Kabanata 2

1027 Words
Letecia POV Kinabukasan masaya akong nagtungo sa restaurant para magtrabaho.Maganda ang gising ko ngayon.Mataas ang naging tulog ko kagabi buhat sa day off ko sa Club Cultural.Ngunit nabigla ako ng pagpasok ko ay nakita ko ang aking manager na inaabangan ako at namumutla ito na sa ano mang oras ay mawalan na ito ng malay. "Ma'am magandang umaga po,ano pong nangyari sa inyo?May sakit ho ba kayo?Gusto nyo po bang tumawag ako ng ambulansya?" Natatarantang tanong ko rito. "Buti andito kana Let,kanina kapa tinatanong ni boss sa akin,ang init ng ulo,puntahan mo na bilis at baka tayong dalawa pa ang mawalan ng trabaho nito." Sabi nito sa akin na parang nabunutan ng tinik ng makita ako. Naguguluhan man ako ay nagpatianod na lamang,pero maraming mga tanong ang nais kong itanong sa aking manager.Hindi ko pa kasi din kilala kung sino ang may-ari nitong restaurant na pinagtatrabahuan ko.Hindi rin kasi ako nagtanong nong interview nila ako,trabaho naman kasi ang hanap ko at hindi ako nag apply rito para makichismis. Pagdating namin sa harap ng pinto ng opisina ng boss namin ay iniwan na ako ng aking manager, sobrang kaba ang aking nadarama sa mga oras ngayon.Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko bakit hinahanap ako ng boss namin.Ang dami na tuloy pumasok sa isip ko na mga tanong tulad ng nahanap na kaya ako ni lolo?Yong lalaking pinagkasundo sana sa akin ang may-ari nito?Ngunit impossible naman yon kasi ni minsan hindi pa kami nagkita ng lalaking yon. Pumasok na lamang ako sa opisina para na rin malinawan lahat ng nasa isip ko ngunit nabigla ako sa aking nakita.Hindi ako pwedeng magkamali. "Goodmorning po sir." Nanginginig na bati ko sa kanya. Sino ba naman ang hindi manginig kung si Timothy Cultural ang kaharap mo?Bakit hindi ko alam na iisa lang pala ang may-ari ng dalawang company na pinapasukan ko?Ganun ba ako ka bobo kung bakit hindi ko alam? Kahit nanginig ang aking tuhod ay pinilit kong ihakbang ang aking mga paa papunta sa harap ng mesa ni Timothy samantalang ito ay titig na titig sa akin. "Take a seat Miss De Guzman." Maikling sabi nito habang titig na titig parin ito sa aking mukha. Umupo naman ako sa silya na nasa tapat ng kanyang mesa.Kahit kinakabahan hindi ko ito pinahalata sa kanya. "Ano po ang kailangan nyo sa akin sir?" Pilit na pinatatag ang boses ko na nagtanong sa kanya. "I'm very honest to you,I want you to be my hired girlfriend." Sabi nito sa akin. Nashock ako sa aking narinig,hindi ako nakaimik,napakaprangka nito at para bang sinabi na nito na umuo lang ako sa gusto nito.Na hindi pwedeng tanggihan ang alok nito sa akin. "Pero sir....." "I don't accept no for the answer Miss De Guzman.No buts." Formal na Sabi nito sa akin. Grabi, hindi pa nga ako nakamove on sa sinabi nito,ngayon naman ayaw nya akong tumanggi?Wala ba akong karapatang umayaw?At ano daw?No buts?Kahit anong isipin ko hindi talaga nag sink- in sa utak ko ang gusto nitong mangyari. "Now go,magtrabaho ka muna." Dagdag nito. Tumayo ako at lumabas sa kanyang opisina na wala sa aking sarili.Lutang na parang ewan.Naglakad ako sa hallway papunta sa locker room na parang ako lang ang tao sa paligid. Hindi ko talaga maisip kung ano pumasok sa utak ng taong yon.Sa lahat ba naman ng babae sa mundo ako talaga ang gagawing hired girlfriend?Ang isang Timothy Cultural na hinahangaan ng lahat,pinapangarap ng lahat at maimpluwensyang tao ay ako ang pipiliin?Kung malaman ito ng mga babaeng nangangarap sa kanya ay ewan ko nalang kung ano ang mangyari sa akin.Kilala ko ang mga kababaihang naghangad na pansinin ng isang Timothy,kulang nalang makipagpatayan ang mga ito. Natauhan lang ako ng may nagsalita sa harap ko at winagayway pa ang kamay nito sa mukha ko.Ang manager ko pala.Halata sa Mukha nito ang concern sa akin. "Ano ang kailangan sayo ni sir?Hindi ka ba niya sinisisante?" Maalalahaning tanong nito sa akin. Umiling-iling lamang ako sa kanya at nagpatuloy sa aking paglakad papuntang locker.Hindi ko muna isipin yong nais na mangyari ni sir.Kailangan ko munang magpokus sa aking trabaho sa ngayon.Pagdating ko sa aking locker ay dali-dali akong nagbihis at nagsimula na sa pagtatrabaho.Medyo marami ang tao ngayon,mag eleven na rin kasi ng umaga.Bandang alas dose punuan na ng restaurant na ito,Lalo na ay nasa harap ito ng isang prostigious school na puro mga mayayaman ang nag-aaral.Nawala na sa isip ko ang sinasabi sa akin ni Timothy,naging abala na rin ako sa aking pagseserve sa mga estudyanteng kumakain.Hanggang sa matapos ang aking shift,nagpahinga lang ako saglit dahil mamayang gabi sasabak na naman ako sa pagiging club dancer ko. Papunta na ako sa Club Cultural upang magtrabaho.Pagpasok ko sa loob nakahinga ako ng maluwag ng wala akong naramdaman nakatitig.Nagsimula na akong magsayaw.Ngunit bakit parang hinahanap-hanap ko ang presensya ni Timothy.Hindi ko alam kung bakit.Nagpatuloy lang ako sa aking pagsasayaw ng lumipas ang ilang oras ay nagbreak na ako.Kumain ako ng snacks sa aking locker.Nagdala lang naman ako ng biscuits.Kailangang magtipid,kahit maliit lang inuupahan ko gastos parin yon,pagkain ko pa at ibang mga personal hygiene. Paglipas ng ilang sandali bumalik na ako sa entablado at sumayaw ulit.Doon naramdaman ko na ang mga matang nakatitig sa akin na hindi ko alam kung saan nanggaling.Pinabayaan ko na lamang iyon.Sumayaw lang ako hanggang sa matapos ang aking shift. Sobrang nakakapagod ang buong araw na iyon.Maraming mga mayayaman mga kalalakihan ang gusto akong itable ngunit hinindian ko lahat,club dancer lang ang pinirmahan ko,wala doon na pwede akong itable ng kahit na sinong lalaki kahit isang hari pa iyon. Pagdating ko sa kwartong inupahan ko,nabigla ako ng binuksan ko ito.Ang daming nakaplastic na groceries.Tiningnan ko ito lahat at sosyal,halos bente mil lahat ang laman nito at pawang mga mamahalin. Tiningnan ko ang nakita kong note sa gilid. For you my hired girlfriend,kumain ka ng marami at magpaganda,I'll pick you up tomorrow at 9pm,may pupuntahan tayo. TC Paano nito nalaman ang aking tirahan?Paano ito nakapasok?Kinakabahan ako sa aking mga naisip. So totoo talaga ang aming napag-usapan kahapon,hindi ko lang guni-guni iyon.Seryoso talaga ang mokong na iyon. Nagbihis na lamang ako at inayos ang mga groceries.Makakatipid ako nito ng ilang buwan.Makakaipon na rin ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD