NAPABALIKWAS ng bangon si Bettina nang maramdaman niyang may yumugyog sa kanya. “Hay! Salamat naman at gising ka na, iha,” nag-aalalang wika ni Nanay Digna. Napakurap ng ilang beses si Bettina saka kunot noong napatingin sa yaya ni Raiden. “Ano pong ginagawa ninyo dito? Paano po kayo nakapasok dito Nanay?” Umupo sa tabi niya ang matanda. Pagkatapos ay masuyong hinaplos nito ang kanyang buhok. “Maaga akong kinausap ni Raiden. Ang sabi pa niya ay gisingin daw kita kapag nakaalis na siya. Pero ilang beses na akong pabalik-balik dito ay hindi ka pa rin magising-gising. Kaya noong marinig kong dumadaing ka, napilitan na akong yugyugin ka. Nag-aalala na kasi ako sa iyo. Mabuti nga at nagising kita. Balak ko na sanang wisikan ka ng tubig kapag hindi ka pa nagising ngayon.” Napangiwi si Bettin

