“SA WAKAS, nag-uwi ka na rin ng babae, anak!” tuwang-tuwa na sabi ng may edad na babae nang salubungin nito sina Raiden at Bettina. Nagmano si Raiden sa matandang babae. “Nay nagkakamali kayo ng akala. Si Bettina po ay sekretarya ni Railey. Pero pansamantala ay dito muna siya sa Shipyard habang inaayos nila ang problema sa Navigations.” “Ah, gano’n ba? Akala ko naman nag-uwi ka na ng girlfriend mo. Mauunsiyami na naman pala ako. Eh, bakit mo siya kasama ngayon? May lakad pa ba kayo?” Napasulyap si Raiden kay Bettina pagkatapos ay muling bumalik ang tingin sa yaya nito. “Nay, dito po muna titira si Bettina para mas malapit sa opisina at para hindi na rin siya mahirapan sa pagrerenta.” Tumango-tango ang matandang babae saka ito lumapit kay Bettina. “Kumusta ka, iha? Ako si Digna, ang ya

