CHAPTER 13: Strange Feeling

1548 Words
KINABUKASAN, sa pangalawang araw ni Maurice sa isla kasama si Julius ay nagising siyang halos hindi makagalaw. Napakasakit ng kaniyang ulo at napakainit ng kaniyang buong katawan. Napakasama ng kaniyang pakiramdam at wala siyang lakas para bumangon. Nilagnat yata siya dulot ng ilang beses siyang nabasa ng ulan kahapon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kaya't nanatili na lamang siyang nakahiga. Sinusubukan niyang matulog muli at nagbabakasakaling maayos na ang pakiramdam sa paggising. Maganda at masarap sanang tulugan ang silid ni Maurice sa islang ito dahil mapresko. Kahit pa wala silang aircon at tanging electric fan lang ang gamit niya ay napakalamig ng buong silid. Subalit sa unang gabi niya roon ay hindi siya nakatulog ng mahimbing. Masakit na kasi ang kaniyang ulo bago pa man siya humiga kagabi. "Maurice! Maurice!" boses ni Julius habang kumakatok sa may pintuan. Pagkarinig ni Maurice sa mga tawag ni Julius ay akmang sasagot sana siya ngunit walang salita na lumalabas sa kaniyang bibig. Nanunuyo ang kaniyang mga labi at lalamunan dahilan upang hindi siya makapagsalita. Hinayaan niya na lang na mapagod sa pagkatok si Julius sa pinto at ang ginawa niya ay nagtalukbong na lang ng kumot. Kalaunan ay nawala ang mga katok sa pinto, marahil napagod si Julius sa pagkatok at wala itong senyales na natanggap na gising na siya. Pero pagkaraan ng ilang minuto ay nakarinig siya ng pag-click ng kaniyang doorknob. Kasunod niyon ay narinig niya ang mga yabag na papalapit sa kama kung saan siya nakahiga ng patagilid. Naramdaman ni Maurice ang presensya ni Julius na nakatayo sa gilid ng kama. Balak niya sana itong utusan upang magpakuha siya ng isang basong tubig para makainom. Ngunit naroon ang pag-aalinlangan niya at hiya na baka hindi siya nito pagbigyan. Kaya imbes na utusan ito ay nagkunwari na lang siyang tulog. "Tulog-mantika pala ang babaeng ito!" mahinang sambit ni Julius. Naramdaman ni Maurice ang isang palad ni Julius sa ibabaw ng kaniyang kumot. Nasa balakang niya iyon banda at maya-maya pa ay tinapik siya nito roon. "Maurice, gising na! Alas dies na at nalilipasan ka na ng gutom!" panggigising ni Julius. Hindi pa rin si Maurice sumagot o gumalaw man lang. Nanatili lang siyang nagtutulog-tulugan habang nakatalukbong. Pero itong si Julius ay hindi huminto sa panggigising sa kaniya at talagang hinila pa ang kumot na nakatakip sa kaniyang katawan. Nang matanggal ni Julius ang kumot ay may bahagi ng kaniyang balat na dumikit dito at napamura ito. Nagulat yata ito sa sobrang init ng katawan niya. Inilagay ni Julius ang palad sa kaniyang leeg at saka tinapik nito ng mahina ang kaniyang pisngi upang magising siya. "Hhhmmm..." Umingos siya upang maipakitang kakagising niya lang. Sa pagdilat ni Maurice ng mga mata ay nag-aalalang mukha ni Julius ang nasilayan niya. Totoo kaya itong ipinapakita ni Julius na nag-alala ito sa kaniya? Samantalang kahapon ay tuwang-tuwa pa ito nang muntikan na siyang malunod sa kagagawan nito. "Ang init mo! Nilalagnat ka." Hinawakan ni Julius ang kaniyang kamay. "Pwede ba akong humingi ng tubig?" wika niya na sa pagkakataong iyon ay hindi na niya matiis ang uhaw. "Ikuha kita! Sandali lang!" saad ni Julius at lumabas ng kaniyang silid. Nang maiwan siya ay sinikap niyang bumangon hanggang sa makaupo at makasandal siya sa headboard ng kaniyang kama. Matiyaga niyang hinintay si Julius na bumalik. Mabilis na bumalik si Julius sa loob ng silid niya at may dala itong isang baso ng tubig. Pinainom siya nito ng tubig. "Nagugutom ka ba?" tanong ni Julius. Umiling siya. "Wala akong gana." "Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot," nag-aalalang sabi ni Julius. "Nag-alala ka ba sa akin?" tanong niya. "Yes naman! Lagot ako kay Ninong kapag may nangyari sa'yo!" sagot ni Julius. "Pero kahapon muntik mo na akong patayin!" asik niya rito. Natahimik si Julius. "Sorry..." "Huwag mo nang ulitin iyon!" sabi niya sabay bigay ng baso. "Promise! Hindi na iyon mauulit!" ani ni Julius. Nagtataka man si Maurice sa biglaang pagbait ni Julius ay sinamantala niya iyon. Nagpatulong siya rito upang makapasok siya sa loob ng banyo. Inalalayan naman siya ni Julius hanggang sa loob. "Maliligo ako para matanggal ang init sa katawan ko—" "Huwag! Mag-half bath ka lang ng maligamgam na tubig! Saka mabilis lang dapat!" ani ni Julius at sinunod niya naman ito. Hindi nakasara ang pinto ng banyo kaya't nakikita niyang nakabantay si Julius sa kaniya. Nagugustuhan niya ang Julius ngayon na mabait dahil mas dumagdag ang kaguwapuhan nito lalo na kapag nakangiti. Hindi niya pa naitatanong kung may girlfriend ito. Pero isa lang natitiyak niya, binata pa ito dahil wala siyang nakikitang wedding ring na suot-suot. "Binilisan mo riyan!" wika ni Julius mula sa labas. "Palabas na!" tugon niya. Nagto-toothbrush na siya ng mga sandaling iyon. Paglabas ni Maurice mula sa banyo ay maingat ang bawat paghakbang niya. Hubo't hubad na naman sana siyang lalabas ngunit inabutan siya ni Julius ng tuwalya. "Salamat!" Pinunasan niya ang kaniyang basang katawan. Inalalayan siya ni Julius papasok sa loob ng kaniyang silid. Nang makapasok sila sa kaniyang silid ay kaagad lumabas si Julius upang makapagbihis siya ng maayos. Nagbihis siya ng cotton short at sleeveless niyang puti. Nang makabalik si Julius sa kaniyang silid ay may dala-dala na itong pagkain niya. Natuwa siya ng sobra dahil unang beses itong pinagsilbihan siya ng isang lalaking hindi niya kaano-ano. Dati ang kaniyang Kuya Daniel ang laging gumagawa nito sa kaniya. "Kumain ka para magkalaman ang tiyan mo at makainom ka ng gamot." Umupo si Julius sa gilid ng kaniyang kama. "Ikaw ba ang gumawa nito?" naitanong niya. Bale isang bowl na oatmeal na may toppings na blueberry at hiniwang saging ang binigay ni Julius sa kaniya. "Yes! Para sa iyon iyan at walang halong lason," natatawang saad ni Julius. "Maraming salamat!" Ngumiti siya rito. "You're welcome!" Ngumiti na rin si Julius sa kaniya. "Huwag mo lang araw-arawin na pagsilbihan ako ha. Baka kasi mahulog ako sa'yo," pabiro niyang dagdag. Tumaas ang sulok ng labi ni Julius habang kausap siya. "That's my goal, Maurice! Gagawin ko ang lahat para mahulog ka sa akin hanggang sa makalimutan mo ang ninong ko at ikaw na mismo ang maglalayo ng sarili mo sa kaniya." "What?" Agad na bitawan niya ang kutsarang hawak. "I'm just kidding!" Biglang bawi ni Julius. "Julius, huwag ka naman magbiro ng ganyan!" singhal niya rito kahit hindi siya sigurado kung nagbibiro ito. "Joke lang iyon, Maurice! Hindi ko iyan magagawa sa'yo dahil may girlfriend na ako at hindi ko siya kayang lokohin," ani ni Julius. Tila nilakumos ang puso ni Maurice nang marinig mula kay Julius na may girlfriend na ito. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nasasaktan siya sa sinabi nitong may mahal na itong iba. Hindi niya alam kung saan iyon nanggagaling at ang masaklap pa ay tila naluluha siya sa harapan nito. "M-May girlfriend ka na?" tanong niya sa mahinang boses. "Yes! Her name is Danica and she's a gold medalist pole dancer." Nakangiti si Julius habang pinag-uusapan nila ang girlfriend nito na para bang proud na proud ito. Si Maurice naman ay tila pinasakluban ng langit ang mukha. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman niya habang pinag-uusapan nilang dalawa ni Julius ang girlfriend nito. "Gaano mo siya kamahal?" usisa niya. "Mahal na mahal, Maurice! Hindi ko siya kayang palitan sa puso ko," tugon ni Julius. "Kahit kailan hindi ka nag-cheat sa kaniya? Kahit kailan hindi mo siya niloko?" patuloy niyang pag-usisa. "Yes! Kahit kailan hindi ako nagloko at naghanap ng babae sa buhay ko. Hindi ko kayang makipag-make love sa babaeng hindi ko mahal," seryoso nitong sabi. Natahimik si Maurice. "Ikaw ba? Pang-ilan mo na si Ninong? Gaano mo rin siya kamahal at paano mo nasisikmura na makipag-make love sa kaniya?" sunod-sunod na tanong ni Julius. Hindi niya alam kung paano sagutin ang mga katanungan ni Julius. Wala naman siyang maisagot dito dahil kahit kailan ay hindi naman siya nakipagtalik sa ninong nito dahil ito ay kaniyang tunay na ama. "At your age, I think you are still confused between making love and s*x!" patuloy nito. Matamang tinitigan ni Maurice si Julius. Gustong-gusto na niyang ipagtapat dito ang totoo na hindi siya kabit. Ngunit nasa isip niya rin na baka iyon din ang pakilala sa kaniya ng kaniyang ama at hindi lang basta-basta nanggaling kay Gema. "Ahm... Julius, may tanong ako," aniya. "What is that?" Titig na titig si Julius sa kaniya. "Ano ang pakilala ng ninong mo sa akin?" rektang tanong niya. "Actually, ang sabi niya sa akin ay mahalaga ka sa kaniya, iyon lang." sagot ni Julius. "Okay! So, paano mo nasabing kabit ako?" sunod na tanong niya. "Dahil sabi ni Gema!" walang paligoy-ligoy na sagot ni Julius. "Naniniwala ka naman agad?" aniya. "Yes! Hindi ka itatago rito ng ninong ko kung hindi ka niya secret affair! At sa sinabi ni Gema ay mukhang totoo!" Makapagsalita si Julius ay tila sigurado-siguro ito sa pinaniniwalaan. Natahimik na lang si Maurice at hindi na niya kinontra ang sinabi ni Julius. Bagkus, nakaisip siya ng paraan. Paano kaya kung ilapit niya nang paunti-unti ang sarili rito upang mapatunayan niya na hindi siya maruming babae. Besides, gusto niya ring sukatin kung hanggang saan ang kaya nitong umiwas sa tukso. At kung gaano ka totoo ang sinasabi ni Julius na hindi nito kayang lokohin ang girlfriend nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD