Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap ni Dax bago medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin. Kaya naman kinuha ko itong pagkakataon para kumawala sa yakap niya.
Pero napasinghap ako nang pagbaliktarin niya ang pusisyon namin. Ako na ngayon ang nasa ilalim at siya ang nasa ibabaw. Hindi siya nakadagan sa akin at maingat ang ginawa niyang paglipat sa ibabaw ko. Nang tingnan ko ang mga mata niya ay naaninag kong nakadilat na ito ngayon at mukhang nagising dahil sa bigat ko.
“Sorry, I was just looking for you,” nahihiyang pagtatapat ko. Hindi ko naman kasi talaga sinasadyang mapunta sa ibabaw niya. “Nagalala lang ako kung saan ka nila pinatulog. Naabala pa tuloy kita.”
“Mabuti na lang nahanap mo ‘ko. Nahulog ka pa sa akin,” literal ang ibig niyang sabihin pero ako naman itong iba ang inisip sa huling linyang binitawan niya. Bakit ko ba naisip na baka pick-up line ito?!
Nang hindi ako magsalita, dumoble ang bilis ng t***k ng puso ko sa bigla niyang paghimas sa braso ko. May kaunting hapding dala ito pero kumpara noon ay mas naiinda ko na. Buti na nga lang at hindi na ito nakita pa ng pamilya ko. Kung sakaling nakita pa nila ‘to ay baka sa prisinto na ang punta ni Dax pagtungtong niya ng Batangas.
“Masakit pa rin ba?”
“Kinakaya naman.”
Nagtagpo ang mga mata namin ng ilang segundo, na para bang parehong may ibang ibig ipakahulugan ang tanong at sagot namin sa isa’t isa, pero siya rin ang pumutol nito sa pagtayo niya.
Napayuko ako - nalungkot dahil akala ko’y iiwanan na lang niya ako basta. Pero nagkamali ako nang maramdaman ko ang pagdausdos ng kamay niya sa palad ko. Pinatahimik niya ako sa paglalagay ng kanyang hintuturo sa ibabaw ng kanyang labi. Sinenyasan niya akong lumabas kami ng bahay kaya naman napangiti ako’t walang pagdadalawang isip na sumama.
Pagkalabas namin ng pinto ay naglakad-lakad kami sa hardin kung nasaan siya kanina. Ang sarap ng simoy ng hangin at tila ba mas maningning ang mga bituin ngayong gabi pagkatingala ko. Nilalaro ko ang mga kamay naming magkahawak at ni-sway pa ito habang naglalakad. Masaya lang akong mahawakan ito at makasama siya.
Huminto kami sa may bench malapit sa bintana ng kwarto ko at dito naupo. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya dahil baka bawiin niya ang kanya pero imbes na gawin iyon ay ipinatong pa niya ang isang kamay niya sa ibabaw ng mga kamay naming magkahawak.
My heart skipped a beat. Simpleng gesture lang ni Dax ay ganito na ang reaksyon ng puso ko. Pero hindi ko ipinahalata ang nararamdaman ko at tumingin lang sa malayo.
“Nagsisisi ka na ba’t nagpunta ka pa rito sa Batangas?” pabirong tanong ko. Pagkatapos ng mga napagdaanan niya sa kamay ng pamilya ko, sigurado kasing sasangayon siya sa tanong ko.
“Magsisisi ako kung hahayaan kong ilayo ka nila sa akin,” seryosong sagot ni Dax. Ito na naman ‘yung mga paru-paro sa tyan ko. “Tinakot mo ako nung bigla ka na lang umalis at hindi nagparamdam.”
Nilingon ko si Dax para makumpirma kung hindi nga ba siya nagbibiro at nakita kong nakatitig siya sa akin. Mataman niya akong tinitingnan. Nailang ako at agad nag-iwas ng tingin.
Tumikhim ako bago nagsalita. “Paano ‘yan, anong plano mo? Hindi tayo sigurado kung makakaluwas na tayo pabalik ng Maynila bukas. Hindi madaling mapapayag ang pamilya ko.”
“Sabihin nating buntis ka? Kaya kailangan nating ikasal?” Hindi ko napigilan ang pagtawa ng malakas kaya tinakpan ko agad ang bibig ko.
Nang kumalma’y tsaka lang ako nakapagbigay ng komento. “Wala pa ngang nangyayari sa atin, paano naman ako mabubuntis?” Hinampas ko pa siya ng bahagya sa braso pero seryoso lang ang tingin niya sa akin bago napangiti.
“I missed this. I missed being able to talk to you like this,” sabi nito na para bang ang tagal naming hindi nakapagusap. Pero alam kong pareho lang kami ng nararamdaman kaya hindi na ako nagsalita pa tungkol dito. “I’m willing to do whatever it takes to get the approval of your family.”
Natahimik kami sandali pareho at napatitig sa mga bituin. Inangat ko ang isang kamay ko at para bang sinukat kung gaano ito kaliit gamit ang dalawang daliri ko. Ang liit nila sa paningin ko pero alam kong mas malaki pa sila sa nakikita ko. Depende lang siguro talaga sa perspektibo. May mga bagay na kailangan mong makita ng malapitan para mas maunawaan.
“What scares you the most?” tanong ko randomly kasabay ng pagbalik ng tingin ko kay Dax. Nakatitig siya ngayon sa mga kamay naming magkahawak at nilalaro ang mga daliri ko. Kung titingnan siya ngayon ay napaka inosente niya, malayong-malayo kay Philip Daxon Savage na nakilala ko sa Maynila.
“Being brave,” simpleng sagot niya na parang malayo naman sa tanong ko.
“Sabi ko anong kinakatakot mo. Bakit being brave?” napakamot ako sa ulo ko at napaisip.
“Because when you’re a brave man, you’re capable of doing everything you want to do. Nothing’s holding you back – not even fears and doubts. You know it’s your life and that you don’t need anyone’s permission to live the life you want.”
“And isn’t that a good thing? Kung ako ang tatanungin ay gusto kong maging matapang. Kasi sa paraang iyon, kaya kong makapagdesisyon para sa sarili ko. Kaya kong maging masaya.”
“It isn’t for me. Dahil kapag nangyari ‘yon, magbabago ang tingin ninyong lahat sa akin. Kaya hindi ako pwedeng maging matapang. Hindi ako pwedeng makapagdesisyon para sa sarili ko-”
“It’s okay to be brave. Fine, magbago ang tingin nila. Pero ako hinding-hindi magbabago ang tingin ko sa ‘yo.” Hindi siya nakaimik, “Pwede kang maging masaya. Dax it’s your choice because it’s you life! Bakit naman ganyan kang mag-isip?”
“Ikaw ba? What scares you the most?” pagiiba niya ng usapan pero dahil may sagot na ako sa tanong niya ay kumagat naman ako rito.
“Kabaliktaran mo ako. I’m scared of not being brave enough. Natatakot ako dahil alam kong oras na hindi ako maging matapang, babagsak ako at magpipira-piraso,” hindi siya nagtanong kung bakit pero sa tingin niya’y halatang iniintay niya ito. “Hindi siguro halata pero I was bullied. Kapag nanggaling sa akin ‘yung kwento parang ang babaw pakinggan pero malaking bagay ‘yung nangyari para sa akin.”
Tumigil ako dahil naging sariwang muli ang lahat sa akin. Binitiwan ko ang kamay ni Dax dahil naramdaman ko ang panlalamig ng buong katawan ko at ayokong maramdaman niya iyon. Kunwari’y inayos ko na lang ang buhok ko bago nagpatuloy sa pagsasalita.
“I don’t think you would like to listen though. Baka ma-bored ka lang-”
“Try me,” pagputol niya. Kaya bumuntong hininga ako bago nagkwento.
“It happened in high school. Hindi ba’t sinabi kong hindi ako sa Maynila nag-college? Totoo ‘yon pero nung high school ako, isang taon akong nakapagaral sa Maynila.”
Napangiti ako nang maalalang nakasama ko pa noon ‘yung tatlong kuya ko sa iisang bahay. College students kasi sila noon. Wala sina Mama at Papa sa tinuluyan namin dahil nasa Batangas sila. Pinilit lang nila Kuya TJ ang mga magulang namin na pasamahin ako sa kanila dahil ayaw daw nilang malayo sa akin – o baka ayaw lang nila na hindi ako nababantayan.
“Friendly ako noon kaya marami akong kaibigan. Kabisado ko ang mga birthday ng mga kaibigan ko maging ‘yung mga maliliit na detalye tungkol sa kanila. Sinisigurado ko rin na sa bawat masasayang okasyon sa buhay nila ay nanduon ako o kung hindi man ay maramdaman nilang parang nanduon ako kahit sa materyal man na paraan. Kaya hindi ko alam kung saang punto naging kasinungalingan lahat ng mga pinaniwalaan ko.”
Nanginig ang mga kamay ko kaya itinago ko na lang ito sa likuran ko at sumandal. Hindi na rin ako tumingin kay Dax dahil may nagbabadyang luha sa mga mata ko.
Akala ko ba Reign nakalimutan mo na ang lahat? Bakit parang bawat detalye ay natatandaan mo pa?
“I had a best friend named Veronica back then. As in parang magkapatid na kami dahil sinasama ko pa siya sa bahay na tinitirhan namin. We were so close and I trusted her so much. Kaya kahit narinig ko noon mula sa ibang tao na ginagamit lang niya ako para makuha ang mga bagay na gusto niya ay hindi ako naniwala. It even came to a point when I turned a blind eye to the truth. Kahit harap-harapan na.”
Hinanap ni Dax ang mga kamay kong takatago sa likod ko at muling hinawakan. Napakalma ako nito nang hindi ko inaasahan. Nabigyan ako nito ng lakas magpatuloy kahit papaano.
“After our exams, sinabi niya sa akin noon na birthday na niya next week. Pero dahil mahirap lang ang pamilya ni Veronica, sinabi rin niyang magiging malungkot lang panigurado ang araw na ‘yon. At dahil ayokong malungkot siya ay nagprisenta akong maghanda ng birthday party para sa kanya. Nagpatulong pa ako sa mga kapatid ko at pinapayag sila na sa bahay ganapin ‘yung party para maging memorable ang araw na ‘yon. But I didn’t know she had her own plan.”
Rumehistro sa isip ko kung paano naging masaya ang umpisa ng party at kung paano rin iyon nagtapos na parang bangungot.
Nagimbita kasi si Veronica ng grupo ng mga lalaking hindi ko kakilala. Mga taong hindi ko maalala kung sa eskwelahan namin nagaaral. Wala ang mga kuya ko noon kaya hindi ko sila nagawang pigilan. Kinausap ko si Veronica pero nagalit lang ito at ang sabi’y nagiinarte ako. She even used her birthday card.
Hanggang itong grupo ng mga lalaking hindi naman imbitado ay sumunod sa akin sa kwarto ko. Pinagtangkaan nila akong gahasain. Napunit ang suot kong damit dahil sa panlalaban pero hindi ko na ito inintindi. Tumakbo ako palabas ng kwarto para makatakas hanggang sa makarating ako malapit sa pool.
Bumagsak ako sa sahig nang makitang kinukunan ako ng video at litrato ng maraming tao. Nagtatawanan silang lahat at mas lumakas pa ang tugtog sa paligid. Tinakpan ko ang tainga ko dahil para akong nabibingi sa mga naririnig ko.
Hinanap ng mga mata ko si Veronica para sana humingi ng tulong. Pero nakita kong maging siya ay masaya sa nangyari sa akin. Tumatawa siya at wala akong makitang pagaalala sa mga mata niya.
“Hey baby… stop crying,” napatingin ako kay Dax at napansing hindi ko pala naituloy ‘yung kwento ko. Everything was just all over my head again. Pinapalis niya ang luhang panay ang pagbagsak sa gilid ng mga mata ko at para bang takot na takot sa nangyayari sa akin.
“Dax, alam kong hindi niya talaga birthday! Kaya ang tanga-tanga ko. I knew she was just after the party and the gift she wanted to receive from me dahil kalalabas lang nung limited edition na relong gustong-gusto niyang makuha. Kada taon naman kasi ay iba-iba ang birthday na sinasabi niya sa akin. Siguro’y akala niya’y hindi kaibigan ang tingin ko sa kanya, na hindi ko natatandaan ang birthday niya. Kaya sinasabay lang niya lagi ang birthday niya sa araw kung kailan ang labas ng mga gamit na gusto niya!” Siguradong hindi maintindihan ni Dax ang kwento ko lalo na’t hindi ko ito nasabi ng buo. Pero gusto ko lang ilabas kahit ‘yung kakaunting hinanakit na nararamdaman ko.
“You don’t have to tell me what she did to you if you’re not yet ready,” hinalikan niya ang noo ko habang hawak-hawak ng dalawang kamay niya ang mukha ko. “I won’t force you to tell me everything about you.”
Bakit alam niyang sabihin ang mga salitang gusto kong marinig?
Lumipas na ang maraming taon pero hindi ko pa rin nasasabi sa kahit na sino ang buong nangyari sa akin. Not even my family knows what I’ve been through. Ang alam lang nila’y nagkaaway kami ni Veronica kaya ginusto kong umuwi ng Batangas. Kaya rin ako nagkulong sa kwarto ko ng halos isang buwan. Wala akong sinabing kahit ano dahil para sa akin, sapat nang ibaon ang lahat sa limot. Kahit na anong bagay na magpapaalala sa akin tungkol sa nakaraan ay talagang iniiwasan ko.
Nakaramdam ako bigla ng kaba ngayong kasama ko si Dax. Nanlamig lalo ang buong katawan ko dahil sa takot. Hinarap ko siya at hinawakan ang dalawang kamay niyang nakahawak sa mukha ko.
“Promise me one thing,” huminga ako ng malalim para pigilan ang nagbabadya pang luha kahit imposible. “Don’t make any promises you can’t keep. Don’t do it again. Just… please don’t you ever break my trust.”
“I promise. Trust me,” mula sa mukha’y bumaba ang kamay niya sa balikat kong may sugat. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbaba niya ng damit kong nakaharang dito. “I won’t let you get hurt again.”
Inilapit niya ang mukha niya sa balikat ko at marahang idinampi ang labi niya rito. Nanayo ang mga buhok ko sa batok dahil sa ginawa niya at may ilang boltahe ng kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.
He planted small kisses on my shoulder, letting me forget about the past and the future – now all I can think of was the present I have with him.
At kahit kontrata lang ang magiging kasal namin, gusto ko pa ring tumuloy dito. Kahit siguradong mahihirapan ako dahil sa kumplikadong relasyon, I will make sure every single day will be worth treasuring.
Hanggang sa marating namin ang hangganan. Hanggang sa magsabi kami ng pamamaalam.
***
Nagising ako dahil sa pagtama ng malakas na tubig sa mukha ko!
Hindi ko sana balak pansinin nung una pero para akong malulunod. Naubo ako dahil nakainom ako ng tubig mula rito kaya agad akong tumalikod para maiwasan ang pagtama nito sa mukha ko.
Nang tumigil ‘yung pagtama ng tubig sa katawan ko, dito ako nagkaroon ng pagkakataong makita sa tabi ko si Dax na gaya ko ay basang-sisiw din at inuubo.
Nilingon namin pareho kung saan nanggaling ang tubig at nakita si Kuya PJ! He’s holding our garden hose with sprinkler! Initsa niya ito sa sahig bago may lumapit na katulong sa amin ni Dax. Inabutan kami ng twalya pareho.
“Now you’re both awake,” tamad na pagkabigkas ni Kuya PJ sa amin ni Dax.
Nang makita kung nasaan kami, dito ko lang napagtanto na nakatulog pala kami sa labas ng bahay! Hindi ko namalayan dahil sumandal lang ako kay Dax kagabi at pumikit. Nagtuloy-tuloy yata ito at pareho kaming nakatulog! Kaya heto’t naabutan kami ng pamilya ko!
“Pumasok na kayo sa loob para magumagahan,” dagdag pa ni Kuya PJ at nauna nang pumasok ng bahay.
Napalunok ako. Kinabahan ako lalo na’t haharapin namin ang mga magulang ko ng magkasama pagkatapos kong suwayin ang utos nila. Hindi ako nanatili sa kwarto ko’t naabutan pa nila akong kasama si Dax.
Hinawakan ni Dax ang kamay ko at tumango sa akin na para bang gusto niyang sabihin na nandyan siya kaya hindi ko kailangang matakot.
Huminga ako ng malalim, nagisip ng maigsing dasal, hanggang sa nakatapak na kami sa loob ng bahay. Dumiretso kami sa dining area at nakitang kumpleto na ang lahat pwera kay Kuya PJ.
Nakita kong napatingin si Mama sa mga kamay namin ni Dax kaya bumitaw agad ako para hindi na maginit ang ulo nito. Umupo ako at inintay si Dax na maupo sa bakanteng upuan katabi. Kaya lang ay nanatili lang siyang nakatayo. Tinawag ko siya pero hindi pa rin siya kumilos.
“Hindi ka pa ba uupo? Ala eh hindi lalapit ang pagkain sa ‘yo iho,” sabi ni Papa na kalmado lang sa pagkain. Hindi ko tuloy mabasa kung ano ang iniisip ng pamilya ko ngayon.
Si Kuya TJ parang masama ang gising, na ganito naman lagi ang itsura sa umaga. Si Kuya MJ naman nakangisi lang at mukhang may bagong babaeng nililigawan dahil panay ang tingin sa phone. Sila Mama at Papa naman kumpara kahapon ay mas kalmado na kahit nandito si Dax.
Naupo na si Dax sa tabi ko at nagsimula kaming kumain. Ilang minuto ring walang nagsalita bago binasag ni Mama ang katahimikan.
“So Mr. Savage, gaano katagal na kayo ni Reign?” tanong ni Mama na para bang imbestigador ang tono. Natigilan tuloy ako sa pagkagat ng tinapay.
“Magdadalawang linggo pa lang po.”
“Apat na taon.”
Agad akong napalingon kay Dax. Nagkasabay kami pero magkaiba naman ang sagot! Nakita kong nagkatinginan ang pamilya ko sa lamesa kaya pinagpawisan na ako ng malamig. Paano pa namin sila mapapapayag ngayon?!
“So is it two weeks or four years?” mataray na tanong ni Mama. Hinuhuli kami nito!
“Four years Ma!”
“Reign hindi ikaw ang kinakausap kaya kumain ka na lang,” bulong ni Kuya TJ sa tabi ko bago sinuksukan ng tinapay ang bibig ko. Sinamaan ko agad siya ng tingin lalo na si Kuya MJ na pinagtawanan pa ako.
“Two weeks,” sagot muli ni Dax kaya matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Inapakan ko pa ang paa niya pero parang hindi siya naapektuhan at tumitig lang sa mga magulang ko ng diretso. Hindi ba siya natatakot?!
Binaba ni Mama ang hawak niyang mga kubyertos at tumingin na rin kay Dax. Seryoso lang ito bago umangat ang magkabilang gilid ng labi. “I see. Mabuti naman at kahit papaano’y marunong kang magsabi ng totoo.”
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang ibang kahulugan ng sinasabi ni Mama.
“We know everything about him, Reign. Sa tingin mo baga ay hindi namin malalaman ang tungkol sa relasyon niyo?” Nanlaki ang mga mata ko. Anong alam nila?
“Pero akala ko sinabi ni Kuya MJ na siya ‘yung-”
“Your Kuya PJ already took care of the man who fooled you. We already had him investigated from the very start. At ngayong nakumpirma naming niloko ka nga niyang talaga, alam mong mahirap makatakas sa mga Valderrama,” paliwanag ni Mama at kita ko ang galit sa mga mata niya ngayon. Ibig sabihin ba’y alam nila ang tungkol kay Joaquin?! Ang tungkol sa ginawa nito sa akin?!
“Then what do you know about Dax?” naghahamong tanong ko. Mas maganda nang malinaw sa akin kung ano ang alam nila dahil baka madulas pa ako at makapagsalita ng mga bagay na hindi nila alam.
“Hindi namin nasabi sa ‘yo pero nakatanggap kami ng sulat galing sa mga Savage more than two weeks ago. Naghahanap sila ng babeng ipapakasal sa tagapagmana nila. Hindi namin alam kung ano ang dahilan dahil hindi na rin namin inalam. Wala rin naman kasi kaming balak pumayag,” malamig ang boses ni Kuya TJ.
“Pinigilan na nga namin ang sitwasyon pero para bagang pinaglalaruan tayo ng tadhana. That’s why we were mad when we first met him. Hindi namin gusto ang naging paraan nito para makahanap ng babaeng pakakasalan. Lalo na’t ikaw pa ‘yon Reign. Who would marry someone just like that? At ginawa niyo pa ito sa likod namin!” sabi naman ni Mama na nagtaas na ng boses. Mukhang wala pa itong alam tungkol sa kontrata. Mukhang sikreto lang talaga ito.
“Isa lang ang tanong namin Reign, gusto mo baga siyang pakasalan?” tanong ni Papa at hinigit ko ang hininga ko dahil dito.
Tumingin ako sa mga magulang ko, kina kuya, at sa huli’y nahinto ang tingin ko kay Dax. May takot sa mga mata niya at halong tiwala. Hindi ko na kailangan pang mag-isip ng isasagot ko dahil matagal ko nang nalaman ang sagot sa tanong na ‘to.
Mas nauna pa nga ang puso ko.
“Opo,” isang salita lang ang sinabi ko bago muling binalot ng katahimikan ang hapagkainan.
Sa reaksyon ng lahat ay mukhang hindi pa rin nila balak pumayag kaya nagpatuloy na lang muna ako sa pagkain. Ganuon din ang ginawa ni Dax.
“Sumama ka sa akin mamaya para masukatan ka,” narinig kong sabi ni Mama. Tumingin ako sa kanya at takang-takang tinuro ang sarili. “Bakit? May gown ka na ba para sa kasal niyo?”
Bumilog ang bibig ko bago umangat ang magkabilang dulo nito hanggang tainga.
“Papayag kaming magpakasal si Reign sa ‘yo Mr. Savage dahil ang sabi ni Reign, iyon ang gusto niya. Magtitiwala kami ngayon sa ‘yo. Pero oras na malaman naming sinaktan mo ang anak namin sa kahit ano mang paraan, hindi kami magdadalawang isip bawiin siya mula sa ‘yo. Maliwanag baga?” sabi ni Papa bago nangako si Dax sa kanya.
“Hindi ko po sasaktan si Reign.”
Sana lang totoo ang huling sinabi ni Dax dahil ito lang ang panghahawakan ko sa pagsama ko sa kanya.