KANINA pa nakasimangot si Lucian, habang abot naman hanggang tainga ang ngisi ni Lucero. Ang akala niyang moment nila ni Yana, sa unang pagkakataon sana, matapos itong makipaghiwalay sa kanya, ay nauwi pa sa wala, nang bigla na lamang sumulpot ang tatlo sa unit niya. Ayon sa kakambal niya ay ayaw daw itong tigilan ng kapipilit ni Nicole na dalhin ito kung nasaan siya. Bumadha ang labis na pagtataka sa mukha ng dalaga nang pagdating ng mga ito ay maabutang naroon si Yana. Lalo pa at dinatnan sila ng mga ito habang nakaupo si Yana sa bar stool at nakatayo naman siya sa pagitan ng mga hita nito. Ang mga bisig niya ay naka-paikot sa baywang nito. Nakadantay naman ang mga palad nito sa dibdib niya. Abot hanggang tainga ang ngisi, na napapailing naman si Lucero sa inabutang eksena. Wari bang

