“HEY! BILISAN mong maglakad diyan, mali-late na tayo. Ang bagal mo kasing kumilos,” puna ni Edmark kay Raiden nang lumabas sila mula sa VIP elevator ng De Castro Building. “Wow! Ako pa ngayon ang mabagal, ha? Noong tawagan kita kanina ay sabi mo hintayin na lang kita sa baba. Akala ko naman susunod ka kaagad, iyon pala’y pinaghintay mo ako ng thirty minutes. Tapos noong tawagan kita ulit ayaw mo nang sagutin ang phone mo. Nagagalit ka pa kanina at sinabi mo na huwag kitang tatawagan dahil may importante kang ginagawa. Ngayon ako pa ang lumalabas na may kasalanan. Ayos ka rin, ah?” Napakamot ng kanyang batok si Edmark. “Pasensiya na, bro. Si Hershelle kasi hinarang ako noong paalis na sana ako ng bahay.” “Ayan, lumabas din ang totoo. Nag-quickie pa kayo ng asawa mo bago ka pumunta rito,”

