disimulado ang ginawa niyang paglanghap ng hangin. Kasama niyang nilanghap ang natural na halimuon ni Urduja. Mabango ang dalaga. Idiniin nito ang mga daliri sa gilid ng ulo niya at pinaikut-ikot. Napaungol siya. That felt good. Ipinikit niya ang mga mata. His whole body relaxed. Komportable siya. Napahikab pa tuloy siya. “Kung inaantok ka po, puwede ka pong matulog, Señorito.” “Who says I’m sleepy? I’m not,” ang sabi niya, subalit nagulat na lang siya nang sa muli niyang pagmulat ng mga mata ay tila mahabang sandali na ang lumipas. Napatuwid ng upo si Anthoine at sinipat ang suot na wristwatch. Isang oras na pala ang mabilis na dumaan! Nakatulog siya! Nang ilibot niya ang mga mata ay nakita niyang nasa harapan lang pala niya si Urduja. Nakaupo ito sa silyang nasa tapat ng mesa niya. Nakapangalumbaba ito at nakangiti sa kaniya nang matamis. Nahigit ng binata ang paghinga. Hindi niya alam kung dahil kagigising niya lamang, but the woman looked unreal. She was… beautiful. Ang sinag ng araw mula sa salaming pader sa likod niya ay pumapasok sa opisina at ngayon ay humahaplos sa makinis na mukha ng dalaga. The pale sunlight fell perfectly across her face, and the innocent glint in her eyes made it hard for him to look away. “Napasarap ang tulog mo, Señorito. Hindi na kita ginising. Sabi ng office assistant mo, wala ka naman daw meeting kaya sabi ko, pabayaan ka na lang munang matulog,” anito. Napatayo siya. Lumikha pa ng ingay ang marahas na pagkakahagis ng upuan niya palikod dahil sa ginawa niyang biglang pagtindig. Kinabahan siya sapagkat may kung anong pumitik sa puso niya. Lumaktaw ng isang t***k ang puso niya. Hindi puwede iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD