Chapter 3: Broken Diary

1162 Words
Daisy's POV Nakilala ko na ang lalaking napangasawa ko. When I first saw him and I was a kid then. Bumisita kasi sila noon sa bahay namin at nagbakasyon lang pala rito sa Pilipinas noon. Ang guwapo kasi niya at sa totoo lang minahal ko na siya noon. Alam ko namang ngayong kahit kasal na kami, hindi ako ang babaeng pinangarap at minahal niya. Araw-araw kaming magkasama at lagi siyang may kausap sa cellphone niya. Pumayag ako sa pagpapakasal dahil iyon ang gusto ng papa ko. Guro ang papa ko sa pampublikong paaralan at gusto lang nilang maging maayos ang buhay ko. May kapatid pala akong babae, siya ay si ate Dalia. Nakapag-asawa na rin siya pero ang sabi nila ay sinayang lang daw niya ang kagandahan niya. Nagtitinda kasi sa palengke ang asawa niya at siya naman ay namasukan bilang factory worker sa Clark, Pampanga. Siguro ay sumakit ang loob ng mga magulang ko sa kaniya at ako naman bilang bunso, gusto ko lang sumaya sila kaya pumayag ako sa kasalang ito. "Babe," saad ni Chrollo sa kabilang linya at kausap niya ang girlfriend niya. Hindi ko maintindihan kung bakit nagseselos ako o siguro sa magandang pinapakita niya ngayon kaya nahuhulog ang loob ko sa kaniya. Alam kong hindi rin magtatagal ang pagsasama naming dalawa. Nauna na akong kumain dahil hindi ko na siya mahintay. Busy kasi siya sa pakikipag-usap sa girlfriend niya. Nang matapos akong kumain, ipinaghain ko na lang siya. Nakita ko na siyang pumasok dahil nasa labas lang siya kanina. "K-Kumain ka na pala riyan, may nakasandok na," nakangiting wika ko sa kaniya. "Sabay na tayo," pagyayaya niya sa akin. "N-Nauna na kasi akong k-kumain k-kasi ang akala ko mamaya ka pa kakain." "O, sige. Salamat. Pasensiya ka na kung hindi na kita nasaluhan." Hindi ako makatitig sa guwapo niyang mukha. Na tila ba kinakabahan ako kapag nakikita ko siya. Biglang may tumawag sa cellphone ko, si sir Raymond Ringon pala. "Hello, miss Mantilla," saad ng boss ko. "Y-Yes po sir?" tanong ko sa kaniya. "Sorry, I mean Mrs. Freecz," pagbibiro niyang saad sa akin. Napangiti niya ako at naririnig kong tumatawa siya sa kabilang linya. "Maaga kang pumasok bukas para gawin ang mga report dito sa office ko. Don't you worry, I will help you sa gagawing mong presentation kay Mr. De Guzman." "S-Sige po sir, maaga na lang po ako bukas." "Okay, goodnight. Mrs. Freecz." Pinatay ko na ang tawag ni sir Raymond sa akin. Crush ko rin si sir Raymond dahil bukod na sa mabait na, guwapo rin siya. Pero iniisip ko, pagkahanga lang naman ang tingin ko sa kaniya. Hinintay kong matapos kumain si Chrollo para hugasan ko na ang pinagkainan namin. "Sino ang tumawag?" seryoso niyang tanong sa akin. "S-Si Sir Raymond, maaga niya akong pinapapasok bukas." "Ah... okay..." tanging nasaad niya. Nang matapos na siyang kumain, hinugasan ko na ang mga plato. Nakita kong pumasok siya sa banyo at nagtanggal ng pang-itaas niyang damit. Hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa batu-bato at maganda niyang katawan. Parang siyang si Adonis ang katawan at pagmumukha. Namula ako at ipinagpatuloy ko lang ang paghuhugas ko ng plato. Pagkatapos kong maghugas ng plato, at saka na ako pumasok sa kuwarto ko para matulog. Nakatulog na rin ako sa sobrang pagod pero parang may kumakapa sa dibdib ko at may marahang humahalik sa labi ko. Napalingat ako at nang buksan ko ang mata ko, si Chrollo ang nakikita ko. "C-Chrollo---" gulat na gulat na saad ko at natulak ko siya mula sa pagkakapatong niya sa itaas ko. Tinakpan niya ang bibig ko. "Shh... please, pagbigyan mo ako ngayong gabi." Patuloy ko siyang tinutulak. "P-Please, huwag mong gawin sa akin ito." "But you are my wife now," mahinahon niyang saad. "Y-Yes, I am your wife pero may kasunduan tayo. S-Sa papel lang tayo, magkasama," kinakabahang saad ko sa kaniya. Bigla siyang tumayo at tinakpan ko ng kumot ang dibdib ko. "Sorry." saad niya habang papalayo siya sa aking harapan. Lumakad na siyang papalayo at isinara nito ang pinto ng kuwarto ko. Iniisip ko kung galit ba siya sa akin o dahil wala lang si Amery kaya hindi niya na matiis ang maghintay. Ayokong ibigay ang virginity ko dahil alam kong hindi siya para sa akin. Lumipas na pala ang dalawang buwang pagsasama namin sa iisang bahay. Sa ngayong bumalik na si Amery mula sa Palawan, alam kong lagi na naman wala ang asawa ko sa bahay namin. Kahit anong pagseselos ko ay wala akong karapatan para pigilin siya. Pero kahit na ganoon, hindi ko pa nakita ang girlfriend niya. Siguro maganda siya kaya't nagustuhan siya ni Chrollo. Isang araw, umuwi siya rito sa bahay at nagdadabog. Parang nagagalit siya. Alam kong nag-away silang dalawa. Hinarap niya ako at tumalim ang tingin niya sa akin. Lasing ito at nangangamoy alak. "What if kung hindi magkakilala ang mga magulang natin, siguro hindi tayo magsasama no?" pang-iinsulto niyang tanong sa akin. Hindi ako makaimik sa isinaad niya dahil totoo nga naman iyon. "Alam mo bang Amery wants to break-up with me?" "B-Bakit daw?" kinakabahang tanong ko. "BECAUSE OF YOU! GUSTO NIYA AKONG HIWALAYAN DAHIL SA'YO!" Hindi ako makaimik at dahil hindi ko alam kung bakit nagagalit siya sa akin. "Sorry, hindi ko alam na---" naputol na pagsasalita ko dahil bigla niya akong dinuruan at saka niya itinapon ang punit na notebook sa harapan ko. "Hindi mo alam? Hindi mo alam, Daisy?! dahil may nabasa siya sa notebook mo! Mali ang nadala kong notebook! Imbis na listahan ng empleyado ko ang nadalang notebook, bakit 'yong sa iyo pa! and that's your diary!" Nakasulat kasi roon ang pagmamahal ko sa kaniya. Na gusto ko siyang makasama pero alam kong hindi maaari. "Sasabihin ko sa'yo ito, kahit mahal mo ako hindi kita mamahalin, Daisy! Amery is my one and only love! Kasal lang tayo sa papel pero hindi sa totoong narararamdaman ko sa'yo! Dahil ba sa mabait ako sa iyo, kaya ka nahulog sa akin?!" Kusa na lang bumagsak ang luha sa mga mata ko. "A-Alam kong hindi ako ang laman ng puso mo. Alam kong hindi ako ang pipiliin mo at tanggap ko iyon. Pasensiya ka na kung na in love ako sa iyo pero hindi ko sinasadya na tumibok ang puso ko para sa iyo. Sorry kung sa tingin mo kasalanan ko ang lahat kung bakit kayo nag-aaway ni Amery. Inaamin kong mahal kita, pero huwag kang mag-alala, gagawa ako ng paraan para magbalikan kayo." Bigla niyang itinumba ang upuan. "Gawin mo ang lahat para magbalikan kami. Pilitin mo nang mawala ang nararamdaman mo sa akin dahil kailanma'y hindi kita mamahalin, Daisy." Pumunta na siya sa kuwarto niya at tahimik akong napaupo sa upuan habang lumuluha. Kahit masakit sa kalooban at nagseselos ako, gagawin ko ang lahat para sumaya muli si Chrollo. Gagawin ko rin ang lahat para magbalikan sila ng tunay niyang mahal. Alam kong kahit anong gawin ko, hindi ako mamahalin ng tulad ni Chrollo Freecz. End of POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD