Chapter 5: Hard Situation

1705 Words
Laging wala sa bahay nila ni Daisy si Chrollo at alam nitong dumating na si Amery mula sa bansang Taiwan. Kahit na masakit ang kaniyang damdamin dahil sa pagseselos, alam niyang wala siyang magawa. Isang araw habang nasa office ito at gumagawa ng reports, biglang tumawag si Chrollo sa kaniya. "Hello, Daisy---" tawag ni Chrollo sa kaniya sa kabilang linya. "Magluto ka mamaya, kakain kami ni Amery riyan mamaya," masayang wika ni Chrollo sa kaniya. "S-Sige..." sagot niya. Kinahapunan, nagluto nga si Daisy at hindi na niya hinintay sina Amery at Chrollo. Pumasok na siya kuwarto para hindi niya maabala ang dalawa. Tinawagan naman niya si Lenny at doon siya naglabas nang sama ng loob. "Naku, ewan ko kung sino ang may kasalanan kung bakit nagsama kayo. Malinaw naman sa tubig ang sinabi niya sa iyo dati di'ba?" wika ni Lenny sa kaniya sa kabilang linya. "O-Oo, alam ko na hindi niya ako mamahalin. Nakakainis naman kasi hetong puso na ito, bakit pa kasi na-i-in love ako sa kaniya. Sana mabawi na niya ang company ng pamana ng daddy niya para mag-divorce na kami," umiiyak na saad ni Daisy sa kaniya. "Hay, naku, Daisy. Kung sigurong hindi mo lang sinunod ang mga magulang mo, wala ka sa sitwasyon na iyan. Hindi ba't sinabi naman niya sa iyo na puwede kang makipag-date at mag-boyfriend nang patago?" "Kung gagawin ko man iyan, kawawa naman ang taong mamahalin ko kung sakali. Alam nilang kasal na ako, eh. Tapos legal pa. Ayokong makasakit nang damdamin ng iba, kaya hihintayin ko na lang makipaghiwalay siya sa akin." "Tanga ka rin minsan, eh, no! Kung hindi lang kita kaibigan, naku.. pero ang hirap kasi ng sitwasyon mo, bes. Ginagawa mo iyan para siguro hindi nila isipin na failure ka at matuwa ang papa at mama mo sa iyo." "Oo nga eh. Pero gagawin ko na lang siguro ang trabaho bilang asawa niya." "Mahal mo kasi kaya ganyan. Pero desisyon mo iyan, bahala ka munang magpakatanga. Kapag nagising ka na sa katotohanan, yayakapin pa kita. Bes! Tapos ipinagluto mo pa ang kabit. Pero okay lang iyan, para wala na lang away." Hindi na lang makaimik si Daisy at para wala na lang silang pinag-aawayan, iniintindi na lang niya ang kanilang sitwasyon dalawa ni Chrollo. Hindi na tinawag ni Chrollo si Daisy habang kumakain silang dalawa ni Amery. Kaagaran din umalis si Amery dahil baka kaagad siyang hanapin ng kaniyang daddy dahil kasama niya itong umuwi sa Pilipinas. "Babe, aalis muna ako. Kasama ko si daddy at alam niyang ikinasal ka na, baka malaman pa niya ang totoong magkasama pa tayo," saad ni Amery habang kayakap niya si Chrollo. Tumango na lang si Chrollo at tumawag naman ang kaniyang mommy dahil weekends bukas at bibisita sila sa kanilang bahay. "Chrollo, your daddy and I are going to visit your house tomorrow. Randy and Dhanna are with us!" masayang wika ng mommy niya. Pinuntahan naman ni Chrollo si Daisy at nakita niyang lumuluha ito habang pumipindot ng kaniyang cellphone. "Are you jealous of Amery that's why you are crying?" Tumingin si Daisy sa kaniya. "H-Hindi n-nanood lang ako ng drama kaya umiiyak ako." "Good. Alam kong tumawag na rin si mommy sa iyo. Alam mo na ang gagawin bukas, I will pretended that I'm in love with you as my wife," seryosong saad ni Chrollo sa kaniya. Tumango na lang ito at nalungkot sa sitwasyon nila. Kinabukasan ay dumating na ang kanilang mga magulang, nagpanggap silang maayos ang kanilang pagsasama. Lagi nilang hinihiling na sana ay magka-apo na sila. Kinahapunan, ay umuwi na sila at natapos na rin ang kanilang pagpapanggap na sila ay lubos na nagmamahalan. "Aalis muna ako at tomorrow morning na lang ako makakabalik," seryosong saad ni Chrollo sa kaniya. "S-Sige mag-iingat ka," pilit na ngiti ang iginawad nito sa kaniyang asawa. Natulog nang mag-isa si Daisy sa kanilang bahay at napaluha na lang siyang mag-isa. Sa totoo lang gusto na nitong umuwi sa kanilang bahay at ang inaakala ng kaniyang mga magulang ay tunay itong masaya. "Ang hirap mag-isa," bulong sa sarili ni Daisy. Tinitigan nito ang picture nilang dalawa ni Chrollo. Minamahal nito ang kaniyang asawa pero hindi pareho ang kanilang narararamdaman. "Sana, mabawi mo na ang pamana mo. Para kung sakali, kusa ka ring makikipaghiwalay sa akin. Kahit sobrang sakit na ang asawa ko sa papel lang, may minamahal na iba." Kinaumagahan, maagang nagising si Daisy para maghanda ng almusal. Dumating na rin si Chrollo at kumain muna ito ng almusal bago ito pumasok ng trabaho. Paalis na si Daisy at sumakay na siya ng taxi. Lumipas ang isang linggo at hindi na umaalis si Chrollo para puntahan ang kaniyang kasintahan. Alam naman niyang hindi umalis si Amery. Narinig nito ang kanilang pinag-uusapan. "I am tired, huwag mo muna akong kulitin. Please, babe...." seryosong saad ni Chrollo sa kaniyang girlfriend habang magkatawag sila sa cellphone. "Isang linggo mo na akong hindi pinupuntahan dito, what's wrong with you?!" pagalit na saad ni Amery sa kaniya. "Please stop! Intindihin mo ako! May asawa ako at baka mahalata ni daddy ang relasyon natin! Kahit pansamantala muna nating itigil ang mayroon sa atin, please!" "Do you love me?! O dahil mahal mo na ang asawa mong tanga?!" "Tumigil ka na, Amery! Sumusobra ka na! Mahal kita kaya heto at ginagawa ko ang lahat para mapabuti tayong dalawa! For our future hindi ba?! Sana huwag mong isipin na kasama sa magandang future natin, ang tungkol kay Daisy!" "But she loves you, right?! Natatakot akong baka mahalin mo siya at maipagpalit mo na ako?!" "Hindi mangyayari iyan, ikaw lang ang mahal ko Amery. Kaya please, intindihin mo ako! I use her for our plan and hayaan mong ipakita na mabait ako sa kaniya. Happy?!" "Okay, babe!" Pinatay na ni Chrollo ang cellphone niya. Halos umiyak si Daisy sa kaniyang narinig. Alam niyang wala siyang karapatan at sa totoo lang ay gusto na niyang umuwi sa kanila. Habang dumadaang araw na kasama niya si Chrollo, lalong lumalalim ang pagtingin nito sa kaniya. Pero kapag nasa trabaho ito, lagi siyang napapangiti ni Raymond. Isang araw hindi niya akalaing susunduin siya ni Chrollo sa kaniyang pinagtatrabauhan. Sabay kasi silang lumabas ni Raymond at pasakay na sana si Daisy sa kotse ng kaniyang boss. "DAISY!" pagalit na tawag ni Chrollo sa kaniya. Nagulat si Daisy at hinila niya ito sa pagkakasakay sa kotse ni Raymond. "Do you know that she has a husband?!" Pinipigilan ni Daisy si Chrollo mula sa paglapit kay Raymond. "Yow, yow, pre, idadaan ko lang sana siya sa inyo dahil nagta-taxi lang kasi ang asawa mo pauwi sa inyo. Besides, dumadaan din ako sa daanan ng direksyon ng bahay ninyo." Halata kay Chrollo ang kaniyang pagkagalit kay Raymond at hinila niya si Daisy papunta sa kaniyang sasakyan. "Let's go home! From now on, hindi ka na magtatrabaho, Daisy! Kaya kitang pakainin at magtrabaho ako para sa ating dalawa lang!" Nang makasakay si Daisy, hindi ito makakibo. Pero nakiusap siyang payagan siya ng kaniyang asawa para magtrabaho. "P-Please, payagan mo na ako. Pinaghirapan ko kasi ang trabaho ko para makuha ko lang ito." "Mag-usap tayo sa bahay!" Pumasok sila sa bahay at itinulak niya si Daisy sa sofa. "Kaya pala ang saya mo dahil kasama mo ang boss mong mayabang?! Tapos sasabihin mo sa akin na, you love your work! You are lier!" "T-Trabaho lang naman ang ipinunta ko roon. At saka wala kaming relasyon ni sir Raymond! Hindi mo na ba naaalala ang pinag-usapan natin? Mag-asawa tayo pero malaya kang makasama ang taong mahal mo at hindi kita pinigilan doon. Alam mong mahal kita pero hindi kita pinakilaman kung sino ang nais mong makasama. Pero ba't sa akin parang ang unfair mo?" Biglang nilapitan ni Chrollo si Daisy kasabay nito ang pagpisil niya sa kaniyang balikat. "Bakit nakikita mo ba ngayon na kasama ko si Amery?! Ayoko lang makahalata sila, Daisy, and besides from now on, you are mine! Because you are my wife!" Sinampal ni Daisy si Chrollo. "Sa papel lang, Chrollo, huwag mong kalimutan iyan! Tanggap ko na, kahit ano pa man ang gawin mo. Kahit magsama na kayo ni Amery ngayon! Sa totoo lang gusto ko nang umuwi sa amin." "Umuwi? Iyan ba ang gusto mo, umuwi?! Hindi ako papayag, Daisy! Ako ang masusunod sa pamamahay, dahil this is my house. As your husband, sumunod ka sa lahat ng gusto ko. Hindi ba't may sakit ang papa mo sa puso, papayag ka bang mamatay ito na ikaw ang may kasalanan?!" Natulala si Daisy at napagtanto nitong ayaw niyang masaktan ang kalooban ng kaniyang ama. Umiling na lang si Daisy sa harapan ni Chrollo. "H-Hindi ako aalis kung papayagan mo akong magtrabaho." "Sige, papayagan kita pero hindi sa kumpanya ni Raymond!" "Wala kaming relasyon ni sir Raymond. Dahil kahit kung sakaling may gusto siya sa akin, hindi puwede dahil kasal ako sa iyo!" Nainis si Chrollo at pumasok siya sa kuwarto niya. Pumasok din si Daisy sa kuwarto niya at nagbihis na para matulog. Naisip nitong kailangan niyang maging matapang ngayon. Sa katunayan ay nagtapat ng pag-ibig si Raymond sa kaniya at tinanggihan niya ito. Iniisip kasi niya kung sakaling sagutin niya si Raymond baka makalimutan niya ang pag-ibig nito sa kaniyang asawa. Iniisip naman ni Chrollo na may nangyayari sa kanila ni Raymond. "Your are mine because you are my wife now, Daisy," bulong nito sa kaniyang sarili. Hindi nito matiis ang hindi niya pagnasaan ang sarili nitong asawa. Binuksan niya ang pinto at nakikita niyang natutulog si Daisy. Dahan-dahan niyang binubuksan ang botones ng pantulog ng kaniyang asawa. Biglang inimulat ni Daisy ang kaniyang mga bata. Nagulat ito dahil nakapantong si Chrollo sa kaniya. Sisigaw sana ang dalaga subali't tinakpan siya ni Chrollo sa kaniyang bibig sa pamamagitan ng kamay nito. "UHMMMMM..." sigaw ni Daisy at labis ang pagkatakot nito at pabilis na nang pabilis ang paghinga niya dahil sa kaba niyang nararamdaman. "Subukan mong sumigaw Daisy, alam mo na ang mangyayari. You are mine, because you are my wife. At gagawin mo ang lahat to satisfy me, as your husband! Understand?! Gusto mo bang sabihin ko sa papa mo na may relasyon kayo ng boss mo?!" pagalit na saad ni Chrollo habang unti-unti niyang hinuhubaran ang damit ni Daisy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD