Kabanata 4

1021 Words
Letecia POV Tok!Tok!Tok! Nabigla ako ng may biglang kumatok sa aking inuupahang kwarto.Wala naman akong hinihintayng bisita at lalong walang nakakaalam sa aking tinitirhan lalong lalo na ang aking lolo.Kaya tumayo na lamang ako at binuksan ang pinto.Isang lalaking matikas ang tindig at puro itim ang suot.Bigla akong kinabahan.Ngunit hindi ko ipinakita rito. "Yes?Anong atin sir?"Tanong ko rito na pilit pinatatag ang tinig. "My Lady" Sabay yukod. Kumunot ang aking noo,bakit nya ako tinawag na my lady?Hindi ko nga ito kilala.Ou nga at mayaman ang aking angkan ngunit hindi naman umabot na ganito ang tawag ng mga tauhan namin sa akin. "Nagkakamali ka ata sir." Naguguluhang sabi ko sa kanya. "Pinapasundo ka ni Lord Timothy my lady."Sabi nito na may nakapaslit na ngiti sa labi na pilit na tinatago. Doon ko lang napagtanto.Tama, si Timothy,siya lang naman ang may kakayahan na alamin ang lahat.Pati kung saan ako nakatira.Sa yaman pa naman nito,kahit saang lupalop pa ng mundo kaya nitong alamin. "Bakit po sir?"Kinakabahang tanong ko sa kanya. Hindi ko na talaga maiwasang kabahan.Ano na naman ang plano nitong si Tim,alam kong inalok nya akong hired girlfriend pero bakit kailangan on the spot naman ang pagpasundo nito sa akin.Tsaka kaya ko kaya maging girlfriend ng isang lalaking gaya ni Tim?Nasa ganun akong pag-iisip ng may biglang pumutok na baril malapit sa may pinto kung saan nakatayo ang lalaking sumundo sa akin.Sumigaw ako sa kabiglaan at nataranta.Pagtingin ko sa unahan nakita ko ang isang lalaking nakashade kahit madaling araw na at kumaway sabay alis.Nanginig ako sa nangyari. "Tara na my lady,hindi kana safe rito."Sabi nito at inakay na ako sa isang kotse na nasa di kalayuan ng aking inuupahang kwarto. Nagpatianod lang ako sa kanyang ginawang pag-akay sa akin.Wala ako sa sarili ng umupo sa likod ng kotse.Nanginginig parin ang aking buong katawan.Hindi ko parin naisip kung bakit may taong nagpaputok kanina?Wala naman akong atraso sa ibang tao.Tahimik lang ako sa aming byahe.Nakatulala sa kawalan.Ang daming pumapasok sa aking isip.Ngunit wala akong tapang na magtanong sa lalaking ito tungkol sa nangyari kanina.Malakas ang aking hinala na may kinalaman si Tim sa nangyari. Hindi ko namalayan,nakatulog na ako sa haba ng aming byahe.Nagising na lamang ako na nasa isang magarang kwarto na ako.Luminga-linga ako sa paligid.Ang ganda ng buong kwarto.Maya-maya lang may pumasok na isang matandang babae.Ngumiti ito sa aking ng makita akong gising na. "Ineng,gising kana pala,halika na sa baba at ng makakain kana ng umagahan.mag-aalas nuwebe na ng umaga."Masayang sabi nito sa akin. Ngumiti naman ako dito. "Sige po,susunod na lamang po ako,maliligo muna ako."Sabi ko sa matanda. Bigla naman akong napatda ng maalala na wala pala akong dalang damit kahit isa.Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip ko. "Sige ineng,maligo ka muna,maraming damit dyan sa walk in closet,sige sumunod ka agad ha?"Nakangiting sabi naman nito sa akin. Tumango ako rito at ngumiti bago pumasok na sa walk in closet.Pinasadahan ko Ng tingin ang loob ng walk in closet,halatang lalaki ang may-ari nito basi sa kulay.Itim at puti ang kulay ng loob.Binuksan ko ang closet at napatda ako sa aking nakita.Ang daming damit pang babae na purong mga bago.Nahiya naman ako ng masulyapan ko ang mga underwear na nasa gilid lang nakalagay.Inisa-isa ko ito,purong ka size ko ang mga ito.Lalo akong namula sa aking naisip. Umiling-iling na lamang ako at kumuha ng maisusuot at pumasok na sa banyo at nagsimulang maligo.Ilang minuto lang ay natapos na ako.Bumaba na ako,muntik pa akong naligaw sa sobrang laki ng bahay.Parang mansion na ito.Pagdating ko sa kusina ay nakita agad ako ng matandang babae,ngumiti ito sa akin at itinuro ang upuan kung saan ako umupo ngunit natigilan ako ng makita ko si Timothy na nakaupo na sa mesa at naghihintay sa akin.Yumuko na lamang ako at umupo na sa tabi nito. "How's your sleep?" Tanong nito sa akin na hindi man lang ako sinulyapan. Nagdadalawang-isip pa akong sumagot,hindi ko kasi alam kung ako ba ang tinanong nito ngunit kami lang naman dalawa ang narito sa mesa at kumain.Pagkatapos kasi kaming asikasuhin ng matandang babae ay lumabas na ito at hindi ko alam kung nasaan na ito ngayon. "Are you referring to me?"Kagat labing tanong ko dito. "Of course,tayo lang namang dalawa ang narito." Supladong sagot nito sa akin. Natigilan naman ako sa pinakita nitong ugali,nong nag-usap kami hindi naman ganito ito makipag-usap sa akin. "Ahm,okay naman po sir." Tipid kong sagot. Nakita ko naman itong tumango at nagpatuloy na sa pagkain.Kumain narin na lamang ako.Hindi na ako nagsalita pa kahit kating-kati na ang dila kong tanungin ito kung bakit ako narito sa bahay nya at kung may kinalaman sya sa nangyari kahapon. "After you eat,puntahan mo ako sa opisina at may pag-uusapan tayo."Sabi nito sa akin at tumayo na at umalis. Grabi naman ito,hindi man lang ako pinasagot.Hays,kaya ko kayang maging girlfriend ng isang tulad nya?Lord,ano ba talaga tong napasok ko?Kayo na hong bahala sa akin Lord.Ni hindi ko kilala ang pagkatao ni Timothy Cultural.Ou maraming mga balita nito sa social media pero alam naman nating puro kasinungalingan iyon ehh,iba ang totoong buhay. Pagkatapos kong kumain sakto naman na bumalik na ang matandang babae. "Nay,ano nga pala ang pangalan mo?" Nakangiting tanong ko rito. "Tawagin mo na lamang akong nanay Emilda ineng." Nakangiting sagot nito sa akin. Hindi na ako nagtanong pa ng kung anu-ano,naalala ko pala na kailangan kong pumunta sa opisina ni Timothy.Lumabas na ako sa dining area at luming-linga para hanapin ang opisina nya. "My lady,hinanap nyo ba ang opisina ni lord Tim?" Tanong ng isang tinig. Napatalon naman ako sa kabiglaan,luminga-linga ako at nakita ko ang lalaking sumundo sa akin kaninang madaling-araw. "Hays,akala ko kung sino na ang nagsalita bigla." Sabi ko rito at nakahawak ang aking kamay sa aking dibdib. Nakita ko naman ang pagngiti nito,gwapo rin ito,maganda ang tindig,maganda ang pangangatawan,halatang alaga sa gym. "Ou sana ehh kaso hindi ko alam kung saan yon." Tanging sagot ko na lamang sa kanya. "Sumunod po kayo sa akin my lady at ituturo ko sayo ang opisna ni Lord." Sabi nito sa akin at nagpatiuna ng umakyat ng hagdan. Nasa third floor lang pala ang opisina nito katabi nong kwartong tinulugan ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD