Chapter 26 - Just One Wish

1760 Words

NANG muling magising si Bettina ay mag-isa na lang niya sa kama. Inililis niya ang kurtina sa kanyang paanan saka niya sinilip ang oras sa wall clock. Alas-nueve na pala ng umaga. Kaya siguro wala na rin si Raiden sa tabi niya. Inalis niya ang comforter na nasa katawan niya at dumiretso siya sa banyo. Habang nagto-toothbrush siya ay sinilip niya ang laundry basket. Wala na itong laman. Ibig sabihin ay nilalabhan na ang damit na suot niya kahapon. Gusto sana niyang maligo na para makapagpalit ng damit pero naisip niyang wala nga pala siyang bihisan. Kung makakapunta lang sana siya sa kanyang kuwarto ay kukuha siya ng kahit ilang piraso lang na damit niya. Pero hindi naman siya makalabas sa kuwartong ito. Nang lumabas siya ng banyo ay eksakto namang naabutan niya si Ruby na inaayos ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD