Chapter 4: Date

1261 Words
Hindi akalain ni Daisy na magbabago nang tuluyan ang pakikitungo ni Chrollo sa kaniya. Hindi naman din niya intensyong paghiwalayin ang dalawa at kahit mahal nito ang kaniyang asawa, alam niyang sa papel lang sila legal. Kailanman hindi niya makukuha ang puso ni Chrollo mula kay Amery. Kinagabihan, nagluto siya ng hapunan at dumating na rin si Chrollo na tila ba nagagalit ang kaniyang hitsura. "K-Kain na pala tayo," gumaralgal na pag-aaya ni Daisy sa kaniya. Tumingin sa kaniya si Chrollo nang napakatalim. "I have no appetite! Baka may gayuma pa 'yang inaahin mo!" Hindi na lang umimik si Daisy at napahawak na lang siya nang napakahigpit sa upuan. Kailangan niyang gumawa nang paraan para mapagbalikan niya ang dalawa. Pabagsak na isinara ni Chrollo ang pintuan. Nagulat si Daisy at tahimik na napaluha sa pagturing sa kaniya ng kaniyang asawa. Kahit na ganoon, ipinaghahain ni Daisy ang kaniyang asawa. Binalaan siya ni Chrollo na huwag na huwag siyang pupunta sa kanilang kumpanya. Kinabukasan, palihim nq pinuntahan ni Daisy si Amery sa tinutuluyan nitong hotel. Pinatuloy naman siya ni Amery sa loob. "S-Sorry, I am Chrollo's wife. P-Pero sa paper lang kami legal at s-sana ay maging maayos na kayong dalawa dahil mahal ka niya," kinakabahang saad ni Daisy kay Amery. Tumawa si Amery sa harapan ni Daisy. "So, naging mistress ako dahil nagpakasal kayo. Then, you are his wife at hindi ba't mahal mo siya? Nabasa ko kasi ang diary mo." "P-Pasesiya na, mahal ko siya pero kahit na ganoon ay tanggap ko na hindi ako ang nasa puso niya. Sa simula pa lang alam kong ikaw na ang minamahal niya. Mahal ko siya kaya't gusto kong maging maligaya si Chrollo." "Tutal pinuntahan mo naman ako at hindi ko sasabihing kinausap mo ako. Araw-araw niya akong kinukulit para magbalikan kami. May hihilingin ako." "Ano iyon?" Sinabi ni Amery ang kaniyang kahilingan at kahit napakasakit kay Daisy, naghanda siya ng dinner date para kina Chrollo at Amery. Pumunta sa garden ng kanilang bahay si Amery at nag-usap ang dalawa. Nakita niyang naghahalikan ang dalawa at halos madurog siya sa kaniyang nakikita. Nang matapos ang date, umalis ang dalawa at alam niyang hindi matutulog si Chrollo sa kanilang bahay. Nagbalikan ang dalawa at inisip na lang niya na para rin sa kaligayahan ng kaniyang asawa. Magmula nang mangyari ang inihandang set-up date ni Daisy para sa kanila, halos hindi na rin siya nakikita ni Chrollo. Kaagaran siyang pumapasok sa kuwarto at sa restaurant na kumakain. "Daisy...." tawag ni Chrollo sa kaniya. Tumayo si Daisy mula sa kaniyang pagkakahiga at tumungo ito sa kinaroroonan ni Chrollo. "Halika.." Lumapit si Daisy sa kaniya at sinabihan niyang magsabay na silang kumain. Nagpasalamat si Chrollo sa kaniya dahil nagbalikan sila ni Amery. Pilit at mapait na ngiti ang iginawad ni Daisy sa harapan ng kaniyang asawa. Palihim siyang umiiyak and at least daw ay hindi na siya galit sa kaniya. Bumalik ang pakikitungo ni Chrollo sa kaniya pero mas malimit na umiiwas si Daisy sa kaniya. Kinabukasan, maaga siyang pumunta sa kaniyang pinagtatrabauhan at nadatnan niya si Mr. Raymond na nag-aayos ng papel. "G-Good morning sir," pagbati ni Daisy sa kaniya. "Oh, Mrs. Freecz, napaaga ka yata?" "O-Opo sir dahil tatapusin ko po ang pinapagawa mo." Habang gumagawa ng report si Daisy, hindi nito mapigilan ang mapaluha. Napansin ito naman ng kaniyang boss at nilapitan niya ito. "Do you have a problem? Just tell me," nakangiting wika ni Raymond habang inaabot nito ang panyo sa kaniya. "N-Naku wala po sir n-napuwing lang po ako." "Alam kong hindi mo sasabihin pero puwede kang umiyak sa shoulder ko. Because I am always here for you, Daisy." Hindi mapigilan ni Daisy ang hindi yakapin ang kaniyang boss. At saka ito umiyak nang umiyak habang kayakap siya nito. Hinihimas naman niya ang likuran ni Daisy. May lihim na pagtingin si Raymond sa kaniya. "Matagal na kitang mahal Daisy pero kahit ikinasal ka na, hindi ko mapigilan ang hindi kita mahalin," bulong sa sarili ni Raymond. Simula nang araw na iyon, naging malapit sila sa isa't- isa. Binabalak pala ni Raymond na paibigin si Daisy dahil alam niyang sinasaktan siya ng kaniyang asawa. Bumalik ang dating ngiti ni Daisy at lagi silang magkasamang dalawa. Nagsasabay silang mag-lunch at minsan ay namamasyal sila sa mall. "You know, I am very happy when I'm with you," nakangiting wika ni Raymond sa kaniya. Nagulat si Daisy at napangiti na lang ito sa kaniyang harapan. Hindi niya alam ay maraming nakakapansin sa mga katrabaho nito ang pagiging malapit nila sa isa't-isa. Minsan ay kinausap siya ni Lenny na malapit niyang kaibigan sa opisina. "Uy, Daisy---" tawag ni Lenny sa kaniya. Lumingon si Daisy sa direksyon ni Lenny. Alam niya ang lihim ng kaniyang kaibigan. "Daisy, gusto sana kitang makausap." Umupo sila sa upuan at dalawa lang silang nag-usap nang masinsinan. Naging seryoso ang mukha ni Lenny sa kaniyang harapan. "Ano ang relasyon ni'yo ni sir Raymond?" Nagulat si Daisy sa katanungan niya. "Huh? Relasyon? Magkaibigan lang kami ni sir Raymond." Niyakap ni Lenny si Daisy. "You deserve him, better than your husband. Hindi ba't ang sabi mo sa papel lang kayo kasal?" Tumango lang si Daisy sa harapan ng kaniyang kaibigan. "P-Pero huwag mo sanang ipaalam ang sikreto namin ni Chrollo. Ayokong magalit si papa at siya sa akin. Hindi naman magtatagal ang pagsasama namin." "Mahal mo siya hindi ba?!" "Hanggang pagtingin na lang ang kaya kong gawin pero kailanma'y hindi ko makukuha ang puso niya kay Amery." Pagkatapos nilang mag-usap biglang lumapit si Raymond sa kaniya. "Sabay na tayong umuwi tapos manonood tayo ng sine." Ngumiti si Daisy sa kaniya. "S-Sige." Nang makarating sila sa mall, masaya silang naglalakad sa loob. Pumunta sila sa jewelry shop at may pinipili si Raymond para sa kaniya. "Bagay sa iyo ito," nakangiting wika ni Raymond kay Daisy habang hinahawakan nito ang kuwintas. "N-Naku, sir, h-huwag na," namumulang wika ni Daisy habang patuloy ito sa pagbili ng kuwintas ni Raymond para sa kaniya. Biglang nagsalita ang sales lady sa kaniya. "Bagay sa iyo ma'am, halatang mahal ka ng boyfriend mo." "Naku, she is not my girlfriend. She is my friend," nakangiting saad ni Raymond sa sales lady. "Sayang po, bagay pa naman kayo. Maganda si ma'am at guwapo naman po kayo." Tumingin si Raymond kay Daisy. "Kapag hindi mo tinanggap ito, it means ayaw mo ako bilang friend mo." Tinanggap ni Daisy ang kuwintas at isinuot naman ni Raymond ang kuwintas sa kaniya. "T-Thank you, s-sir." "Bagay mo. Then, you are very pretty, Daisy." Nakakapansin naman si Chrollo na parang late umuuwi si Daisy ngayong nakaraang araw. Nang makauwi ito, nakita ni Daisy na nagbabasa ng aklat si Chrollo. Napansin naman ni Chrollo na parang lalong gumaganda si Daisy dahil sa kaniyang ngiti at saya. "You look so happy," seryosong wika ni Chrollo sa kaniya. "W-Wala lang. M-Masaya lang ako d-dahil na-promote ako sa work. " "Then, why are you late?" seryosong tanong niya "L-Lumabas lang kami ni sir Raymond..." Bigla niyang ibinalibag ang librong binabasa niya. "W-What?" Nabigla si Daisy sa reaction ni Chrollo. "May asawa kang tao tapos ganyan ang sasabihin mo sa akin na kasama mo ang boss mo?!" "L-Lumabas lang kami dahil g-gusto niyang samahan ko raw siya sa pamamasyal." Biglang lumapit si Chrollo sa kaniya. Pinisil nito ang dalawang braso niya. "So, nagkakaroon ka na ng kabit ngayon? Asawa mo ako dapat ako lang ang kasama mo! Dapat pagkadating ko rito sa bahay may nailuto ka na! Remember this , I am your husband!" "S-Sorry, h-hindi na mauulit," kinakabahang wika ni Daisy sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD