NAGISING si Zia sa masusuyong haplos sa kanyang buhok. Kahit hindi siya magmulat ng mga mata, ay alam niya kung sino ang nagma-may-ari ng mga daliri na iyon, na gumagawa ng masarap na landas sa anit niya. "Hmm..." hindi napigilang ungol niya kahit nakapikit. Sumilay din ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Matapos ang tagpo ng nagdaang gabi sa living room ng condo unit ng binata, ay nasundan pa iyon sa ibabaw mismo ng bar counter, sa dining table, sa CR, at ang pinakahuli, kung saan paulit-ulit siyang inangkin ng nobyo, ay sa ibabaw ng malambot na king size bed nito. Kung matatawag nga ba iyong king size bed. Napakalaki ng kama ng lalaki. Kakasya yata roon ang sampung katao, nang hindi man lang magsisiksikan. Katulad ng dati, kapag magkasama sila nito ay gigising siya sa umagang p

