“NAKULAM ka ba o namatanda?” kunot ang noong wika sa kanya ni Eve.
Pabagsak siyang naupo sa sofa na nasa opisina nito. “I’m in trouble, sis,” aniya pero sa halip na lingunin si Eve ay sa kawalan siya nakatingin.
“Hmm,” ani Eve. “Sa itsura mo pa lang, halata naman, eh. Care to tell me?”
Noon siya tumingin dito. “Kaya nga ako nagpunta dito. Kailangan ko nang makakausap.”
Banayad na tumango si Eve at dinampot ang intercom. “Jenna, hold all my calls. Kahit si Ryan ang tumawag, sabihin mo ako na lang ang tatawag sa kanya. Huwag mo kaming iistorbohin ni Scarlett.” Tumayo ito at ini-lock pa ang pinto.
She was touched. Sa tinig na iyon ni Eve, alam niyang hindi nga siya nagkamali ng nilapitan. Eve was really something. Isang tunay na kaibigan.
“Now, I’m all ears,” wika ni Eve at tumabi pa ng upo sa kanya.
Isang paghinga ang ginawa niya. “Alam mo bang in the past few days ay hindi ako humawak ng bulaklak?” simula niya.
“Himala,” sambit naman ni Eve.
“Himala nga. I got myself busy with something else. Alam mo bang nag-aral ako ng… um, f******o?”
“Scarlett Marie?!” singhap ni Eve.
Ngumiti lang siya. “Virgin pa ako, sis.”
“F-f******o,” tila nababaghan pa ring sabi nito. “P-puwede bang ipaliwanag mo sa akin nang husto bago bigla na lang akong atakehin dito?”
Eksaheradong inirapan niya ito. “Eve naman, ikaw nga, eh, nakadalawa na ng asawa. Huwag ka ngang magpaka-demure diyan. I’m sure, ginagawa mo rin iyon, di ba?”
“Hindi naman tungkol sa akin ang pinag-uusapan dito. Iyang sinabi mo, diyan ako na-shock! Bakit? Bakit mo ginawa iyon? Ka-dalaga mong tao.”
“Hindi ba’t gusto kong akitin si Chad? Pinag-aralan ko ang lahat ng dapat kong malaman. Kissing, seducing saka iyon na nga, fellatio.”
Namutla si Eve. Bumuka ang mga labi pero wala namang salitang nanulas sa bibig isang kataga man.
“Wala naman akong balak na gawin kay Chad ang mga iyon sa isang upuan lang. Er… I mean, gusto ko lang na maging well-prepared ako. Siyempre, kung kakagat siya sa seduction ko, one thing might lead to another, di, iba na ang laging handa, di ba? Siyempre, girl scout yata ako.”
“P-pero pinag-aralan mo kamo iyon. Paano ka nag-aral ng f******o?” Eve grimaced.
“I bought books and explicit video. Through that, nalaman ko kung paano iyon ginagawa. Of course, may idea naman ako dati pa. But this time, pinag-aralan ko talaga.”
Tila noon lang nakahinga si Eve. “Thank God. Akala ko pa naman, kumuha ka na ng kung sinong lalaki sa tabi-tabi para maging personal tutor.”
“Hindi, ‘no? Fast-learner naman ako. Iyong napanood ko saka iyong nabasa ko na step-by-step pa nga, sapat na iyon. Alam ko na ang gagawin kung darating ang pagkakataon na iyon. Pero nu’ng minsan, out of curiosity, kumuha na rin ako ng… saging.”
Nahimas ni Eve ang dibdib. “Sandali lang, ha? Kailangan ko lang uminom. Natutuyuan ako sa mga sinasabi mo, Scarlett.” And after a while. “Itutuloy mo ang pang-aakit sa lalaking iyon? Ano na ba ang ginawa mo sa O’Hara na iyon?”
“Hindi ka ba masa-shock kung sasabihin ko sa iyo?”
“Siguro ay hindi naman. Huwag mo lang babawiin ang sinabi mong hindi mo pa nagawa ang… f******o sa kahit na sinong lalaki.”
“Hindi pa nga. Actually, pinakagrabe ko nang nagawa kay Chad ang halikan siya, sa sulok ng lips niya to be specific.”
“Hinalikan mo si Chad?” ulit ni Eve na walang dudang nagulat pa rin. Hindi niya tiyak kung exaggeration lang pero uminom uli ito ng tubig.
“Ano ka ba naman? Para lang iyong beso-beso. Iyon nga lang, imbes na sa pisngi ay talagang bandang lips niya ang tinarget ko. Sis, bago ka pa biglang atakehin, please bear in mind na iyon na ang pinakagrabeng ginawa ko sa kanya. Of course, hindi na rin naman siguro kaila sa iyo na pinupurga ko siya ng kung anu-anong sweets mula sa bakeshop ni Dindin.”
“And then?”
“Well, I believed na naka-first base na ako. Siyempre, kiss na iyon. kahit na nga ba hindi torrid, kiss pa rin iyon. I was inviting him na magbakasyon sa Club Noah sa Palawan. Ang balak ko, lahat ng pinag-aralan ko, seduction and including that f******o, doon sa lugar na iyon ko gagawin.”
“Do… do you have to do that?” Banayad pero may bahid ng pagtutol sa tono ni Eve. “Scarlett, makinig ka, please. Iyang mga ginagawa mo, I mean the preparation, bilib ako sa iyo. Hindi lahat ng babae gagawin iyan. At sa palagay ko, wala namang masama na pag-aralan mo ang lahat ng iyan. Karapatan mong malaman ang lahat ng iyan hindi lang para sa isang lalaki kung hindi para sa sarili mo rin mismo. I take, mas kilala mo ngayon ang sarili mo?”
“Yes, the woman power and sexuality thing.”
“Right. Including that going down between his legs, it is a power of a woman. Pero, Scarlett, hindi iyan ginagawa kahit sa sinong lalaki lang. I mean, kung hindi mo rin lang mahal ang isang lalaki, you won’t do that, unless you are being paid to do such. Pero alam naman natin pareho na hindi ganoong klaseng babae ang kategorya mo.”
“Kay Chad ko balak gawin iyon,” she said.
“Dahil mahal mo siya?”
“I THINK,” sagot ni Scarlett matapos ang ilang segundo.
“You think? Hindi ka sigurado.”
She sighed. “Ewan ko ba,” malabong sagot niya.
Napatuwid ang likod ni Eve. “Utang-na-loob, Scarlett, kung anuman ang natutuhan mo sa mga libro at video na pinagbuhusan mo ng panahon, huwag mong apurahing i-apply sa Chad na iyan o sa kahit na sinong lalaki. Mag-isip ka muna. Dios mio, alam mo bang pakiramdam ko ang dami kong gustong sabihin sa iyo pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula? Parang gusto kitang sermunan bilang conservative na tita na old maid.”
Walang buhay siyang ngumiti. “Ibig sabihin niyan concerned ka sa akin.”
“Of course! Hindi lang basta business associate ang turing ko sa iyo. Kaibigan at para na ring kapatid.”
“Thanks. Kaya nga dito ako pumunta, eh. Now, hear me. Kilala mo si Rod, di ba?’
Panibagong gulat na naman ang bumadha sa mukha ni Eve. “Si Rod na pinsan ni Lorelle?”
“Exactly.”
“Don’t tell me, nalipat na kay Rod ang interes mo kaya parang tinabangan ka na sa Chad na iyon?”
Nalukot ang ilong niya. “Para akong kumuha ng batong ipupukpok sa ulo ko kung magkakagusto ako sa Rod na iyon. Alam mo namang daig pa namin ang aso’t pusa. Noong isang araw, nabisto niya iyong mga librong at video. Sa kaaasar niya sa akin, napikon ako at sinabuyan ko siya ng isang pitsel na juice.”
“And then?” Humalo ang curiosity sa anyo ni Eve.
“Pareho kaming nagulat. Hindi naman ako bayolenteng tao kaya lang napuno na ako. I ran after him. Nanghingi ako ng sorry.”
“Pinatawad ka naman ba?”
“He kissed me instead.”
“Oh, dear.” Natapik ni Eve ang noo.
Ilang sandali na nanahimik siya. Mas matining ngayon sa isip niya ang eksenang iyon. At nagsusumiksik din sa memorya niya ang iba pang halik na namagitan sa kanila ng binata.
She made another sigh. “Alam mo bang taon na ang binilang buhat nang huli akong mahalikan? Noong halikan ako ni Rod, it felt like my first kiss. Sa totoo lang, it was better than my first kiss. It felt like the world was suspended in air. I almost lost my mind. Nakalimutan kong nasa driveway kami at ako ang mismong dumukwang sa kanya sa driver seat.”
Namilog ang mga mata ni Eve. “Pagkatapos?”
“The kiss was great. It was wonderful. Halos kasing-eksakto ng description ng mga romance writer sa mga nobela nila. I couldn’t think after that. It bothered me. And I couldn’t simply accept that. So I willed myself to use that kiss for my benefit. I regarded that as another lesson. Tutal, desidido nga akong mag-master ng seduction, di ba? I might as well take that kiss as actual lesson in kissing.”
“Pero hindi mo pa nai-apply kay Chad.”
“Hindi nga.” At bumuntong-hininga siya. “s**t, do you know it wasn’t the first and only kiss?”
Nanlaki ang mga mata ni Eve. At kung hindi lang siya seryoso sa sinasabi niya, malamang ang tumawa na siya. Napansin niyang mas ang mga mata ni Eve ang nagre-react sa mga sinasabi niya.
“The second time he kissed me, I held all my emotion. Pinag-aralan ko kung paano siya humalik. I needed that since I was taking that kiss as a lesson. But the third and fourth time…” she paused and looked away, as if remembering. “Kanina lang iyon, actually. Dinala niya ako sa riles. Iyong lugar sa kanila sa Meycauayan. I met his friends. Okay naman. kahit na mahirap lang sila, wala naman akong reklamo doon. Friendly naman sila. In fact, medyo nag-iba nga ang tingin ko kay Rod. Akala ko kasi, ubod ng sosyal ang lalaking iyon. Pero nang matuntong sa riles, mas mukha pang kanto boy kaysa sa mga kumpare niya doon. He’s like one of the boys there.”
She paused. “He introduced me as his girlfriend tutal naman daw hindi maniniwala ang mga nandoon na hindi niya ako girlfriend. Naki-ride on naman ako. Nang pauwi na kami, balik na naman kami sa dati. Nagkapikunan na naman, then he kissed me—a bone-melting kiss…” She smiled faintly. “That was our third kiss. Iyong pang-apat… we were trapped in the elevator. And what happened was more than the first two kisses and the third bone-melting kiss combined. I… I was breathless.”
“And you took that as another lesson?” tanong Eve.
“No. It made me forget Chad,” amin niya.
“Uh-oh, I get the picture. Finally.” May bahid ng panunudyo sa tinig ni Eve at eksaherado din ang paghinga nito nang maluwag.
Nilingon niya ito at may talim ang matang tiningnan. “Don’t dare tell me I’m getting attracted with Rod,” may warning sa tinig niya pero sa palagay niya ay mas sa sarili niya iyon sinasabi. “Hindi ko matatanggap. Mas gugustuhing ko pa ang rejection ni Chad kaysa ang magustuhan ang Rod na iyon.”
Tumaas lang ang kilay ni Eve. “Hindi ba’t kaya ka nagpunta rito ay dahil gusto mo nang makakausap? At dahil hindi naman ako basta listener lang, dapat ay pakinggan mo rin ang sasabihin ko. And forgive me, Scarlett. Pero ikaw na rin ang nagsabi. Let me just rephrase it. You aren’t getting attracted with Rod. You are indeed attracted to him.”
“No.” Pero bawat himaymay yata ng laman niya ay gustong sumigaw ng “yes.”
“Alam mo bang mas madali para sa akin na isipin kayong dalawa ni Rod as a couple kaysa sa Chad na iyan? Parehong hindi ko pa nakikita ang dalawang lalaking iyan but I find it easy to imagine Rod kaysa kay Chad. Chad’s like an ice. Sa ganda mong iyan, hindi ka na kailangang mang-akit para lang mapansin ka niya. While that Rod… Scarlett, hindi naman bago sa love case iyong kung sino pa ang palaging nag-aaway siyang nagkakatuluyan, di ba?”
“Pero hindi kami ni Rod iyon!”
“Oh, really? Ilang beses na kayong nag-kiss? Apat di ba? At ikaw na rin ang nagsabi, parang pinilas sa pahina ng romance novel ang description ng kiss ninyo. Bawat kiss ninyo, may level up. Don’t deny the truth to yourself.” At ngumiti ito nang nanunukso. “Ayaw mo ba nu’n, magiging pinsan mo si Lorelle?”
Napangiwi siya. “Lorelle’s also a friend. Pero, Eve, bakit kay Rod? I don’t want to fall in love with him.”
“Bakit, akala mo ba ginusto kong mahalin si Ryan? All I wanted was revenge. But I fell in love with him instead. At ngayong maligaya ako kay Ryan, walang-wala akong pagsisisi na na-in love ako sa kanya.”
“Kayo. Hindi kami puwede ni Rod. Imposible kaming magkasundo.”
“Malay mo naman, Scarlett.”