bc

I'm Inlove With The Prostitute

book_age18+
352
FOLLOW
1.5K
READ
billionaire
HE
sensitive
mafia
tragedy
bxg
mystery
loser
campus
war
addiction
assistant
like
intro-logo
Blurb

Isang mamahaling club na pag-aari ni Timothy Cultural na isang kilalang pinakamayan sa buong mundo sa edad na bente syete.Maraming negosyo ang pamilya nito at lingid sa kaalaman ng karamihan ay ito ang nag-iisang prinsipe ng makapangyarihang Mafia sa buong mundo.Wala ni kahit sino ang pwedeng bumangga rito,siguradong sa kabaong ang bagsak mo.

Isa lamang ang Club Cultural na pag-aari ng angkan nito na sikat sa buong Pilipinas at dinadayo ng mga sikat sa personalidad.Pagpasok mo lamang sa club ay mahahalata mo na ang pagiging class nito at ang pumupunta rito ay purong ga naka Amerikana pa na halatang galing pa sa opisina at dumaan lamang rito upang aliwin ang sarili.

Dito nagtatrabaho si Letecia De Guzman,isang dancer ng club sa gabi at isang waiter ng isang restaurant sa umaga.Lingid sa kaalaman ng karamihan na isa syang heredera ng De Guzman Realty.Naglayas ito dahil hindi niya gusto ang pamamalakad ng kanyang lolo.Patay na ang kanyang mga magulang na parehong nasawi sa plane crash papuntang Mindoro upang makipagmeeting sa mga kasosyo nito sa trabaho doon.

Dito sa club na ito nakilala ni Letecia ang among lalaki na si Timothy. Naging sunud-sunuran siya rito kahit anong gusto nito.

Tunghayan natin ang pagmamahalan nina Timothy at Letecia.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Letecia POV Unang araw ng trabaho ko sa isang mamahaling club bilang club dancer. Isa akong dancer ng club na pagmamay-ari ng isang bilyonaryong si Timothy Cultural.Hindi ko pa ito nakikita sa personal ngunit alam ko at ng karamihan ang katauhan nito.Isa itong sikat na businessman sa edad sa bente syete.Ang Club Cultural ay isa lang ito sa naging negosyo nya.Ang mga pumupunta rito ay mga sikat na personalidad na gustong magrelax at mag-inom. Ako nga pala si Letecia De Guzman,ang nag-iisang heredera ng De Guzman Realty.Naglayas ako sa amin dahil ayaw ko sa mga gusto ni lolo.Gusto nya akong ipakasal sa isang business partner nito na ni hindi ko pa nakikita kahit minsan.Isa akong club dancer sa Club Cultural sa gabi at isang waitress sa isang restaurant sa umaga.Ganun ehh,kailangang kumayod para mabuhay.Ayaw kong bumalik sa poder ni lolo.Pinasuspende din nya lahat ng ATM at credit cards ko.Dito ko makilala ang nag-iisang lalaking minahal at binigyan ng aking sarili.Naging sunud-sunuran ako sa lahat ng gusto nito. "Girl,okay ka lang ba?First time mo bang sumayaw sa club?" Tanong ng isang kasama kong club dancer din. "Ou ehh, hindi ko nga alam kung kaya ko tong trabahong to." Mahinhing sabi ko sa kanya. "Kaya mo yan, pero teka,mukha ka namang mayaman ehh,tingnan mo nga yang skin mo,halatang pangmayaman." Sabi pa nito sa akin. Hindi na lamang ako nagsalita pa,yumuko na lamang ako,hindi nila kailangang malaman na galing ako sa isang mayamang angkan.Hindi nagtagal,sumalang na ako.Turn ko ng sumayaw sa gitna ng entablado. Medyo nahiya pa ako sa suot kong bikini na sobrang daring. Pag-akyat ko pa lang, ramdam ko na ang mga titig ng mga kalalakihan sa akin.Ramdam ko rin na may matang nakasubaybay sa akin,pasimple kong nilibot ang aking mga mata sa mga taong nasa paligid ngunit wala akong makita.Feeling ko ilang segundo mamatay na ako dito sa sinasayawan kong entablado,ngunit hindi ko alam kung sino ang taong iyon.Sumayaw na lamang ako hanggang sa matapos at bumaba at dumiretso sa likod ng stage. "Let, may gustong kumausap sa iyo.Ang boss natin." Sabi ng manager namin,nakaabang na pala ito sa aking pagbaba sa stage kung saan ako nagsasayaw. Kinabahan ako bigla,sino ba naman ang hindi kabahan kung unang araw mo pa sa iyong trabaho ay pinatawag kana agad ng amo mo. "Bakit po ma'am?May nagawa po ba akong kasalanan?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Tumawa lamang ito at umiling. "Wala naman, pero ako rin ay nabigla ehh,kasi ngayon lang to nangyari na may pinatawag si boss na dancer natin.Baka type ka nya.Alam mo bang single pa yan si boss."Madaldal na sabi nito sa akin. "Magbibihis na muna ako ma'am,saglit lang po." Sabi ko na lamang rito. Nagmamadali na akong magpunta sa locker ko at nagbihis.Sumunod na lamang ako agad sa aking manager.Hinatid nya ako sa isang kwarto na puro salamin ang dingding. Ito ang opisina ng aking amo. "Ikaw na ang pumasok ha,aalis na ako." Paalam nito sa akin. Tumango na lamang ako rito.Abot-abot ang kabang naramdaman ko sa mga oras na yon.Alam at kilala ko ang personalidad ng aking boss kahit hindi pa kami nag-uusap personally.Kumatok muna ako bago ko pinihit ng marahan ang pinto at pumasok. "Good evening po sir." Mahinang sabi ko rito. "Good evening, your Letecia Guzman right?" Tanong nito sa akin. Yes Letecia Guzman lang ang alam nilang pangalan ko rito.Ayaw kong dalhin ang buong apelyedo ko,ayaw kong malaman nila kung sino ako. "Yes po sir." sagot ko rito. "Cut the formality Letecia,come here and seat." Sabi nito sabay turo sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa. Napakagwapo naman pala talaga nito sa personal,makalaglag panty ang kagwapuhan nito ngunit parang nangangain ng tao kung paano ito tumitig.Ramdam ko ang nginig ng aking buong katawan.Dahan-dahan akong pumunta sa upuan sa harap ng kanyang mesa at umupo. "By the way,your new dancer?" Tanong nito sa akin. "Yes sir." Maikling sagot ko naman. "You look familiar but never mind." Sabi pa nito. Nahimasmasan naman ako,akala ko kilala na nya ako,so far naman hindi pa ako lumabas in public.Ayaw kong pagpyestahan ng madla. Nag-usap lang kami saglit, iniinterview nya lang ako lahat-lahat.Naging smooth ang pag-uusap namin at hindi nagtagal ay lumabas na ako sa kanyang opisina.Nabigla naman ako ng pagdating ko sa locker andon pala ang manager namin nag-aabang sa akin. "Let,okay ka lang?Bakit para kang nakakita ng multo?" Nagtatakang tanong nito sa akin. "Wala po ma'am,nabigla lang po ako sa inyo,akala ko kasi walang tao dito." Sagot ko naman sa kanya. "Inabangan talaga kita rito,makikichismis lang ako kung ano ang pinag-usapan ninyo ni sir,hehehehe." sabi nito sa akin. "Naku ma'am,chismosa ka pala?hehehehe." Sabi ko rito. Akala ko kasi napakastrikta nito,chismosa rin pala. "Ou,naintriga lang kasi ako kung ano ang rason kung bakit ka pinatawag." Sabi pa nito sa akin. "May mga tinatanong lang naman sya sa akin,kumbaga parang iniinterview lang niya lang ako." Sagot ko naman sa kanya. "Okay,akala ko kung ano na,alam naman nating lahat kung gaano kabangis ang ating amo.Nag-alala lang ako." May pag-alalang sabi nito sa akin. "Naku,huwag na po kayong mag-alala ma'am,okay lang naman ako.Tsaka kita nyo naman pong okay lang ako diba?" Sabi ko rito para mawala ang pag-alala nito sa akin. "O siya sige,maiwan na kita at ng makauwi ka na rin. Kung may problema sabihan mo lang ako." Sabi nito sa akin. "Maraming salamat po mam." Sabay tango ko rito. Umalis na ito agad sa aking harap.Kinuha ko na lamang ang aking mga gamit sa locker at umwi na.Madaling-araw na at kailangan ko pang matulog kahit ilang oras lang dahil may pasok pa ako mamaya sa restaurant bilang waitress. Pagdating ko sa king inuupahang kwarto na maliit na makikita mo sa squaters area ay natulog na ako agad.Sa sobrang pagod na aking nadarama.Alam nyo naman na laking mayaman ako,hindi ako sanay sa mga trabaho lalo na ang ganito.Lumaki akong may personal maid na nag-aasikaso sa akin. Gumising ako pagkalipas ng ilang oras na tulog,inasikaso ko naman ang aking pagpasok sa restaurant.Naging smooth naman ang aking pasok sa araw na iyon.Walang nangyaring masama.Buti nalang wala akong pasok tonight sa club kaya pwede akong matulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRET UNTOLD SERIES 12: YO RINGFER

read
11.9K
bc

The Masked Heart: Silver Lincoln

read
33.6K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

The Only Girl In Section Sea

read
9.8K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
105.0K
bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
145.9K
bc

Dangerous Spy

read
322.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook