TITIG NA TITIG si Julius sa mukha ni Maurice habang nililinis nito ang may mga buhangin nitong paa. Tahimik lang si Maurice habang ginagawa niya iyon. Naawa rin siya rito at tila makukutusan niya ang sarili dahil sa ginawa. Hindi niya akalaing humantong sa ganito ang kaya niyang gawin.
Kanina habang naglalakad si Maurice sa buhanginan ay nilapitan niya upang bigyan ng payong dahil umaambon. Bukod pa roon ay nais niya itong ayain upang tulungan siyang maghanda ng kanilang makakain. Subalit nang hilain siya ni Maurice sa tubig ay doon na niya hindi napigilan ang sarili na hatakin ito sa malalim na bahagi.
Wala naman siyang balak na patayin ito. Ang sa kaniya lang naman ay gusto niyang subukan kung kaya o marunong itong lumangoy. Hindi pala ito marunong lumangoy at natataranta kapag nasa malalim na.
"Okay lang ba na tanggalin ko ito?" hingi niya ng permiso dahil kailangan niyang tanggalin ang damit nito.
Umiling si Maurice.
"A-Ako na lang! L-Lumabas ka muna." paos nitong boses.
Tumango si Julius. Sinunod niya si Maurice at lumabas siya ng banyo. Sumandal siya sa pader upang mag-abang na makatapos si Maurice at hihintayin niyang humingi ito ng tuwalya sa kaniya. Ngunit nang makatapos maglinis ni Maurice ay hubo't hubad lang itong lumabas ng banyo. Inulit nito ang ginawa kanina nang hindi niya binigyan ng tuwalya.
Aminado siyang naapektuhan ang p*********i niya sa tuwing nakikita ito sa ganoong sitwasyon. Isa rin si Maurice sa may pinakamagandang katawan na nakita niya. Maganda ang katawan ni Danica ngunit mas makurba ang katawan ni Maurice. Maganda rin ang kutis ni Maurice kaya naman kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa ganda ng mukha at katawan nito. Kaya't marahil hindi nakatiis ang kaniyang ninong at nahulog ito sa mala-anghel nitong ganda.
Ang ipinagtataka niya lang kay Maurice ay may suot-suot itong mamahaling hikaw na imposibleng maibibigay iyon ng kaniyang ninong. Maliban doon ay may angklet din itong mamahalin at sigurado siyang hindi iyon peke. Halos lahat din ng mga sinuot ni Maurice ay mga signature brands. Kung pera lang ng ninong niya ang pagbabasehan ay wala na itong maibibigay pagdating sa pamilya. Baka ang sahod nito ay naubos na kung ito ang bumili ng mga gamit ni Maurice.
Nagkulong na si Maurice sa loob ng kwarto nito. Hindi na niya ito inistorbo pa at nagkusa siyang magluto ng kanilang makakain. Magluluto na lang siya ng sopas upang makakain sila ng mainit-init gayong malamig ang panahon.
Tinungo ni Julius ang maliit na kitchen ng rest house upang makapagsimula nang magluto. Marami-rami ang supply ng kanilang pagkain na nakalagay sa kusina. Sa tantiya niya ay pang isang buwan na iyon dahil silang dalawa lang naman ni Maurice.
Sinimulan ni Julius ang pagluluto, mabuti na lang at masugid siyang tinuturuan ng kaniyang naging kasambahay kaya't marunong siyang magluto kahit papaano. Sinarapan niya at sinigurong malinis ang paghahanda. At nang maluto iyon ay nag-aksaya pa siya ng oras upang gandahan ang pag-plating upang matakam at ganahan silang dalawa na kumain.
Nang ganap na maihanda ang kanilang pagkain ay kinatok niya si Maurice sa kwarto upang ayain ito. Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at bumungad si Maurice na nakasuot na ng ternong pantulog.
"Ano'ng kailangan mo?" masungit na tanongni Maurice sa kaniya. Sa boses nito ay kitang-kita ang galit.
"Nagluto ako kaya samahan mo akong kumain. Alam kong gutom ka na," malumanay niyang alok.
Alam ni Julius na malaki ang kasalanang nagawa niya rito kani-kanilang lang. Dahil doon ay kailangan niyang magpakumbaba rito.
"Huwag na! Baka lasunin mo pa ako!" Akmang pabalibag na isasara ni Maurice ang pinto ngunit napigilan niya.
"Please, give me chance, Maurice! Walang lason iyon at ipinagluto kita dahil gusto ko na rin humingin ng tawad sa ginawa ko sa'yo kanina." Ipinakita niya rito na may sensiridad sa kaniyang sinasabi.
Kalaunan ay pinagbigyan din siya ni Maurice sa kaniyang alok. Lumabas ito ng kaniyang silid at sumunod sa kaniya patungong kusina. Pagdating nila roon ay pinaghila niya pa si Maurice ng upuan at magkaharap silang dalawa na sabay kumain.
Tahimik silang kumain hanggang sa hindi na siya nakatiis at siya ang unang nagsalita.
"I'm sorry, Maurice!" mahina niyang sambit.
Huminto sa pagkain si Maurice at tumingin sa kaniya.
"Sana totoo ang sinasabi mo! Tayong dalawa lang ang narito sa isla, kaya 'di ba dapat magkasundo tayong dalawa? Kasi sakaling may mangyari sa atin dito, ang isa't isa lang ang mahihingan natin ng tulong," ani ni Maurice.
"Makakaasa ka na hindi na iyon mauulit..." pagtitiyak niya rito.
"Salamat kung totoo iyang sinasabi mo. Sa ginawa mo alam kong malaki ang galit mo sa mga kabit, pero sana i-set a side mo muna iyon sa akin ngayong ako lang ang kasama mo sa lugar na ito. Bigyan natin ang isa't isa na makilala pa. Masakit sa akin na tinatawag akong kabit at maruming babae, pero lahat ng ito ay may malalim na dahilan. Hindi ko pinasok ang ganitong sitwasyon para gawing katuwaan lang," mahabang paliwanag niya.
Sa sinabi ni Maurice ay may pumasok sa isip niya. Hindi kaya tinadhana na makilala niya si Maurice upang mapakinggan niya ang panig ng isang kabit? Naging mas interesado siya tuloy na makipagsundo rito. Nais niyang malaman kung bakit pinasok nito ang ganitong bagay. Samantalang mukhang mayaman ito at malayo pa ang mararating nito kung magpukos sa pangarap dahil bata pa. Mukhang nasa bente singko pa lang ang edad nito.
Isa pa, pwede niya ring maunti-unting ipaintindi kay Maurice na mali itong sitwasyong pinasok. Baka siya pa ang magiging dahilan upang lumayo ito sa ninong niya habang hindi pa nasisira ang sarili nitong pamilya.
"Sige, hayaan natin na makilala ang bawat isa," wika niya.
"Deal!" Iniatang ni Maurice ang kamay at nagkamayan silang dalawa.
Natapos silang kumain at inutusan niya si Maurice na maghugas ng kanilang pinagkainan. Pumayag naman si Maurice at niligpit ang kanilang pinagkainan.
"Where is the dishwasher machine?" tanong ni Maurice sa kaniya.
"We don't have that here! You do it manually," tugon niya.
"What? Hindi ako marunong maghugas using sponge!" Kung maka-react itong si Maurice ay tila katapusan na ng mundo. Maghuhugas lang naman ng plato at mga ginamit niya sa pagluluto kanina.
"Okay, tuturuan na lang kita." Tumayo si Julius sa gilid ng lababo at sinabihan si Maurice na sundin kung ano ang sinasabi niya.
Palihim siyang natawa habang naghuhugas dahil ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng hindi marunong maghugas. Kung hindi pala ito marunong maghugas ng pinagkainan mas lalong hindi ito marunong maglaba.
"Hindi ka ba talaga marunong maghugas? Kahit sa bahay ninyo hindi mo pa nasubukan na hugasan kahit iyong basong pinag-inuman mo? O pinagtitripan mo lang ako?" aniya.
Umiling si Maurice. "Hindi talaga!"
"Dapat kang matuto kahit sa simpleng bagay lang," nasabi niya.
"Maglinis lang ng buong bahay ang alam ko," sabi ni Maurice.
"Tuturuan kita rito. Hindi sa lahat ng oras may katulong ka sa tabi mo. Gaya nito, siguro hindi mo inasahan na makakapunta ka sa lugar na ito kung saan wala kang mautusan." Ramdam niyang unti-unti nang nabubura ang galit nito sa kaniya dahil maayos na itong nakikipag-usap sa kaniya.
Sa mga oras na itong malapit siya kay Maurice ay napagsawaan niyang titigan ang mukha nito. Masasabi niyang mas maganda ito kay Danica pero hindi naman ibig sabihin na gusto niya ito. Aminado siyang nabuhay ang p*********i niya nang makita ang kabuuang katawan nito pero normal lang iyon dahil lalaki siya.
Hindi si Julius ang tipo ng lalaki na magkakagusto agad sa babae dahil lang sa nakita nito na maganda ang katawan. Tapat ang pagmamahal niya kay Danica. Hindi niya kayang lokohin si Danica kung kaya't maraming tukso man sa paligid niya ay nagawa niyang lagpasan.
Matapos maghugas ni Maurice ay inaya niya ito sa sala. Doon nila sinimulan ang getting to know each nila upang mas makilala niya pa ito. Malaki lang ang ipinagtataka niya dahil sa bawat pagsagot ni Maurice sa mga tanong niya ay tila pinag-iisipan nito.
Hanggang sa humantong ang tanong niya kung paano sila nagkakilala ng Ninong niya ay tila nililihis nito ang usapan. Sa huli ay umiwas ito at nagpaalam na pumasok sa loob ng silid nito. Aayusin at ilipat pa raw nito ang mga damit sa closet nito.
"Basta kapag kailangan mo ako nandito lang ako," tanging nasabi niya bago siya tinalikuran nito.
Sa araw-araw na makakasama ni Julius si Maurice sa islang ito ay umaasa siyang magagawa niya ring ilayo ito sa ninong niya. Darating ang araw na iyon na mahimasmasan ito sa maling pakikiapid sa ninong niya.
Nandoon kasi iyong takot niya na maranasan ng mga anak ng ninong ang naranasan niya. Kung tutuusin wala naman siyang pakialam doon pero ang sa kaniya lang ay ayaw niyang may masirang pamilya. Ayaw niyang may lumaki bata na hindi buo ang pamilya. Lalo na kapag ito ay malalapit pa sa kaniya.
Ngayong buo pa ang pamilya ng ninong niya ay siya mismo ang gagawa ng paraan dahil may pag-asa pang maagapan ang pagkasira ng pamilya nito. Isa pa, nanghihinayang din siya kay Maurice. Bata pa ito at sa tingin niya hindi pa nito gaanong naiintindihan ang sitwasyong pinasukan. Ilalayo niya ang loob ni Maurice sa ninong niya at gagawin niya iyon sa matinong paraan.