“O, SAAN naman ang punta mo?” usisa ni Raiden nang humarap sa hapag-kainan ng umagang iyon. Tinaasan ito ng kilay ni Bettina. “Sa office. May trabaho ako ngayon, hindi ba?” Marahas na napailing si Raiden. “No. Hindi ka na papasok sa trabaho. Dito ka na lang sa bahay.” “Ha? Bakit? Bakit ayaw mo akong pumasok?” nagtatakang tanong ni Bettina. “Hindi naman kita kailangan sa opisina. Kaya lang naman kita hinayaan na magtrabaho roon dahil sa pakiusap ni Railey. Pero ngayong naayos na namin ang lahat, wala ng dahilan para magtrabaho ka pa roon. Dito ka na lang sa bahay. Marami ka namang puwedeng gawin dito. Maghahanap muna ako ng bodyguard mo bago kita hayaang makalabas ng bahay.” Naningkit ang mga mata ni Bettina. “So, ang gusto mong mangyari ngayon ay ikulong ako dito sa bahay mo?” Napa

