“ANONG problema mo? Bakit iiyak-iyak ka diyan? Buhay ka pa naman, ah. Hindi ka naman nasaktan. Buo ka pa rin namang nakarating dito,” asik ni Raiden nang ihinto nito ang sasakyan sa harapan ng isang mataas na building. Hindi umimik si Bettina. Nagpunas na lang siya ng kanyang luha. Naunang bumaba si Raiden. Bababa na rin sana si Bettina nang biglang bumukas ang pintuan sa tabi niya. “Salamat,” wika niya nang bumaba siya ngunit hindi siya pinansin ni Raiden. Tuloy-tuloy lang ito sa loob ng building. Wala na siyang nagawa kung hindi ang sundan ito. Pagpasok nila sa loob ay wala silang nadatnang tao sa mismong receiving area. Napansin niyang tiningnan ni Raiden ang suot nitong relo. “Lunch break na pala kaya walang tao dito.” Binalingan siya ni Raiden. “Dito ka lang muna. Magpapakuh

