“O ANONG nangyari diyan sa leeg mo?” puna ni Nova nang pumasok si Bettina. “Ngayon lang kita nakitang nagsuot ng scarf, ah.” Napahawak si Bettina sa scarf na nasa leeg niya. “Wala naman. Sinumpong lang ako ng allergy ko. Nakakahiya naman kung papasok ako na namumula ang leeg ko.” Ayaw man ni Bettina na magsinungaling pero kailangan niyang gawin iyon. Alangan namang aminin niya ang ginawa ni Raiden sa kanya. Mapapahiya silang pareho kapag ginawa niya iyon. “Gano’n ba? Saan ka ba nagkaka-allergy?” Biglang napaisip si Bettina. Heto na ang problema sa mga nagsisinungaling. Kaya nahuhuli dahil hindi nagtutugma ang mga sinasabi. Pero ano ang sasabihin niya na dahilan ng kanyang allergy? Hindi puwede ang pagkain dahil kasabay niya si Nova na kumakain. Halos lahat ng inihahain sa kanila ay ki

