CHAPTER 5: Julius POV

1609 Words
SA WAKAS nakarating na rin si Julius sa bahay ng kaniyang girlfriend na si Danica. Maghigit isang linggo rin ang lumipas bago siya muling makabisita dahil sa pagiging abala niya sa negosyo. Mabuti na lang nakahanap siya ng pagkakataon upang mabisita ang kaniyang girlfriend at makasama ito ngayon hanggang sa susunod na mga araw. Naiparada na nang maayos ni Julius ang kaniyang sasakyan at heto siya ngayon nasa tapat na ng pintuan. Mag-isa lang si Danica sa bahay na ito ngunit hindi naman ito natatakot dahil katamtaman lang ang laki ng bahay. Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang ni Danica at wala naman itong mga kapatid kaya’t wala itong kasama. Isa pa, si Danica ay ang tipo ng babaeng gusto laging mag-isa at siya lang ang kailangan nito. Siya lang sapat na para rito. Siya lang masaya na ito. Hindi na nag-abala pang mag-doorbell si Julius dahil mayroon naman siyang duplicate key. Nang mabuksan niya ang pinto ay dere-deretso siyang pumasok sa loob at inikot ang paningin sa buong bahay. Tahimik lang sa loob na para bang walang tao. “Wifey?” tawag niya kay Danica. Iyon ang tawag niya dahil parang asawa na niya ito kung ituring at tanging kasal na lang kulang sa pagitan nilang dalawa. Patuloy ang pagtawag niya kay Danica at dumeretso sa kusina. Subalit walang tao roon maging sa isang bakanteng silid sa ibaba. Tinungo niya ang hagdan paakyat sa itaas na parte ng bahay at inuna niyang tingnan ang kwarto ni Danica ngunit pa ring tao. Isang kwarto na lang ang hindi natitingnan ni Julius at sigurado siyang nasa loob niyon si Danica. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at sumalubong agad sa kaniya ang nakakabinging tugtog na Love me like you do ni Ellie Goulding. Kaya pala hindi siya naririnig ni Danica at kahit ngayong nabuksan na niya ang pinto ay wala pa rin itong kamalay-malay. Nang makita niya si Danica sa loob ng silid na iyon ay sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi. Ito ang unang beses niyang makitang naka-topless si Danica at tanging seamless panty lang ang suot. Isang magaling na pole dancer si Danica. Noong mga panahong nag-aaral ito ay dumadayo sa ibang bansa upang lumaban sa mga pole dancing competition at ilang beses ding nanalo. Ngayong nagkaedad na si Danica at nakapagtapos ng pag-aaral ay nagtuturo na ito sa mga gustong matuto kung paano mag-pole dancing. Maliban sa pagturo ng pole dancing ay si Danica ang namamahala ng gym na siyang negosyo ng mga magulang nito rito sa Pilipinas. Doon niya ito nakikilala dahil palagian ang pagpunta niya rati sa gym na iyon. Siya naman ay namamahala ng kaniyang security agency kaya pareho silang abala sa araw-araw at minsan na lang talaga kung magkita. Subalit kahit wala man silang oras sa bawat isa ay nanatiling matibay ang kanilang relasyon na ngayon ay pitong taon na. Napaka-graceful sumayaw ni Danica. Ang gandang panoorin kung paano umiikot ang katawan nito sa tubong nakatayo sa gitna ng silid na iyon. Dumagdag pa na topless itong sumasayaw kaya’t kitang-kita ang magandang hubog ng katawan na masasabi niyang pag-aari na niya. Sa nakikita niya ngayon ay masasabi niyang napakaswerte niya sa babaeng ito. Patuloy lang ang panonood ni Julius kay Danica. Nang matapos si Danica ay dahan-dahan siyang lumapit at tinakpan ng dalawang palad ang mga mata nito. Nagulat si Danica at pilit na tinatanggal ang mga kamay niyang nakatakip sa mga mata nito. “Sino ito? Hubby, ikaw ba ito?” tanong ni Danica sa malambing na tono. Sa pagkakataong iyon ay tinanggal ni Julius ang mga kamay na nakatakip sa mga mata ni Danica at pinaharap niya ito. Halos napatalon si Danica nang makita siya at hinalikan siya sa labi. Hindi kasi alam ni Danica na pupunta siya ngayon sa bahay nito. Ang sabi niya ay may mahalaga siyang aasikasuhin pero ang totoo ay balak niya talaga itong sorpresahin. “I miss yo so much, wifey!” Niyakap niya si Danica nang mahigpit. “I miss you too… Akala ko ba may aasikasuhin ka, hubby?” ani ni Danica. “Biro ko lang iyon, wifey,” nakangiting tugon niya. Inaya siya ni Danica na lumabas sa silid na iyon para makapagbihis na ito. Pagpasok nila sa loob ng kwarto ni Danica ay kapwa silang nagbihis dahil nagpalit din siya ng pangbahay na damit. “Hubby, what do you want for dinner later? Ipagluluto kita,” ani ni Danica. “Magpa-deliver na lang tayo ng dinner ayaw ko kasing mapagod ka sa pagluluto. Ilaan mo na lang lahat ng lakas mo rito sa bed mamaya.” Hinagod niya ang mga palad sa malinis na kobre-kama. Dahil sa sinabi niya ay kinurot siya ni Danica ng mahina sa kaniyang pisngi. Hinila niya si Danica kaya’t napaupo ito sa kama. “Maaga pa, hubby!” reklamo ni Danica. “I don’t care!” sabi niya. “Ang kulit mo!” Tinapik ni Danica ang mga palad niyang napagpupumilit pumasok sa loob ng maluwag na t-shirt na sout nito. “Sorry, wifey! Nami-miss lang talaga kita.” Hinalikan niya ang noo ni Danica. “Talaga bang na-miss mo ako? Akala ko nga may ibang babae ka na dahil minsan mo lang ako kung bisitahin!” nagtatampong boses ni Danica. “Anong babae? Naku, hindi ko magagawang magloko sa’yo, wifey!” saad niya. May katotohonan ang sinasabi ni Julius. Sa loob ng pitong taon na relasyon nilang dalawa ni Danica, kailaman ay hindi niya nagawang magloko o magsinungaling man lang. Kahit kailan ay hindi siya gumawa ng kahit anong ikakasira ng tiwala ni Danica. Si Danica ang kauna-unahang babaeng minahal niya at ito na rin ang hinihiling niyang makasama habang buhay. Ibinigay niya ang isangdaang porsyentong katapatan, tiwala at pagmamahal kay Danica. “Totoo ba iyan? Wala ka bang ibang babaeng sinakay sa kotse mo?” tanong ni Danica. Ngumisi siya. “May babae akong tinulungan, wifey.” pag-amin niya. Tiningnan siya ni Danica ng masama. “Sabi ko na eh!” “Huwag ka munang magalit… Pakinggan mo muna ang paliwanag ko, wifey. Hindi talaga ako magsisinungaling sa’yo kaya sinasabi ko ito.” Hinawakan niya ang kamay ni Danica upang hindi ito makaalis sa tabi niya. “At anong ipapaliwanag mo?” May halong pagseselos na ang boses ni Danica. “Kanina lang iyon nangyari bago ako pumunta rito, wifey. Galing ako kina James at nadaanan ko siya. Tapos nagtanong siya sa akin kung saan siya makakasakay ng taxi papuntang mall, ayon sinabi kong madalang lang ang taxi na pumapasok doon na totoo naman talaga. At since, mabait ang lalaking mahal mo ay inalok ko na lang siyang sumakay sa kotse ko at ihatid ko na lang siya sa mall dahil madadaanan ko rin lang naman bago pumunta rito.” mahabang paliwanag niya. Masama pa rin ang tingin ni Danica kaya’t pinisil niya ang baba nito. “Maganda ba siya?” tanong ni Danica. “Yes, wifey!” rektang sagot niya. “Maganda siya pero balewala naman iyon sa akin dahil ikaw talaga ang babaeng pinakamaganda sa paningin ko.” Narinig niya ang hingang-malalim ni Danica. “Wifey, just trust me dahil hinding-hindi kita lolokohin kahit kailan. I can keep myself away from temptation. Ikaw lang ang nag-iisang babae sa buhay ko at napatunayan ko iyan sa’yo sa loob ng pitong taon.” Hinalikan niya ang labi ni Danica at niyakap ito ng buong higpit. “I love you,” bulong pa niya. “I love you too…” pabulong na tugon ni Danica. Tumayo si Julius at kinuha ang kaniyang cellphone upang makapagpa-deliver sila ng kanilang hapunan. Pinapili niya si danica sa gusto nito dahil pili lang ang kinakain nito upang mapanatili ang magandang katawan. “Ikaw na bahala, hubby. Alam mo naman ang ayaw at gusto ko.” ani ni Danica at inaya siyang bumaba muna sa sala. “Mauna ka na sa baba, wifey. Susunod na lang ako pagkatapos kong maka-order.” wika niya. Naiwan si Julius sa loob ng silid ni Danica. Ini-order at binayaran niya ang kaniyang napiling pagkain para sa kanilang hapunan ni Danica. Nang akmang tatayo na siya upang puntahan si Danica sa sala ay bigla niyang naalala ang mukha ng babaeng napakilalang Maurice. Nagandahan nga siya sa babaeng iyon ngunit parang na-turn off siya nang makitang marumi ang kuko. Sa totoo lang nandidiri siya nang makipagkamay ito sa kaniya kanina. Pilit niyang binura sa isip ang babaeng iyon dahil hindi naman niya kaano-ano at pinuntahan si Danica sa may sala. Pagdating niya sa baba ay nakaupo si Danica sa sofa at kausap na ang mga magulang nito sa laptop. Agad siyang lumapit kay Danica at kinumusta ang mga magulang nito. “Tita, iyong anak mo po ayaw pang magpakasal sa akin.” pabirong sumbong niya. “Ayaw naming makialam tungkol diyan. Kayo na lang ang mag-usap.” taas-kamay at nakangiting sabi ng ina ni Danica. Matagal nang inaaya na magpakasal ni Julius si Danica subalit tumatanggi ito dahil hindi pa raw ito handa. Hindi niya naman ito magawang pilitin dahil nererespito niya ang desisyon ni Danica. Makakapaghintay pa naman siya at batay sa kanilang edad ay mukhang maaga pa upang bumuo sila ng pamilya. Magpapakasawa na lang muna sila sa buhay na wala pang responsibilidad upang mas maging handa kapag dumating na sa puntong bubuo na sila ng pamilya. Sa kalagitnaan ng pakikipag-usap nila sa magulang ni Danica ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Nang tingnan ni Julius kung sino ang tumatawag ay nakita niya ang pangalan ng ninong nito sa screen ng kaniyang cellphone. Tinapik niya si Danica sa balikat at sumenyas na lalabas muna siya upang sagutin ang tawag dahil baka importante iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD