HALOS isang paa pa lang niya ang bumababa sa kotse ni Rod ay tinatawag na niya si Romy. Ayaw niyang isipin ang halik—the bone-melting kiss, hindi man niya aminin. Kailangan niyang puntahan si Chad. Kaysa patuloy siyang maligalig sa epekto sa kanya ng halik na iyon ay inisip niyang gawin iyon agad kay Chad.
Scarlett wanted to feel Chad’s kiss. At naniniwala siya, makakalimutan niya ng mga paghalik sa kanya ni Rod kapag nagkaroon siya ng tsansa na mahalikan si Chad. At isa pa, dapat lang talagang puntahan niya si Chad. May seduction plan siya para sa lalaking iyon.
“Romy, ilabas mo iyong Camry!” sigaw niya.
“Saan ka pupunta?” tanong sa kanya ni Rod.
“Wala kang pakialam,” sopla niya dito. Mabilis siyang bumaba ng kotse at tinungo ang garahe.
“Calett, saan ka pupunta sabi?” Kunot ang noo ni Rod.
“Iyong lalakarin ko kanina, ngayon ko pupuntahan. At puwede ba, umalis ka na sa harapan ko? Sirang-sira na ang araw ko dahil sa iyo!” Sumakay na siya sa kotseng mabilis namang nailabas sa garahe. “Romy, tara na!”
HINDI maipaliwanag ni Rod ang pakiramdam niya habang tinatanaw ang papalabas na Camry. Napailing na lang na sumakay siya uli sa sariling sasakyan. Nag-abot pa sila ni Calett sa gate ng village. Wala siyang planong sundan si Scarlett pero nang umusad ang kotse nito ay nagdesisyon na rin siyang sundan ito.
Napasimangot siya nang makitang sa opisina ng papa nito ang tungo ng sasakyan ni Scarlett. Hindi niya maintindihan kung ano ang interes ni Scarlett sa opisina ng papa nito gayong wala naman itong pakialam sa kumpanya. Pero dahil naroroon na rin lang, pinanindigan na niya ang pagsunod sa dalaga.
“Sinusundan mo ba ako?” sita sa kanya ni Scarlett nang mag-abot sila sa elevator.
“Bakit naman kita susundan?” siyempre pa ay tanggi niya.
“Anong ginagawa mo rito?”
“Bakit banned ba ako dito? Kliyente ko ang isang executive ng papa mo. Aalukin ko siya ng bagong set ng ruby.”
Tiningnan siya ni Scarlett ng tinging hindi naman naniniwala sa sinabi niya. “Wala ka namang dala, ah? Saka magkasama tayo sa riles kanina lang.”
“Wala namang kinalaman kung galing man ako sa riles bago nagpunta dito. Saka kasya naman sa bulsa ng pantalon ko ang hikaw at singsing,” katwiran niya.
“Patingin nga?” ani Scarlett.
Umiling siya. Kahit anong pilit ang gawin sa kanya ni Scarlett, hindi siya papayag. Dahil wala naman talaga siyang dalang alahas.
“Patingin sabi, eh!” kulit ni Scarlett.
“Calett, alam mo ang uri ng alahas ko. Mawalan lang ako nang maliit na piraso, malaking halaga na,” kunwari ay seryosong wika niya.
“Alangan namang iwala ko samantalang titingnan ko lang?”
“No.”
Naglapat ang mga labi ni Scarlett. “Ayaw mo, ha? Ako ang dudukot niyan sa bulsa ng pantalon mo,” banta nito.
Napatda siya. At pagkuwa ay pilyong napangiti. “Go ahead,” he dared.
Si Scarlett naman ang halatang nagulat. At hindi niya balak pakawalan ang sitwasyong iyon. Sa kauna-unahang pagkakataon ay noon lang niya napansin na solo nila ang elevator. Umandar ang pagiging alaskador niya.
“O, bakit ka natigilan? Hindi mo kaya, ‘no?” hamon niya.
“Anong hindi kaya?” sagot ng dalaga na tila nalito.
“Hindi mo kayang dumukot sa pantalon ko.”
Sa itsura ni Scarlett, walang dudang nahamon niya ito. “P-para dudukot lang sa pantalon mo? Peanuts.”
“Peanuts pala, eh, bakit parang nautal ka pa?” tudyo pa niya.
Naningkit ang mga mata ni Scarlett. Sa dalawang hakbang ay natawid nito ang pagitan nila. Her hand was aiming at his denim. At nanatili naman siyang walang kikilos-kilos sa pagkakatayo.
“Ganito ba?” pikon na pikon ang tinig ni Scarlett. Padaskol na lumubog sa isang bulsa ng kanyang maong ang kamay nito.
Ngunit bago iyon lubos na lumalim ay biglang gumewang ang elevator.
At kumalat ang dilim.
“W-WHAT HAPPENED?” May bahagyang takot sa tinig ni Scarlett. Sa mismong bisig ni Rod siya humawak upang huwag mawalan ng balanse. At pakiramdam niya, singbagal ng pag-usad ng traffic sa EDSA ang galaw ng orasan.
“We’re stuck,” sagot ni Rod.
“B-bakit madilim?” tanong niya uli.
“Nawalan siguro ng kuryente. Siyempre, titigil nga itong elevator kung nawalan ng kuryente.”
“Ano ang gagawin natin?”
Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Rod. “It’s up to you, Calett.”
Napaawang ang mga labi niya. “Anong it’s up to me?” Nagkunwa siyang galit. Pero sa dibdib niya ay hindi niya maipaliwanag kung anong emosyon ang bumabangong doon. They were stuck in this small room. Madilim at halos magkayakap sila—dahil ang mga kamay ni Rod ay nakaalalay sa kanyang likod na tila tinitiyak na hindi siya mawawalan ng balanse.
“Calett, hindi sa bulsa ko nakadantay ang kamay mo,” he said huskily.
Her jaw dropped. Malamang, ni singhap ay hindi niya nagawa sapagkat imposibleng hindi niya marinig iyon. Ultimo mahinang tinig ni Rod ay tila nag-e-echo sa lugar na iyon.
And then her awareness focused on the part of him she was touching. “Rod,” she said pero hindi gumawa ng kilos ang kamay niya upang ilayo sa bahaging iyon.
“It’s okay, Calett. I’m not complaining.”
“I’m… I’m…” she trailed off dahil hindi rin naman niya alam kung ano ang sasabihin niya.
“Let me kiss you,” Rod said. At tila anunsyo lang iyon ng gagawin nito sapagkat bago pa siya nakapiyok man lang ay naramdaman na niya ang mga labi nito sa kanya.
Ang kamay nitong nasa likod niya ay umakyat sa kanyang batok. Dumiin nang bahagya doon upang tila ipamalay sa kanya ang intensidad ng halik nito. She couldn’t remember she parted her lips. Basta naramdaman na lang niya na nasa loob na ito ng bibig niya.
She knew she was being kissed thoroughly. Pero hindi kagaya ng sinundang halik, sa wari ay ang utak naman niya ang manhid ngayon. Ang iba pang bahagi ng kanyang sistema ay gising na gising sa halik nito.
She felt her bones were melting. She felt a velvet sensation spreading through her spine. She felt his tongue plunging and retreating in a frenzied dance, sending a delicious fire to her thighs.
Napakunyapit siya sa batok nito.
“Touch me,” paos na bulong sa kanya ni Rod.
Hindi na siya nag-isip pa at tumalima na agad. Through the fabric of his denim, she touched his rigid length. Marahil ay nakatulong sa mismong pagkatao niya ang mga nabasa at pinag-aralan niya kung kaya’t walang inhibisyong gumagalaw ang kamay niya sa mga sandaling iyon.
The power of her sexuality, the power of her being a woman, iyon ang nagdidikta sa kanya upang haplusin pa iyon. When she was rewarded by a hoarse growl, napangiti siya. Alam niyang tama lang ang ginagawa niya.
“Calett.” And he kissed her hard again.
Lumaban siya sa halik na iyon. Mas malalim ang ginagawa nito, mas malalim din ang pagtugon na ginagawa niya. He touched her breasts. And she allowed him more access. His kiss traveled. He closed her mouth in her one aching peak through the sheer fabric of her dress. And it felt erotic. Napaliyad pa siyang lalo dito nang biglang bumaha ng liwanag.
Kapwa sila nagulat. Ang liwanag na iyon ang nagpanumbalik sa realidad. Nagtama ang kanilang mga mata. Iba’t ibang emosyon ang mababasa roon. Pero hindi rin nawawala ang palatandaan ng pagkapukaw doon. Sa pakiramdam nga niya, ang mga tinging iyon ang tila nagpatuloy ng ginagawa ng kamay at labi nila sa isa’t isa.
Ang tunog ng emergency phone sa elevator na iyon ang pumatid sa kahuli-hulihang hibla ng pagkapit nila sa tila panaginip na pangyayari.
“Yes?” wika ni Rod na siyang sumagot sa telepono. “We’re fine… H-hindi gumagana itong telepono nang subukan kong i-dial kanina. Mabuti naman at nagka-power na uli. Sige, salamat.” At bumaling ito sa kanya. “Let’s get out of here.”
Sa sumunod na palapag ay bumukas ang elevator. Hindi na naghintay si Rod ng reaksyon niya at hinila na siya palabas doon.
“Saan ka talaga pupunta dito?” tanong nito.
Hindi siya agad nakasagot. Noon lang niya muling naalala si Chad. Ang lalaking iyon ang pakay niya sa lugar na iyon. Pero pati yata dulo ng buhok niya ay tumututol ngayon na puntahan ang lalaki.
“Mauna ka nang gumamit ng elevator,” wika ni Rod nang tila mainip sa isasagot niya.
Napatingin siya rito. Ang unang sumaisip sa kanya ay ang pag-iwas nito sa kanya. But she saw the hunger and desire in his eyes. At dahil ganoon din ang mismong nararamdaman niya ay nauunawaan na niya ang ibig nitong mangyari.
It was too risky to be confined again on that elevator. Office hours at mas malamang na mapagsolo na naman sila sa mekanismong iyon.
He was about four feet away from her. Pero tila hibla lang ang distansyang iyon kung ang pagbabatayan niya ang protesta ng bawat dulo ng ugat niya. Every fiber of her body was screaming in wanting him.
She tore her glance away from him. Ang katahimikan ng pasilyong kinatatayuan nila ngayon ay tila tukso. Ipinako niya ang tingin sa level indicator ng lift. Nang bumukas iyon sa tapat niya at hindi na niya nilingon pa si Rod at sumakay na.
“Sa Romantic Events tayo, Romy,” wika niya sa driver nang makita itong nakaabang sa kanya sa lobby ng building.