MAINGAT na ibinaba ni Bettina ang kamay ni Raiden na nakapatong sa kanyang tiyan. Nakatagilid ito sa kanya at tulog na tulog. Dahan-dahang bumaba ng kama si Bettina saka nagbihis. Wala siyang suot na kahit ano noong nakatulog siya. Paano ba nama’y nakadalawang round sila ni Raiden bago sila nakatulog. Sa sobrang pagod ay hindi na nila nagawang magbihis pa. Napatingin siya sa wall clock. Alas-onse pa lang ng gabi. May isang oras na lang siyang natitira bago matapos ang taning na ibinigay ng daddy niya. Isang oras mula ngayon ay isang buhay ang mawawala sa ayaw at sa gusto niya. Napalunok siya. Kasunod nito ay ang pag-init ng kanyang mga mata. Hindi siya puwedeng umiyak, baka biglang magising si Raiden at lalong magkagulo. Maingat niyang binuksan ang pinakadulong drawer at kinuha ang is

