Chapter 20 - Doomed

1624 Words

KATATAPOS lang mag-impake ni Bettina nang makarinig siya ng katok sa kanyang pintuan. Nagmamadaling tinungo niya ito at binuksan. Seryosong mukha ni Raiden ang bumungad sa kanya. Nakasuot ito ng printed polo at walking shorts. Nakasabit pa ang shades nito sa suot na polo. Simula noong gabing sinuntok niya ang braso nito ay hindi na sila nag-usap. Kahit sa harap ng pagkain ay hindi sila nagpapansinan. Kaya nagtataka siya kung bakit ito nandito ngayon? Alas-sais pa lang ng umaga ay aasarin na naman yata siya nito. “Hindi ka ba sasama sa teambuilding?” usisa nito pagkatapos siya nitong pasadahan mula ulo hanggang paa. Umiling si Bettina. “Kung sasama po ako, Sir, dapat kanina pa ako nakabihis.” Tiningnan niya ang kanyang sarili. Nakasuot pa rin siya ng pajama. Hindi pa siya naliligo. Nagh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD