AWANG ang mga labi na nakatitig lang si Zia kay Lucian habang naroon ang lalaki sa kabilang side ng bar, sa mismong loob ng unit nito, at nagtitimpla ng alak. Nang sapilitan siyang isama ng binata kanina mula sa pinanggalingan nilang bar, ay doon nga siya nito dinala, sa unit nito sa Lucifer Condominium. Noong una ay nag-aalangan pa siyang pumasok sa nasabing condominium, sapagkat kahit nakainom siya ay hindi niya pa rin naman nakakalimutan kung sino ang may-ari niyon. Kung kanino iyon literal na ipinangalan. Kaya naman pala kulay gintong korona ang logo ng condominium. Totoo palang hari ang may-ari niyon. Hari nga lang ng dilim. Ngunit nang mahigpit na hinawakan ni Lucian ang kamay niya at sinalubong ng masuyong tingin ang kanyang mga mata ay napahinuhod din siya nito. Nang sabihin

