“O, HABANG nasa banyo ako, maghanap ka na ng maisusuot mo sa closet. Pero kung gusto mong matulog na ganyan ang suot mo, nasa sa iyo na iyan,” ani Raiden at napatingin sa damit ni Bettina. Hinilot ni Bettina ang kanyang sentido. Nakasuot siya ng long sleeve blouse at pencil cut skirt kaya alam niyang hindi iyon akma na pantulog. “Hindi ba puwedeng kumuha ako ng damit sa kuwarto ko, kahit sana pantulog lang.” Napabuga ng hangin si Raiden. “Isa pang beses na kukulitin mo ako, Bettina, lalagyan ko ng tape iyang bunganga mo at itatali kita diyan sa kama ko. Huwag mo nang dagdagan pa iyong galit ko sa iyo. Kaunti na lang at aapaw na ako.” Biglang tinakpan ni Bettina ang kanyang bibig. Baka may masabi siya ulit na hindi maganda at siguradong totohanin ni Raiden ang banta nito sa kanya. Nakas

