NANG ihinto ni Raiden ang SUV sa harap ng bahay nito ay tinanggal nito agad ang takip sa bibig at ilong niya. Nakahinga nang maluwag si Bettina sa ginawa nito. “Sorry kung kailangan kong gawin ito. Ayoko lang na inaaway mo ako sa harap ng kapatid ko o ng mga kaibigan niya. Puwede mo akong awayin anumang oras na gusto mo basta tayong dalawa lang ang magkaharap. Hindi ko gustong nag-aaway tayo sa harap ng ibang tao.” Bago pa may masabi si Bettina ay dinampian ni Raiden ng halik ang labi niya. Ilang segundo lang iyon pero pakiwari ni Bettina ay libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan niya. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang maramdaman ang bagay na iyon kay Raiden. Dapat ay galit siya rito dahil sa ginawa nilang magkapatid sa pamilya niya. Pero dahil lang sa h

