23

1171 Words

“SINAGOT mo na ako, ha? Wala nang bawian,” tila batang wika ni Rod. Nasa kotse na sila at ihahatid na siya. “Pag-uwi natin sa inyo, sasabihin ko sa mama mo, sinagot mo na ako.” “Oo na nga, eh,” kunwa ay napipilitang wika niya. Alam naman niyang magmumukha lang siyang gaga kung magpapakipot pa siya gayong pumapayag naman siya na magpahalik dito. “Basta iyong promise mo sa akin, kunwari nanliligaw ka pa rin.” “Sure. Basta kapag gusto ko ng kiss, magpapa-kiss ka.” Natawa siya. “Teka nga, magkasabwat ba kayo ni Mama?” “Saan?” “Kinausap niya ako, eh. Pinagma-match niya tayo.” Kumislap ang mga mata ni Rod. “Iba na talaga ang guwapo.” At pagkuwa ay nagseryoso ito. “Actually, kinausap ko ang mama mo. Sabi ko sa kanya, gusto kitang ligawan.” “Hindi ka niya inutusan na ligawan ako?” “Hindi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD