19

1163 Words
ILANG ARAW nang nagkukulong lang sa bahay si Scarlett. Kung hindi pa sa order ng bulaklak na pagkakaabalahan niyang gawin ay lalo na sigurong iyong mismong kuwarto lang niya ang iniikutan niya. Kung gaano siya kasikhay dati na isakatuparan ang mga balak niya, siya namang kawalang-gana niya ngayon. Sa tingin nga niya, pati ang mga bulaklak na inaayos niya ngayon ay wala ring kabuhay-buhay. “Lisa, puwede bang ikaw na lang ang gumawa ng arrangement na ito?” wika niya sa assistant. “Ordinary na lang naman ito sa atin. Kayang-kaya mo, di ba?” May kontratang kasal si Eve. Maliit lang ang budget kaya naman bulaklak lang para sa wedding entourage ang gagawin niya. pero dahil pakiramdam niya, wala ngang sigla ang mga bulaklak na inayos niya, mas mabuti pang ipasa na lang niya kay Lisa ang paggawa niyon. “Yes, ma’am.” “Ikaw na ang gumawa. Tawagin mo na lang ako pag tapos na para ire-repair ko na lang kung may makita akong mali. Doon na muna ako sa kuwarto ko. Masama lang ang pakiramdam ko.” “Ma’am, magpa-check up kayo sa doktor.” Ngumiti siya. “Wala akong sakit. Tinatamad lang ako.” “Darating na ang mama ninyo mamaya. Sigurado, pipilitin kayo nu’n na pumunta sa doktor.” “Ako nang bahala dun.” Iniwan na niya ito at walang siglang pumanhik sa kanyang silid. Sinulyapan lang niya ang mga librong dati-rati ay halos kabisaduhin niya ang nilalaman. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Of course, alam pa rin naman niya ang mga natutuhan doon. Iyon nga lang, wala siya katiting mang interes na gawin ang mga iyon. Ni hindi niya tine-text man lang si Chad. Dati, sa umaga pa lang ay ginu-good morning na niya ito. At bukod pa roon ang pagpapasa ng kung anu-anong text messages. Bigla ay wala nang hatid na kiliti sa kanya ang pangalan ni Chad. Wala na ring kilig na dulot sa kanya ang pagsamahin ang pangalan niya at ang apelyido ng lalaki. At walang kinalaman doon si Rod. Iyon ang palagi niyang sinasabi sa isip kapag parang naghahanap siya ng sagot kung bakit tinabangan siya kay Chad. Imposible. Hanggang ngayon, hindi niya gustong ayunan ang analysis ni Eve na puwedeng sila ni Rod. Besides, nasaan na si Rod? Nang maghiwalay sila nito pagkatapos ng pangyayaring iyon sa elevator ay hindi na ito nagpakita sa kanya. Maybe, what happened inside the elevator was just a spur-of-the-moment. Sino ba naman ang hindi mangangahas na halikan siya kung ganoong napaka-intimate ng ayos nila. Saka it wasn’t their first kiss. And it should be no big deal. But then, sino ba ang niloloko niya? She missed Rod. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nawalan siya ng guts na mag-text man lang sa isang lalaki. Hindi niya kayang ipaliwanag kung bakit. Kay Chad, ang kapal talaga ng mukha niya para gawin ang lahat mapansin lang nito. Samantalang kay Rod, wala siyang lakas ng loob na gawin ang kahit ano. Isa pa, walang dahilan para tawagan o i-text niya si Rod. Kahit naman labas-masok ito sa bahay nila, hindi sila talaga naging textmate. Paano sila magiging textmate man lang kung palagi na lang silang nag-aasaran? And what would he think kung mauuna siyang mag-text dito? Na naghahabol siya? Ngayon niya gustong dagukan ang sarili. Bakit hindi niya ginawa ang ganitong pag-aanalisa sa sarili noong “nahihibang” siya kay Chad? Bakit ngayon kay Rod ay umaandar ang consciousness niya? Tumunog ang intercom at iyon ang umabala sa pag-iisip niya. “Yes?” pati tinig niya ay halatang tinatamad. “Ma’am, tapos ko na iyong arrangement,” ani Lisa. “Saka tumawag na rin po si Ma’am Eve. Ipapa-pick up na raw po niya kung ready na. Mamaya daw pong six pm ang kasal.” Of course she knew that. “Sige, bababa na ako.” ANG FLOWER arrangement na nakita ni Scarlett sa mesita ng kanilang maluwang na sala ay mas bongga pa sa centerpiece na ginagawa niya sa presidential table ng mga kasal na sky’s the limit ang budget. Kumunot ang noo niya. Ni wala siyang ganoong klaseng bulaklak sa workroom niya. “Hindi si Lisa ang gumawa niyan,” wika ng isang taong bigla na lang sumulpot buhat sa kusina. “Hello, Calett. Do you like the flowers?” Sa tinig pa lang, alam na niyang si Rod iyon. Pero hindi niya alam na biglang papalya ang t***k ng puso niya nang ibaling niya ang tingin dito. She knew she missed him. But she didn’t know how much until she looked at him now. Humigpit ang hawak niya sa barandilya ng hagdanan. She must be fool kung bigla na lang siyang lalapit dito at yayakapin. Pero tila buong sistema niya, iyon nga ang mismong nais na gawin. Nginitian siya ni Rod. Ngiti na hindi nang-aasar. And she felt her knees weakened. Humakbang ito at kinuha sa mesita ang flower arrangement. “For you, Calett.” “Bakit?” “Gusto kitang bigyan ng bulaklak.” Pinili niyang mag-react nang ayon sa pagkakakilala sa kanya ni Rod. Tiningnan niya ang bulaklak na para bang lanta na iyon. ni wala katiting mang appreciation sa kanyang anyo nang ibalik niya ang tingin sa binata. “Buong buhay ko, bulaklak na ang nasa tabi ko. Saka ano ba namang mga bulaklak iyan?” Noon siya humakbang at tila sinipat ang mga bulaklak. “Orchids, roses, gerbera, bromeliad, baby’s breath, lily of the valley, birds of paradise. Wala man lang bang tulips?” Nawala ang ngiti ni Rod. “Wala ka naman palang kuwentang bigyan ng bulaklak, eh,” anito at ipinatong muli sa mesita ang bulaklak. “Hindi na kita bibigyan kahit kailan. Hindi ka man lang magpasalamat.” Nagdiwang siya. Ganito ang eksena nila ni Rd na hindi siya makadarama ng pagkailang. “Sino ba naman kasi ang maysabi sa iyo na bigyan mo ako ng bulaklak? Tange ka pala, eh. Alam mo namang kahit natutulog ako, kaya kong kilalanin ang kahit na anong bulaklak. Saka aanhin ko iyan?” Sumama ang tingin nito sa kanya. “Anong malay ko? basta ako, pinagawa ko iyan dahil gusto kitang bigyan. Kung hindi mo nagustuhan, di pasensya na lang ako. Sorry, ha? Tatandaan ko na. mula ngayon, hinding-hindi na kita bibigyan ng bulaklak.” Tumalikod na ito. Nakalabas na ito nang ma-realize niyang mali nga naman ang ikinilos niya. “Rod, sandali!” Huminto ito. “Huwag kang magso-sorry, hindi ko tatanggapin,” wika nito, halatang masama ang loob. “Di, hindi.” At ngumiti siya. “Nagmeryenda ka na?” “Bakit, concern ka?” Suplado ang tono nito pero halata namang lumiwanag ang mukha. May naglarong ngiti sa sulok ng mga labi niya. “What if, concern nga?” Hindi na siya naghintay ng isasagot nito at hinila na ito. “Tara sa kusina. Magmeryenda tayo.” Nagpatianod naman si Rod. “Duda ako sa iyo, Calett. Baka lalasunin mo ako, ah?” “Hindi.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD