Six months later Sa isang public gym sa Meycauayan idinaos ang reception ng kanilang kasal. Pyestahang Pilipino ang theme dahil gusto ni Rod na maging kumportable ang mga kaibigan nito mula sa riles. At siyempre, ang mga kaibigan din nitong iyon ang isinaalang-alang nito kaya nga imbes na sa hotel gawin ang kasal ay sa mismong bakuran na lamang ng mala-mansyong bahay nina Rodelio ang seremonya. Ang mga sosyal at snob niyang tiya ay walang magawa. Napipilitang makingiti kahit na alam niyang disgusto ng mga ito ang mga bisitang taga-riles. Well, ka-sirkulo naman nito ang mama ni Rod na snob din. Ayaw na niyang kwestyunin pa ang kilos ng mga ito. Ganoon na ang ugali ng mga ito kaya hayaan na lang niya. Mabait naman sa kanya ang mama ni Rod. Iyon nga lang, hindi nito tanggap ang mga kaib
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


