16

1138 Words
“PARENG Rod!” salubong sa kanya ng kumpare niya. “Sabi na nga ba, eh. Wala namang ibang magdadala ng ganyan dito kung hindi ikaw, eh.” “Hindi lang iyan ang dala ko. May girlfriend pa. Huwag ninyong masyadong kakaliskisan, ha? Baka biglang umiiyak, sisikmuraan ko kayo,” pabirong banta niya. Lumigid siya sa gawi ni Scarlett. Like a true gentleman, inaalalayan niya ito sa pag-ibis sa kotse. At saka bumulong. “Huwag kang aangal, sinabi ko sa kanila na girlfriend kita.” “Bakit?” Sa pamimilog pa lang ng mga mata ni Calett, obvious namang umaangal ito. “Nababaliw ka ba?” “Ganoon din naman ang iisipin nila, eh.” At bumaling na siya sa madla. “Mga pare, si Scarlett.” “Magandang hapon, Scarlett.” Ngumiti naman ang dalaga. Ngiti na mukhang misis ng mayor sa panahon ng pangangampanya. “Magandang hapon din,” sagot nito. Lihim siyang natuwa. Marunong din naman palang makiharap si Scarlett sa mga taong mas gusto niyang kahalubilo. “Ninong! Ninong!” Napahalakhak siya nang makita ang mga bata. Parang susugod ang mga ito sa kanila. “O, huwag kayong magulo. Gusto ko nakapila,” aniya sa mga ito nang may nagsimula nang umabot ng kamay niya. Masunurin naman ang mga bata, pumila ang mga ito. “Inaanak mo ang mga batang iyan?” Gulat ang ekspresyon ni Scarlett. “Oo, lahat ng tao dito, gusto akong kumpare, eh.” Binalingan niya ang mga batang nagmano sa kanya. Hati ang atensyon ng mga iyon sa kanya at sa dalagang katabi niya. “Magmano rin kayo sa kanya. Ninang ninyo iyan.” “Ninang!” halos chorus na wika ng mga ito. At pumila rin para magmano kay Calett. Pasimpleng pinagmasdan niya ang galaw ni Scarlett. May pagkagiliw naman nitong inabot ang kamay sa mga bata. He contained his grin. As usual, marurungis ang mga bata dahil sa kalye iyon nagsisipaglaro. Tingin niya ay putik ang mismong kumukulapol sa maputing kamay ni Scarlett subalit hindi ito nagpakita ng pagkaasiwa. Ten thousand ganda points for you, Calett. Promise, hindi kita iinisin ngayong maghapon. “Mag-iinuman ba tayo, Rod?” pabirong tanong sa kanya ng isa niyang kumpare. Ngumiti lang siya. “Teka lang, itatanong ko muna sa darling ko. Baka hindi siya papayag, eh.” Bumaling siya kay Calett. “Puwede ba kaming uminom, honey?” Ngumiti din si Calett. Isang milyong ganda points na ang ibibigay sana niya dito kung hindi lang niya narinig ang sagot nito. “Puwedeng-puwede naman, sweetheart. Basta ba ako na ang magmamaneho pauwi, eh.” Kung hindi lang siya tinawag ni Calett na sweetheart—kahit na nga ba pakiki-ride on lang iyon sa mga sinabi niya ay babawiin na niya ang lahat ng ganda points na ibinigay niya dito. Pero naisip din niya, Calett was a winner. Nagawa nitong sabihin ang pagtanggi sa hindi direktang paraan. Bumaling siya sa mga kumpare. “Tsk! Paano ba iyan? Gentleman ako sa love ko, eh. Hindi yata ako papayag na ako ang ipagmaneho niya. Next time na lang tayo uminom. O kaya, uminom tayo pero soft drinks!” Mayamaya pa, mga misis naman ng mga iyon ang naglabasan. Siyempre pa, ang tensyon ay kay Scarlett nakatuon. Proud na proud na ipinakilala niya sa mga kumare niya ang dalaga. “Kailan naman ang kasalan, Pareng Rod?” wika ng isang kumare niya na kilalang matabil. “Hayaan ninyo, malalaman ninyo rin.” “Naku! Malamang ay hindi kami makadalo. Tiyak na puro mayayaman ng bisita ninyo.” “H-hindi. Kumbidado rin kayo siyempre.” Kulang na lang ay matanggal ang ulo niya sa kanyang leeg sa bilis ng paglingon niya sa dalaga. Parang hindi niya gustong maniwala na ito ang nagsalita. Pero tama ngang narinig niya. Dahil lalo nang bumaling kay Calett ang interes ng mga misis. Limang minuto pa ang lumipas at mukhang close na ito sa lahat ng mga babae doon. “SO KAILAN ang kasal natin?” ngingiti-ngiting wika niya nang pauwi na sila. “Anong kasal?” asik sa kanya ni Calett. “Aba, ikaw itong nangumbida pa sa mga kumare ko—na kumare mo na rin dahil narinig ko “Mare” na mga tawagan ninyo.” Umungol ito. “Hoy, Rod, tumigil ka riyan. Marunong lang akong makiharap sa tao, ‘no? Asa ka naman diyan. Magpakasal kang mag-isa mo. Magpapakamatay na lang ako kaysa magpakasal sa iyo!” “Sobra ka naman! Hoy, baka hindi mo alam, maraming umiibig sa gandang lalaki kong ito.” “Puwes hindi ako kasali dun!” “Talaga, ha? Halikan kaya kita uli?” Anyong kokontra na naman si Scarlett nang matigilan at pagkuwa ay napangisi. “Why not?” Siya naman ang natigilan. “Puwede?” parang gustong mag-unahan sa pagkulo ang dugo niya dahil sa umahong excitement. “Basta ibang style naman. I-ibig kong sabihin, iyong sinasabi nilang bone-melting kiss.” Lumipad ang kaligayahan niyang muling matikman ang mga labi nito. “Sabihin mo nga sa akin, Calett, bakit ba trying hard na trying ka na matutong makipaghalikan? Para kang naghahabol maging first honor sa eagerness mo.” “Bakit masama bang matuto?” “O iaaplay mo sa iba?” prangkang tanong niya. Ang pasinghap na reaksyon ni Calett ay sapat na upang masagot ang tanong niya. Nabayo niya ang manibela. “Wala kang pakialam, Rod. Kung saan ko man gustong gamitin ang lahat ng pinag-aaralan ko ngayon, wala ka na doon,” matabang na wika ni Scarlett. At muli, nakapaling na naman ang leeg sa gawing bintana. “s**t!” he muttered. Humanap siya ng lugar at ipinara ang sasakyan. “Calett,” tawag niya. “What?” lingon nito sa kanya. “Here’s a sample of a bone-melting kiss,” pakli niya at mabilis itong kinabig. He slid his tongue inside her. Sinamantala niya ang pagkakaawang ng bibig nito. He knew she was stunned. At gusto rin niyang samantalahin ang pagkakataong iyon. God, it felt like heaven kissing her. Buhat nang matikman niya ang mga labi ni Scarlett, parang hindi na niya iyon gustong tigilan. He kissed her with his tongue, with his lips and again with his tongue. And he groaned when he felt her kissing him back. Lalo pa niyang kinabig ang batok nito upang maperpekto ang anggulo ng kanilang mga mukha. He drank the sweetness of her lips, the sweetness of her breath. Isang malakas na busina ang pumutol sa tila panaginip na eksenang iyon. Itinulak siya ni Scarlett at pumirmi ito ng upo. Hinayaan lang niya. Pero bago niya pinaandar ang sasakyan ay muli siyang dumukwang dito. He kissed the corner of her lips. “Bone-melting, di ba?” Kulang na lang ay magkasugat-sugat ang katawan niya sa talim ng irap ni Calett. “Ihatid mo na ako sa amin, utang-na-loob.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD