NANG makaalis ang tatlo naiiling na muling lumapit si Zia sa bar counter at naghagilap ng alak na maiinom. Pakiramdam niya ay biglang nanuyo ang lalamunan niya nang maiwan na naman silang mag-isa ng binata. Nanatili namang nakasunod sa kanya ang tingin ng binata. Wala nang laman ang basong kanina ay iniinuman niya, gayon din ang kay Mildred. At maging ang sa babaeng iyon. Pero siyempre, kahit naman may laman pa ang baso n'on ay hindi niya iyon pag-iisipan man lang na inumin. No way. Ang tangi na lamang may laman ay ang baso nina Lucian at Lucero. Whiskey ang kay Lucian, habang kulay puti naman ang kulay ng kay Lucero. Hindi niya alam kung ano ang tawag doon, pero nakita niyang tinitimpla iyon ng binata kanina. Mayroon pa iyong olives sa ilalim. Mukhang masarap. Inismiran pa niya ang

