NASA kalagitnaan na sila ng pagkain nang biglang lumapit ang isang maid kay Railey. “Sir, may naghahanap daw po sa inyo sa gate. Miss Vivienne Landagora daw po ang pangalan. Iyon po ang sabi nang tumawag mula sa guardhouse,” sabi ng maid. Nagpasalamat si Railey dito saka ito tumayo. “Excuse, susunduin ko lang si Vivienne.” Hindi na nito hinintay na may mag-react pa. Kusa na itong umalis. Tahimik namang ipinagpatuloy ng lahat ang kanilang pagkain. Wala pang limang minuto ay nakabalik na si Railey. Kasama nito si Vivienne, ang bagong HR personnel. Ipinakilala nito ang babae sa kambal maging kay Bettina. Hindi nagtagal ay isa-isa na silang natapos kumain. Nang matapos sina Raiden at Raizer ay nagpaalam na ang mga ito at umalis sa mesa. Natapos na rin si Bettina ngunit nahihiya naman s

