Timothy POV
Unang kita ko pa lang sa bagong dancer ng club ko ay parang nahipnotismo ako sa kanyang ganda.At parang familiar rin ang kanyang mukha pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita.Kaya inoferan ko ito na maging hired girlfriend ko.Hindi naman talaga kailangan yon,gusto ko lang talaga syang makilala at makasama.Ganun ako eh,kapag gusto ko ang isang tao o bagay ay makukuha ko talaga.Hukay ang kahihinatnan ng mga taong umayaw sa akin.Ganun ako kasamang tao at wala akong pakialam.
Ako nga pala si Timothy Cultural,ang tawag sa akin ng mga tauhan ko ay Lord Timothy.Isa akong hari ng mafia world.Ilan lang ang nakakaalam nito, bawal itong malaman ng karamihan dahil nanganganib ang aming buhay.Marami kaming mga kaaway sa loob at labas ng mafia world especially yong mga kasangga namin sa business.Kaya ingat na ingat ako pero wala akong kinatatakutang tao.Sisiw lang sa akin ang pumatay ng tao.Ganun ang rules ehh,kailangan matapang lalo na ako ang hari ng mafia world.
Ang kinatatakot ko lang kung madamay ang pamilya ko.Kaya pinalabas ko na sila sa bansa.Ako nalang ang andito sa Pilipinas.Kaya ko naman ihandle lahat ng mga businesses namin around the world.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmamasid a
kay Letecia na sumasayaw sa entablado ng tumawag sa akin ang isa sa aking mga tauhan.Kailangan ako sa headquarters which is nasa underground lang nitong club.Ang Club Cultural ay isa itong headquarters namin,tinayo ko ito at ginawang club para safe.Para hindi malaman ng mga kalaban na ito ang tinataguan namin.
"Anong Balita?" Masungit at pasinghal na tanong ko sa aking tauhan habang nakaupo ako sa aking upuan sa headquarters.
"Ang kabilang panig Lord may plano silang pataubin tayo.May mga plano rin silang sumalakay sa atin."Sagot ng isang tauhan ko na si Gabriel Fiel.
SI Gabriel Fiel ay isa sa mga tauhan kong loyal sa akin.Ito rin ang ginawa kong kanang kamay.Simula pa sa mga magulang nito ay naglilingkod na ito sa aming angkan hanggang sa naipasa sa akin ang trono sa pagiging hari ng mafia world.
"Okay sabihan mo ang mga tauhan natin na palaging handa.Anytime susugod ang mga kalaban.Gab protect my girl."Utos ko dito.
Nangunot naman ang noo nito at halatang naguguluhan kung sino ng tinutukoy ko.
"The girl named Letecia Guzman.Our new club dancer." Sabi ko dito.
Tumango naman ito sa akin at nakapaslit ang ngiti nito sa labi na para ba itong nanunukso sa akin.
"Enough that smile or else I'll kill you!" Pagalit kong singhal dito.
"I can't say anything Lord." Sabi nito sa akin na tinaas pa ang dalawang kamay,pinakitang surrender na ito.
Wala akong lingong likod na umalis sa underground at bumalik sa aking opisina.Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.Gusto kong palagi itong makita. Hindi ako naging ganito sa ibang mga babae.Para sa akin laruan lang ang mga babae.Pero iba ang hatak ni Letecia sa akin.Napakainosente kasi nitong tingnan.Napaka angelic ng mukha nito na hindi nakakasawang titigan.
Pagdating ko sa aking opisina ay nagsisimula a itong sumayaw.Ang ganda nitong tingnan,ang swabeng gumalaw at hindi mo makikitaan ito ng nerbyos sa mukha.Halatang sanay itong sumayaw sa maraming tao.Maganda naman kasi ang rules dito sa club ko.Hindi pwedeng galawin ang mga empleyado ko.Kahit na mga dancers,tao parin sila na marangal na naghahanapbuhay.
Pagkatapos ng shift nito ay lihim ko itong pinasundan sa isa sa mga tauhan ko.Ni Gabriel.Wala akong tiwala sa iba maliban sa kanya.Para na itong kapatid ko.Bata pa lang kami ay magkasama na kami at naging magkaibigan.Magkababata kami.Sabay kaming lumaki at pumasok sa mafia world.Nanumpa ito na maging tapat sa akin hanggang sa kamatayan.
Kailangan kong protektahan si Letecia kasi ginawa ko na itong hired girlfriend.Kapag malaman ito ng aking mga kalaban tiyak na ito ang pupunteryahin dahil ito ang kahinaan ko.Kaya gagawin ko ang lahat maprotektahan lamang ito.
Maya-maya lang ay tumunog ang aking cellphone na nasa bulsa ng aking pantalon.
"Yes Gab,anong balita?Nakauwi ba ng maayos si Letecia?" Tanong ko agad pagkasagot ko sa tawag ni Gabriel.
"Yes Lord Tim,pero may namataan akong tao na umaaligid dito." Sagot nito sa akin.
"Imbestigahan mo kung sino ang lalaking iyan.Kung kaaway ba natin yan o hindi." Sabi ko dito sabay baba sa cellphone.
Napaisip ako kung sino ang taong umaaligid sa kanya.Kaaway ko kaya ito?Paano nila nalaman na connected ito sa akin?Ngayon lang ako natakot ng ganito para sa ibang tao.Paano kaya kung may mangyaring masama rito?Kaya dinial ko agad ang numero ni Gabriel.
"Ano may balita ka na ba?' Tanong ko agad sa kanya.
"Bigla nalang nawala ang lalaki Lord Tim,pero nandito parin ako medyo malayo sa inuupahan ni ma'am Letecia.Nagmamasid.Anong gusto mong mangyari sa ngayon?"Tanong nito sa akin.
"Dalhin mo sya rito sa ayaw at sa gusto nya."Sabi ko dito at binaba na ang cellphone.