“KANINO bahay ito, Rod?” tanong niya nang dalhin siya ng binata sa isang beach house. Matapos nilang lagpasan ang hilera ng mga restaurant at mapansing tila barrio ang tinutunton nila ay nagtanong na siya. sa halip na sumagot, ipinasok ni Rod ang sasakyan sa malawak na bakuran. Maliwanag ang paligid kaya natanaw din niyang dagat ang isang panig. “Sa akin,” sagot nito. “Sa iyo? May bahay-bakasyunan ka pala dito?” “Yes, as of yesterday, may deed of sale na kami para sa property na ito.” Bumaba ito at mabilis na lumigid sa gawi niya. “Tara, libutin natin.” Inabot niya ang kamay na inilahad nito. Kanina pa niya napansin iyon—ang gentleman side ni Rod. Hindi lang niya isinatinig dahil baka pagsimulan na naman ng sagutan nila. Isa pa, nag-e-enjoy din naman siya na ganito sila ni Rod. Paran

