“NANAY Digna, pasensiya na po kayo kung pati kayo ay nadamay sa init ng ulo ni Raiden. Ang arte po kasi ng boss ko. May dress code pala siyang sinusunod. Hindi man lang niya sinabi sa akin,” ani Bettina habang naglalakad sila ni Nanay Digna sa loob ng Ayala Malls Harbor Point. “Aba’y walang problema sa akin. Mabuti nga at makakapasok uli ako ng mall. Ano ba ang sinasabi mong dress code? Hindi yata kita maintindihan,” anang matanda habang patingin-tingin sa paligid. “Kasi po kagabi ilang beses akong pinagbihis ni Raiden. Ayaw daw niya iyong mga isinusuot ko. Halos lahat naman ng damit na dala ko ay gano’n. Kung alam ko lang na pati damit ko na isusuot ay pakikialaman niya, sana tinanong ko na lang siya kung ano ang gusto niyang isuot ko,” paliwanag ni Bettina. “Ah, iyon pala ang nangyar

