"HI." Kaagad na napabaling si Zia sa likuran niya nang marinig ang baritonong tinig na iyon. Sandali pa siyang natigilan at napa-awang ang mga labi nang makita ang mukha nito. Bago unti-unti ring kumawala ang pinipigil niyang paghinga nang ngumisi ito. Napapailing na muli siyang bumaling sa bunton ng mga papel na nasa lamesa niya. "Hmm... disappointed much?" Tukso pa nito sa likuran niya. Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang nakangisi pa rin ito sa kanya. Hindi siya kumibo at ipinagaptuloy lang ang ginagawa. Bumuntong-hininga naman ang lalaki at pumasok sa loob ng cubicle niya. Ipinagkrus nito ang mga braso sa dibdib at isinandal ang pang-upo sa edge ng mesa, sa gilid niya. Saglit niya itong sinulyapan, bago muling naiiling na hinarap ang ginagawa. Kahit ramdam na ramdam niy

