“WHY DID you do that? Anong kasalanan ng kapatid ko sa iyo para gawin mo iyon sa kanya?” nangngangalit ang tinig na tanong ni Railey. Sinulyapan lang ito saglit ni Bettina pagkatapos ay muling tumingin sa malayo. Nasa presinto sila ng oras na iyon. Natagpuan siya ng mga pulis at ni Railey na kalong-kalong si Raiden habang duguan ito. Kinuha siya ng mga pulis samantalang ang asawa niya ay isinakay sa ambulansiya. Dinala siya agad sa presinto at ikinulong pagdating niya. Makalipas lang ang dalawang oras ay dumating si Railey at ngayon ay magkaharap na sila. “Alam kong malaki ang kasalanan ko kay Raiden. Pero hindi ko siya binaril. Hindi ko kayang gawin iyon,” mahinahon niyang sagot. “Gusto kong maniwala sa sinasabi mo pero nadatnan ka namin na kasama mo si Raiden at may baril sa tabi mo

